Panganay na anak ni Marjorie Barretto na si Dani Barretto, ikinasal na!

Panganay na anak ni Marjorie Barretto na si Dani Barretto, ikinasal na!

Opisyal na ngang ikinasal ang panganay na anak ni Marjorie Barretto na si Dani Barretto sa kanyang lucky at loving groom na si Xavi Panlilio.

Ang bagong kasal ay na-engage noong ika-17 ng Pebrero ngayong taon lamang na ito at ikinasal kahapon ng mga 3:30 p.m., Martes, ika-23 ng Abril sa isang napakagandang summertime ceremony sa Forbes Park's Santuario De San Antonio Parish kasama ang mga selected group ng kanilang pamilya at mga kaibigan na naging saksi sa kanilang unyon.

Mga ilang importanteng detalye ng kasal

Ang blushing bride na si Dani Barretto ay dumating sa venue matapos niyang ayusan at maghanda sa The Peninsula Manila. Isang grand entrance nga di-umano ang nangyaring pagpasok niya sapagkat napakaganda nga ng bride sa araw ng kanyang kasal.

Isang heavily laced at embellished, long-sleeved na Patricia Santos gown ang choice ni Dani sa kanyang big day—ang voluminous ball gown na mayroong fine detailing at tulle veil ay nagpadagdag sa dimensyon ng bridal ensemble. Ang naging make-up artist ng blogger ay si ang tanyag na MUA na si Denise Go-Ochoa na kinumpleto ang look ni Dani ng isang dwy base at glowing cheeks para isang fresh pero elegant look na perfect sa summer. Sa kabilang banda, ang kanyang hairstylist ay ang tanyag na hairstylist ng mga artista na si John Valle  na ginawang luscious locks na half-updo ng thick, chocolate waves na buhok ni Dani para i-reflect ang playfulness ng summer. Ang mga accessories naman niya ay galing sa JMA Jewelry na dinagdagan ng shine at glam ang overall look ng bride. Ang groom naman ay nagsuot ng classic suit na kulay deep blue.

Entourage ng bagong kasal

Sinigurado ng bride na ang kanyang entourage ay magaganda rin sa kasal tulad niya, kung kaya't pinili ni Dani ang easy beiges at tans na color scheme para sa kanyang bridesmaids at maid-of-honor/kapatid na si Julia Barretto. Syempre hindi rin papahuli ang mga groomsmen na sobrang dapper tingnan sa kanilang mga sandy suits na na-accentuate pa ng kanilang mga blue ties. At ang pinakamaganda rito, ang mga outfits ng kanilang entourage ay sobrang stylish na pwede pang suotin muli kahit matapos ng kasal.

Ang mga ilan sa mga nakasama ni Dani sa kanyang entourage ay ang aktres na si Erich Gonzales na naging partner ng kanyang kapatid na si Leon Barretto, aktres na si Bela Padilla, dance artist at stylist na si Natasha Gerona, singer at kapatid na si Claudia Barretto at syempre ang kanyang flower girl ang kanyang little sister na si Erich Barretto.

Kabilang sa mga naging guest sa kanilang kasal ay athlete-turned-beauty queen na si Michele Gumabao, girl trend na si Chie Filomeno, singer na si Moira dela Torre at asawa nitong si Jason Marvin Hernandez, at stylist na si Cath Sobrevega.

Sinigurado na dokumentado ang kasal

Sadyang sinigurado ng lahat na dokumentado nila ang kasal ng influencer na si Dani, lalo na ang pagpasok nito sa simbahan hanggang sa i-meet na nga niya sa altar ang kanyang groom.

Ang paglakad sa aisle kasama ang kanyang mga magulang ang naging senyales ng pagsisimula ng marital bliss para kay Xavi, habang ang malaking pamamaalam naman ni Dani sa singlehood ay shinare niya kasama ang kanyang inang si Marjorie.

 

Congratulations sa bagong kasal—Dani at Xavi!

 

Source: MetroStyle, Dani Barretto

Basahin: Dani Barretto, masayang inanunsyo ang kanyang pagdadalang-tao!

 

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner