May kasabihan na ang almusal sa umaga ay ang pinakamahalagang oras ng pagkain. Ito ay dahil ang almusal ang nagbibigay sa atin ng lakas upang simulan ang ating araw. Mahalaga ito lalong-lalo na sa mga bata at sanggol na kailangan ng maraming nutrisyon sa kanilang katawan. Ngunit paano kung malaman mo na ang almusal na ibinibigay mo sa iyong mga anak ay may pesticide residue na nagdudulot ng kanser?
Ito ang natagpuan ng mga researcher sa Environmental Working Group (EWG).
Pesticide residue sa oatmeal at cereals, nagdudulot ng kanser?
Sa pag-aaral na isinagawa ng Environmental Working Group, kanilang inalam ang levels ng glyphosate sa 61 na produktong gumagamit ng oats.
Ang glyphosate ay isang uri ng kemikal na ginagamit bilang pesticide. Sa US, ito ay kasama sa pesticide na Roundup.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang glyphosate ay posibleng magdulot ng kanser sa mga tao. Dahil dito, nagbigay ng bagong patakaran ang Environmental Protection Agency (EPA) sa paggamit ng kemikal na ito. Bagama’t may utos na laban dito, marami pa ring magsasaka sa US ang gumagamit ng pesticide na Roundup.
Dahil dito, natagpuan ng EWG na:
- 43 sa 45 na produktong gumamit ng oats ay mayroong glyphosate.
- 31 sa 43 na produktong ito ay mayroong mas mataas na levels ng glyphosate sa nirekomenda ng EPA.
Ang mas nakakatakot pa rito ay lima sa mga organic products na kanilang sinuri ay mayroong pesticide residue na glyphosate.
Source: stock photo
Kamakailan lang, ang Monsanto, na gumagawa ng Roundup, ay natalo sa isang kaso. Ayon sa isang lalaki, ang terminal cancer daw niya ay dahil sa exposure sa pesticide na Roundup na binebenta ng Monsanto. Dahil dito, nagbayad sila ng $412.5 million dahil sa naging epekto sa kanya.
Bukod dito, may daan-daan pang kasong nakabinbin sa korte laban sa Monsanto at sa kanilang pesticide.
Anu-anong brands ang apektado?
Ayon sa EWG, 160 parts per million ng glyphosate ay safe para sa mga bata. Ngunit karamihan sa mga sinuri nilang produkto ay lagpas dito ang sukat ng pesticide residue na glyphosate.
Nakakagulat na isa sa mayroong pinakamataas na lebel ng glyphosate ay ang Quaker Old Fashioned Oats, na mayroong 900 hanggang 1000 parts per million ng kemikal.
Isa pang popular na brand ng breakfast cereal na may mataas na lebel ng glyphosate ay ang Cheerios, na mayroong 500 parts per million ng kemikal.
Ito ang buong listahan ng mga produktong ayon sa EWG ay posibleng makasama sa kalusugan:
May toxic na level ng glyphosate
- Back to Nature Classic Granola
- Quaker Simply Granola Oats, Honey, Raisin and Almonds
- Back to Nature Banana Walnut Granola Clusters
- Nature Valley Granola Protein Oats ‘n Honey
- Giant Instant Oatmeal Original Flavor
- Quaker Dinosaur Eggs, Brown Sugar, Instant Oatmeal
- Great Value Original Instant Oatmeal
- Umpqua Oats, Maple Pecan
- Market Pantry Instant Oatmeal, Strawberries & Cream
- Cheerios Toasted Whole Grain Oat Cereal
- Lucky Charms frosted toasted Oat cereal with marshmallows (but the marshmallows were removed prior to glyphosate testing)
- Barbara’s Multigrain Spoonfuls, Original, Cereal
- Kellogg’s Cracklin’ Oat Bran oat cereal
- Nature Valley Crunchy Granola Bars, Oats ‘n Honey
- Quaker Steel Cut Oats
- Bob’s Red Mill Steel Cut Oats
Mayroong glyphosate, pero nasa safe na limit
- KIND Vanilla, Blueberry Clusters with Flaxseeds
- KIND Oats & Honey with Toasted Coconut
- Quaker Chewy Chocolate Chip granola bar
- Kellogg’s Nutrigrain Soft Baked Breakfast Bars, Strawberry
- Nature’s Path Organic Old Fashioned Organic Oats
- Whole Foods Bulk Bin conventional rolled oats
- Bob’s Red Mill Organic Old Fashioned Rolled Oats
Safe at walang glyphosate
- Nature’s Path Organic Honey Almond granola
- Simple Truth Organic Instant Oatmeal, Original
- Kashi Heart to Heart Organic Honey Toasted cereal
- Cascadian Farm Organic Harvest Berry, granola bar
- 365 Organic Old-Fashioned Rolled Oats
Hindi sang-ayon ang lahat sa resulta ng report
Ayon kay Alex Berezow, na isang senior fellow ng biomedical science sa American Council of Science and Health. Ayon sa kanya, hindi tama ang report na nanggaling sa EWG.
Sabi niya na gumagawa ng sariling safety standard ang EWG para makapagbenta sila ng organic food. Ginagawa daw nila ito upang makatulong sa mga kumpanya na nagbebenta ng organic food.
Mahalaga para sa mga magulang ang malamang kung ano ang mga kemikal na makikita sa kanilang pagkain. Syempre, sino ba namang magulang ang gugustuhin na bigyan ng pagkain na makakasama ang kanilang mga anak.
Kaya’t mahalagang basahin ang mga label ng mga binibili natin sa supermarket, at huwag matakot alamin kung safe nga ba ito para sa ating mga anak. Tutal, hangarin naman ng lahat ng mga magulang ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga anak.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!