Umabot na sa 249,332 ang nagkakasakit ng dengue sa buong bansa para lamang sa taon na ito. Higit pa ito nang 9% mula sa naitalang mga kaso ng dengue nuong nakaraang taon. Mula sa bilang na ito, 1,021 na ang namatay sa dengue. Ito ay ayon sa report ng Department of Health’s Epidemiology Bureau (DOH-EB) nuong ika-24 ng Agusto.
Ayon sa DOH, ang mga nagka-dengue mula Enero hanggang Agusto ngayong taon ay ang pinakamataas na naitala mula pa nuong 2012. Sa mga nakaraang taon, mula 113,000 hanggang mahigit 220,000 ang naitalang nagkakasakit. Subalit, mula lamang ika-18 hanggang ika-24 ng Agusto, mayroong 13,192 na bagong kaso ng dengue. Masmataas ito nang 60% mula sa parehong mga petsa nuong nakaraang taon.
Marami ang namatay sa dengue ngayong “ber” months.
Ang Health Undersecretary na si Rolando Enrique Domingo ay humihingi ng tulong mula sa mga namamahala ng mga barangay. Ayon sa kanya, kailangan ng mga health autorities ang tulong ng mga lokal na opisyal upang mapigil ang patuloy na pagkalat ng sakit. Lalo na dahil sa ang bilang ng nagkakasakit ng dengue ay lalong tumataas pagpasok ng ber months.
Ayon kay Domingo, kailangan ng tulong ng mga lokal na opisyal upang makapag-palinis araw-araw. Aminado si Domingo na ito ay nakakapagod ngunit kailangang isagawa dahil patuloy ang pagdami ng mga nagkakasakit. Kanilang inirerekumenda ang fogging sa mga lugar na marami nag nagkasakit sa loob nang dalawang lingo.
Sa mga rehiyon, Western Visayas ang may pinakamaraming kaso ng dengue na umabot ng 42,694 kung saan 186 ang namatay. Ang iba pang lugar na mataas ang bilang ng nagka dengue ay:
- Calabarzon (35,136 na nagkasakit, 112 ang namatay)
- Northern Mindanao (18,799 na nagkasakit, 69 ang namatay)
- Zamboanga Peninsula (17,529 na nagkasakit, 93 ang namatay)
- Eastern Visayas (17,107 na nagkasakit, 52 ang namatay)
Mga bata
Sa Southeast Asia, ang Pilipinas ang may pinakamataas na fatality rate mula sa dengue na 0.4%. Mula sa halos 250,000 na naitalang nagka-dengue ngayong taon at 1,021 na namatay, 1/3 nito ay mga bata. Mga mula 5 hanggang 9 taong gulang ang sangkapat ng bilang ng mga bata kung saan 39% na ang namatay. Ang records sa iba pang mga edad ay ayon sa sumusunod:
- Edad 4 taong gulang pababa (16%)
- Mula 10 hanggang 14 taong gulang (20%)
- Mula 15 hanggang 19 taong gulang (15%)
Ayon kay Domingo, wala pa silang natatanggap na report ng kakulangan sa mga supplies. Ganunpaman, para maiwasan ang overcrowding sa mga ospital, ang mga pasyente ay sinusuri sa mga itinalagang hydration areas sa mga klinika at mga ospital. Tanging ang mga may malalang kaso lamang ng dengue ang ia-admit.
Ganunpaman, mahalaga parin na maging mapagmatyag ang mga magulang para sa sintomas ng dengue. Mangyaring magpasuri kung kayo o ang inyong anak ay dalawang araw nang nakakaranas ng mga sumusunod:
- Pabalik-balik na lagnat
- Pananakit ng ulo
- Pananakit ng likod ng mata
- Malalang pananakit ng mga kasukasuhan at muscles
- Kapaguran
- Pagkahilo
- Pagsusuka
- Rashes sa balat
- Pagdurugo o pagpapasa
Ayon kay Domingo, kung ang komunidad ay agresibo at aktibong nilalabanan ang dengue, masmadaling mako-kontrol ang pagkalat nito.
Basahin din: #AskDok: Nakakahawa ba ang sakit na dengue?
Source: Inquirer, WebMD
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!