Marami pa ring bilang ng kababaihan ang sumusubok na magkaanak sa kanilang mid-30s. Ayon sa mga eksperto, may mga dapat na tandaan sa pagbubuntis sa edad na 35.
Mga risk na dapat tandaan sa pagbubuntis sa edad na 35
Malaking bilang pa rin ng populasyon ng kababaihan ang sumusubok ng pagbubuntis sa edad na 35. Marami ang maaaring dahilan nito, ang ilan ay inuuna ang propesyon, ang iba ay hindi pa handa, at ang iba naman ay gusto pang dagdagan ang parte ng pamilya.
Ayon sa eksperto, mas matanda raw sinisimulan na magplanong magbuntis ay mas matagal ang resulta. Sa pagkapanganak daw ng mga babae, mayroon itong isa hanggang dalawang milyon na eggs sa kanilang ovaries, kalahati nito ay nawawala sa pagtuntong nila ng puberty.
Kaya naman maraming posibleng challenges na kaharapin ang isang babae na nakatungtong na sa mid-30s ngunit gusto pang magkaanak.
Sa edad daw kasi na 20 pinaka-fertile ang kababaihan at nagsisimula itong mag-decline nang mabilis sa edad naman ng 30. Lalo pa bumibilis ang pagbaba ng fertility ng isang babae kapag siya ay sa edad na 35 na, dahilang para mas lalong maging mahirap ang pagbubuntis nito.
Marami ang risk na maaaring sumulpot kung magsisimula ang pagbubuntis sa edad na 35. Ito ang ilan sa kanila:
-
Mas mataas ang tiyansa ng pregnancy loss
Mas nadadagdagan ang edad mas mataas ang risk ng miscarriage at stillbirth. Ang stillbirth ay ang pagpanaw ng baby sa sinapupunan ng ina makalipas ang 20 weeks ng pagbubuntis. Maaaring ang dahilan daw nito ay ang mga pre-existing na medical conditions o kaya naman ay fetal chromosomal abnormalities.
-
Posibilidad ng mga chromosome abnormalities
Malaki ang bilang na naitala na ang mga babies na ipinanganak ng may mga edad na babae ay may chromosome problems tulad na lamang ng Down syndrome.
-
Tiyansang magkaroon ng high blood pressure
Napag-alaman sa mga pag-aaral na mas common na madevelop ang high blood pressure sa matatandang kababaihan.
-
Mataas ang tsansa na sumailalim sa caesarian section
Mataas ang tsansa na magkaroon ng pregnancy complications tulad ng placenta previa ang matatandang nagbubuntis kaya kinakailangan ng C-section delivery.
-
Babantayan ang pagkakaroon ng gestational diabetes
Mahalaga na makontrol ang blood sugar sa pamamagitan ng pagdadiet at physical activity dahil common ang gestational diabetes sa babae habang tumatanda. Maaaring magbunga ito ng larger growth kumpara sa average na timbang ng bata kaya maaaring tumaas ang risk ng injuries habang nanganganak. Nagbubunga rin ito ng risk sa premature birth at iba’t ibang complications.
-
Posibilidad ng pagkakaroon ng kambal na anak
Dahil sa hormonal changes sa pagtanda na nagrerelease ng multiple eggs maaaring magdulot ito pagkakaroon ng kambal.
-
Mas mababa ang tiyansang mabuntis kaagad
Bumababa ang quantity at quality ng mga egg cells ng babae habang tumatanda lalo sa edad na mid hanggang late 30’s. Hindi rin nagiging madali na ma-fertilize ang eggs ng mga may edad ng babae kumpara sa mas bata pa.
-
Mataas na tiyansa ng premature birth
Malaki ang tiyansa na pagkakaroon ng premature birth sa mga babaeng magbubuntis sa edad na 35 na taong gulang. Dagdag pa rito, may risk din ng pagkakaroon ng low birth weight sa mga sanggol isisinalang. Kadalasan din nagkakaroon ang mga sanggol ng mga medical problems.
5 healthy tips para sa healthy na pregnancy journey
Bagaman maraming risk ang pagbubuntis sa edad na 35, hindi dapat nawawalan ng pag-asa na magkaroon pa rin ng anak. Narito ang ilang tips na aming inilista upang makatulong na mas mapataas pa ang tyansa at healthy na pagbubuntis.
1. Magkaroon ng healthy na diet
Kinakailangan ng buntis ang folic acid, vitamin D, calcium, iron at iba pang essential nutrients na maaaring makuha sa pamamagitan ng pagkakaroon ng healthy diet.
2. Umiwas sa kahit anumang bisyo
Ang kahit anuman bisyo katulad ng alak, sigarilyo at iligal na droga ay hindi maganda para sa pagbubuntis dahil maaaring magdulot ito ng maraming kumplikasyon.
3. Mag-ehersisyo ng regular
Marami ang benepisyong dulot ng ehersisyo sa tao lalo sa mga nagbubuntis. Maaaring maiwasan nito ang discomfort na dala ng pagbubuntis at mapataas pa ang energy level. Makakatulong pa ito na maghanda sa pagle-labor at mismong panganganak dahil napapalakas ng ehersisyo ang stamina at muscle ng tao.
4. Magdagdag ng tamang timbang
Masusuportahan ng pagdagdag ng tamang timbang ang health ng bata. Maaaring kumonsulta sa healthcare provider mo upang malaman kung paano ito magagawa.
5. Kumonsulta parati sa inyong healthcare provider
Mainam na palaging kinakausap ang iyong personal na doktor tungkol sa overall health at lifestyle mo sa kung paano mas magiging healthy ikaw at ang iyong baby.
Mahalaga na naiintindihan ng mag-asawa ang mga risk na ito. Sa kabila ng mga risk na ito ay maaari pa namang magbuntis, siguraduhin lamang na laging makipag-ugnayan sa doktor para masigurong ligtas ang pagbubuntis.
Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!