Apat na taong gulang mahigit 5ft na ang tangkad

Apat na taong gulang mahigit 5ft na ang tangkad

Halos lahat ng mga magulang ay nais tumangkad ang mga anak. Sa katotohanan ay isa sa mga kadalasang tanong sa mga pedia ay kung paano tumangkad ang mga bata. Ngunit paano kung sumobra naman ito? Ano ang kundisyon ng tao ng 4 na taong gulang na si Raven "Venven" Mercado?

Venven Mercado

Ayon sa ina ni Venven na si Rosalie, hindi nila lubos akalain ang naging paglaki ng bata. Kung iniisip ng iba ay paano tumangkad, sa mga magulang ni Venven naman ay paano pabagalin ang pagtangkad.

Nuong 3 taong gulang si Venven ay 4ft 5in na ang inabot ng tangkad nito at may bigat na 42 kilos. Ngayon naman na siya ay 4 na taong gulang na, 5ft 3in na ang kanyang tangkad at 55kilos ang kanyang timbang.

Bilang 4 na taong gulang na ang bata, nagsimula na itong pumasok sa paaralan. Siya ngayon ay tumutuloy sa isang daycare center sa Pampanga. Pala-kaibigan din ang bata at nakaka-sabay sa mga gawain na ibinibigay ng mga guro. Ayon pa nga dito, mahilig siya sa mga hugis at mga kulay.

Naging maayos man ang kanyang cognitive na development, nahihirapan ang bata sa ilang pisikal na gawain. Ayon sa kanyang guro, hirap si Venven sa pagtakbo at mabilis na paglakad. Ang paa ng bata na dati ay size 11, ngayon size 15 na.

Gigantism

Ayon sa eksperto, si Venven ay mayroong gigantism. Ito ay isang bihira ngunit malubhang kondisyon kung saan mayroong adenoma ang tao. Ang adenoma, isang tumor sa pituitary gland, ang nagiging dahilan ng sobra-sobrang growth hormone na nagdudulot ng sobrang paglaki ng mayroon nito.

Bukod sa kapansin-pansin na mabilis na pagtangkad, ang ilan pang sintomas ng gigantism ay:

  • Malalaking kamay at paa
  • Matatabang mga daliri sa kamay at paa
  • Kapansin-pansin na panga at noo
  • Ilang facial features

May ilang mga paraan sa pagpapagaling ng gigantism. Maaari itong idaan sa surgery, pag-inom ng gamot o kaya ang tinatawag na Gamma knife radiosurgery. Sa kaso ni Venven, ang iminumungkahi ng eksperto ay ang surgery para tanggalin ang adenoma.

Si Venven din ay may hernia. Mapapansin na namamaga ang bandang pusod nito ngunit idinadaan nalang nila ng kanyang mga magulang sa binder ang pag-suppress dito. Umaasa ang mga magulang ni Venven ng mga tulong upang mapagaling sa kanyang kundisyon ang bata.

Basahin din: 17 Buwang gulang na bata, natusok ng chopstick ang bibig at utak

Source: Unang Balita

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner