26 years old ako noong nalaman kong buntis ako sa magiging unang anak ko. How I felt back then was mixed emotions.
Unang subok ko sa PT ay positive result agad ang lumabas. Of course, ang saya ng puso ko. This is what I prayed for.
Eto ‘yong kaisa-isang bagay na hiniling ko kay Lord na siguro ay nabingi na Siya. But then, after that very moment, mga tanong naman ang pumasok sa isip ko.
Kaya ko na ba? Handa na ba talaga ako o kami? Ano mga gagawin namin?
As days go by, nagsi-sink in na sa utak ko na eto na, buntis na ako. Finally. I immediately quit my job for safety reasons na din.
And medyo naging maselan ako sa first trimester ko. Nagpahinga ako sa bahay. Ramdam ko lahat ng mga signs of being pregnant.
Morning sickness, kawalan ng gana kumain, mood swings na malala. Thank God inintindi ako ng mga kasama ko sa bahay and especially my partner.
He takes care of me all the time. He gave me his full support.
Medyo nag-suffer kami sa financial aspects dahil hindi naman kalakihan ang sahod niya sa work niya. At my 4th month na ako nakapagpa-check up at first ultrasound.
Luckily, nalaman din namin agad ang gender ng baby namin. As months go by, hindi ulit naging madali ang buhay para sa amin.
At my 7th month na ulit ako nakapagpa-check up. And by this time, sobrang nagiging happy ang heart ko dahil lagi ko na nararamdaman ang baby ko sa tuwing maglilikot sya sa tiyan ko.
Nothing I can’t do for my Baby. I’ll make sure na gagawin namin lahat para sa kanya. Mag 8 months na ako now, and we’re excited para sa paglabas ni Baby.
All I am praying now is maging healthy siya paglabas nya. Pray for our safe delivery.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!