Sabi ng mga matatanda…
Narito ang mga pamahiin tungkol sa pagbubuntis, at ang paliwanag para sa bawat isa, ayon sa mga siyentipiko.
Napakaraming pamahiin ng mga nakatatanda sa mga nagbubuntis. Simula’t sapul, marami tayong naririnig na sabi-sabi at dapat iwasan o ipinagbabawal sa mga nagdadalantao, ngunit wala naman talagang nagtatanong o nagsisikap na alamin kung ano nga ba ang basehan ng mga ito. Minsan natatawa na lang tayo, pero alam kong madalas, napapaisip ka din—at natatakot kasi baka nga magkatotoo.
Karamihan sa mga Pilipino, sumusunod o umiiwas sa mga ito dahil, wala namang mawawala kung susundin mo.
Ano nga ba ang mga pinakakaraniwan na pamahiin? Ano ang paliwanag ayon sa agham o logic?
Tingnan natin isa-isa.
1. Bawal uminom ng malamig na tubig pag buntis
Kuwento ni Editha Buluran, guro at nanay ni Simon at Carmela, magkakaroon daw ng diabetes ang bata kapag uminom ka ng tubig na malamig habang buntis. Sa init ba naman ng panahon, di ba talagang mauuhaw ka at gusto mo ng malamig? Ayon sa mga doktor sa HealthTap Inc. US, isang online network ng mga espesiyalistang doktor, ito ay perspektibo ng Traditional Chinese Medicine (TCM).
Naniniwala ang mga doktor ng TCM na ang pag-inom ng maligamgam na tubig ay mas makabubuti hindi lamang sa mga buntis kundi pati na rin sa lahat ng tao. Ang madalas na pag-inom ng malamig na tubig ay nakakaapekto sa spleen at nagdudulot ng Qi deficiency at stomach cold. Ang Qi (Chi) ay ang tawag ng mga espesiyalista ng TCM sa life energy ng isang tao. Ito ay mahalaga sa organ function, sirkulasyon ng dugo, at metabolism ng body fluid.
Kung iinom ng malamig na tubig, maaaring mawalan ng gana kumain, hindi maayos ang digestion at maaari pang magkaron ng cramps o diarrhea. Kaya pinapayuhan ang mga nagbubuntis na iwasan ang pag-inom ng malamig na tubig. Wala nga namang masama kung susundin ito, wika ni Daisy Pingol, ina ni Jacob. Hindi ito direktang nakakasama, lalo kung hindi naman madalas. Ang kailangan lang isipin ay mahalaga ang pag-inom ng sapat na tubig kapag nagdadalantao, dagdag ni Daisy.
2. Bawal magalit o bigyan ng sama ng loob ang mga nagbubuntis.
Magiging pangit o malungkutin ang bata paglabas kasi daw, nararamdaman ito ng sanggol sa sinapupunan, kaya’t papangit o di kaya’y sadyang magiging depressed ang sanggol. Kaya nga may sinasabing pinaglihi sa sama ng loob, biro ni Editha. Walang kinalaman ang nararamdaman mo o ng sanggol, sa magiging pisikal na katangian o itsura ng iyong anak. Para sa akin, walang bata o nilalang na pangit. Iba-iba tayo, kaya’t masyado namang malupit kung sasabihing pangit ang iyong anak. At mas malala, na kasalanan mo ito dahil hindi ka tumawa o nagpakasaya nung nagbubuntis ka. Ngunit may bahid ng katotohanan ang sinasabing epekto ng pagiging malungkot o problemado habang ikaw ay nagdadalantao. Sabi ni Christine Mesina, nurse at ina ni Colin at Connor, ang emosiyonal at sikolohikal na nararamdaman ng inang buntis ay nakakaapekto sa bata.
"Kaya nga pinapayuhan na maging kalmado at iwasang ma-stress kapag buntis," dagdag ni Christine. Kung ano ang nararamdaman ng ina, ay nararamdaman din ni baby.
3. Bawal kunan ng litrato kapag buntis. Mahihirapan ka sa panganganak.
Isang katulad nito ay iwasan daw ng babaeng buntis ang umupo sa may pintuan o hagdanan dahil mahihirapan daw ito sa panganganak. Kapag binasa mo ito ng binasa at inulit-ulit sa sarili, ikaw na mismo ang magsasabing, walang kinalaman ang una sa huli. Natural lang na tinatawanan ito ng mga ina, dahil walang kinalaman ang litrato sa magiging kalusugan ng mag-ina. Maraming ibang dahilan na nakakaapekto sa kalagayan ng mag-ina, at sa panganganak. Tanging ang doktor at mga espesiyalista lamang ang makakapagpaliwanag ng bawat isang kaso. Ang sigurado ako, walang kinalaman ang Polaroid o selfie, o DSLR sa mga ito.
4. Bawal paglihian ang mga pangit na tao, kakaibang bagay, pagkain, o hayop
Ang magiging resulta daw nito ay ang pagkakatulad ng iyong anak sa mga ito. Magkakaroon ng depekto. Usong-uso lalo sa probinsiya yung mga pinaglihi sa palaka, sa isda, sa manok na pansabong, at kung anu-ano pa. Pati yung mga pinaglihi sa champorado kaya maitim, sa singkamas kaya maputi, sa rambutan kaya kulot. Hindi na siguro kailangan pang ipaliwanag na walang kinalaman ang nakita, kinain, tiningnan o kinahiligang tao, bagay o hayop nung nagbubuntis, sa magiging itsura o kapansanan man ng magiging anak. Nakagisnan na ng mga Pilipino ang paniniwalang ito, pero walang kahit sino mang nakapagbigay ng siyentipikong dahilan para dito. Tandaan na ang pisikal na anyo, katangian, o kalagayan ng isang sanggol o tao, ay dahil sa genetics o nasa genes o/at dugo ng mga magulang at ng lahi nito, o marahil ay kakulangan sa sustansiya nung nagbubuntis ang ina. Kaya nga ba’t palaging pinapayuhan na kumain ng mayaman sa nutrisyon at bitamina, at huwag pababayaan ang sarili.
5. Huwag hahakbangan ang asawa kapag naglilihi dahil malilipat sa kanila ang paglilihi
Sa ibang bersiy
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!