X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Ogie Diaz, inalala ang pinagdaanan ng premature na anak

4 min read
Ogie Diaz, inalala ang pinagdaanan ng premature na anak

Premature baby noon ni Ogie Diaz na si Meerah Khel 2 years old na!

Masaya si Ogie Diaz na matapos ng dalawang taon ay healthy ang kaniyang premiee baby na isang milagro ang pagkakasurvive.

Ogie Diaz baby Meerah Khel

Kailan lang ay nagcelebrate ng kaniyang 2nd birthday ang pang-limang anak ni Ogie Diaz na si Meerah Khel. Mula sa kaniyang pangalan ay miracle nga talaga ang pagkakasurvive ng anak ni Ogie na kaniyang ibinahagi sa mga netizens sa isa niyang Facebook post.

Ayon nga sa post ni Ogie Diaz ay hindi siya makapaniwala na dalawang taon na ang lumipas matapos ang hindi niya makakalimutang tagpo ng isilang ang kaniyang anak na si Meerah Khel.

Naiiling na lang ako. Kasi, di ako makapaniwala. Parang kelan lang. Dalawang taon na pala ‘yon? Ambilis ng panahon, grabe.

Biglang nagbalik sa alaala ko ‘yung mga panahong pinipigilan pa namin siyang lumabas dahil wala pang 6 months.

Kahit hirap na hirap na ang mama niya sa kanya, nilabanan pa rin ng mama niya ang hapdi, kirot, sakit ng katawan para i-extend lang ang stay niya sa sinapupunan kasi nga, pumutok na ang panubigan eh.

Ang baby Meerah Khel ni Ogie ay ipinanganak na premature na hindi man lang umabot sa 6 months na pagbubuntis. Kaya naman naipanganak ito na may bigat ng 625 grams lang. Ito daw ay dahil sa maagang pagputok ng panubigan ng kaniyang asawa na naging hudyat sa maaga ring paglabas ng kaniyang baby.

Juice ko, malinaw pa sa alaala ko, parang basketball ang nangyari. Paglabas ng bata, ipinasa ni Doc Perez sa pediatrician at sa Neonatal doctor ang bata. Ginawa ang lahat bago “mai-shoot” sa incubator.

Halong tuwa at awa ang naging emosyon ko. Kasi kita ko, parang kuting sa liit ang bata. Minsang kinarga ko, nagkasya lang siya sa palad ko.

Ogie Diaz with baby

Image screenshot from Ogie Diaz Facebook account

Ipinagdasal daw talaga ni Ogie Diaz ang kaniyang anak na si Meerah Khel hindi pa man naiisilang ito. Kung sakali man nga daw na may mangyari ay tanggap niya ito at ng kaniyang asawa na ginawa naman ang lahat ng kanilang makakaya para maisalba ang buhay ng anak.

Alam n’yo, hindi pa inilalabas ang batang ito, hiningi ko na siya kay Mama Mary sa Simala Church sa Sibonga, Cebu.

Abot-abot ang dasal ko.

Sabi ko, “Lord, Kayo po ang mas nakakaalam kung para po sa amin ang anak ko o kukunin N’yo po siya. Anuman po ang desisyon n’yo, maluwag ko pong tatanggapin. Pero hangga’t kaya namin ng mama niya, hindi namin siya isusuko. Mawala man siya, at least, alam ng anak ko na ginawa namin ang lahat para maisalba siya.” Kaya naman balik kami nang balik doon.

Hindi nga binigo ni Lord si Ogie, dahil lumaking maayos at healthy ang kaniyang baby Meerah Khel na ngayon ay 2 years old na at ang “little big boss” ng kanilang pamilya.

Anak na Ogie Diaz na premature nung ipinanganak 2 years old na

Ogie Diaz baby Meerah Khel

Ngayon, sa tuwing tinitingnan ko siya, kinakarga… hindi pa rin ako makapaniwala na ito na pala ‘yung batang ipinaglaban ng mama niya para lang umabot siya kahit 6 months bago ilabas.

Ang tapang na bata. Hindi bumigay. Lumaban. Siya din ang nagbigay sa amin ng lakas para lumaban, para ipaglaban ang buhay niya.

Masayahing bata. ‘Yung ngiting nakakatanggal ng pagod at stress. ‘Yan ang aking anak — si Meerah Khel.

Happy 2nd birthday, Meerah! Ikaw ang aming “little big boss.” Ikaw ang patuloy na nagbibigay ng lakas sa amin ng mama mo at mga kapatid mo.

Mahal na mahal ka namin, anak!

Mahal na mahal ka ng daddy!😍😍😍😍

Partner Stories
10 Signs of Good Nutrition of Kids, and How to Spot Them
10 Signs of Good Nutrition of Kids, and How to Spot Them
5 activities to turn family merienda into fun bonding moments
5 activities to turn family merienda into fun bonding moments
Commission on Women lauds P&G for advancing household equality with 8-week paternity leave
Commission on Women lauds P&G for advancing household equality with 8-week paternity leave
Time for an all-pampering shower at the click of a button!
Time for an all-pampering shower at the click of a button!

Ogie Diaz bilang ama

Si baby Meerah Khel ay ang pang-limang anak ni Ogie Diaz sa kaniyang partner na si Georgette del Rosario. Ito ay ipinanganak noong February 9, 2017 na isang dangkal lang ang laki, ayon kay Ogie.

Ogie Diaz premiee baby

Image screenshot from Ogie Diaz Facebook account

Apat na buwan daw itong naconfine sa ospital na may nakakabit na mga aparato sa katawan para mabuhay. Sa isang Facebook post pa ni Ogie ay pabiro niyang sinabi na ang mga aparatong nakakabit sa kaniyang anak ang nagsilbi nitong jumping rope sa loob ng incubator.

Sa isang interview ni Ogie Diaz sa ABS-CBN ay sinabi niyang umabot sa P2.5 million ang naging gastos niya mailigtas lang ang buhay ng anak.

Ogie Diaz family

Image screenshot from Ogie Diaz Facebook account

Si Ogie Diaz ay kilalang comedian at talent manager. Siya ngayon ang manager ni Liza Soberano at dati ring naging manager ni Vice Ganda. Si Ogie ay openly gay at proud na proud sa limang magaganda niyang anak.

 

Sources: ABS-CBN News, Inquirer, ABS-CBN News

Basahin: Dear TAP: Premature at masakitin na baby noon, healthy baby na ngayon dahil sa breast milk

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • Ogie Diaz, inalala ang pinagdaanan ng premature na anak
Share:
  • Ogie Diaz: "Ang tunay na laban ng buhay ay nasa labas ng eskwela."

    Ogie Diaz: "Ang tunay na laban ng buhay ay nasa labas ng eskwela."

  • QUIZ: Kaya niyo bang hulaan kung sino ang mga magulang ng mga celebrity babies na ito?

    QUIZ: Kaya niyo bang hulaan kung sino ang mga magulang ng mga celebrity babies na ito?

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • Ogie Diaz: "Ang tunay na laban ng buhay ay nasa labas ng eskwela."

    Ogie Diaz: "Ang tunay na laban ng buhay ay nasa labas ng eskwela."

  • QUIZ: Kaya niyo bang hulaan kung sino ang mga magulang ng mga celebrity babies na ito?

    QUIZ: Kaya niyo bang hulaan kung sino ang mga magulang ng mga celebrity babies na ito?

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.