Sa bagong pag-aaral, nakita ng experts na maaaring ang side effect daw ng acetaminophen ay pagkakaroon ng ADHD sa bata kapag ininom habang buntis.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Pagkakaroon ng ADHD sa bata maaaring side effect ng acetaminophen
- Attention-deficit/hyperactivity disorder (ADHD) in children: What you need to know
Pagkakaroon ng ADHD sa bata maaaring side effect ng acetaminophen
Hindi dapat iniinom ang acetaminophen ng buntis dahil sa maaaring side effect nito kay baby. | Larawan mula sa Pexels
Mayroong mga ilang gamot ang labis na ipinagbabawal ng mga health professional na inumin sa panahon ng pregnancy. Sa mahabang panahon, considered as “safe” ang pag-inom ng acetaminophen para sa mga buntis.
Ang gamot na ito ay kadalasang ginagamit upang mapababa ang lagnat o mawala ang pananakit ng katawan at ulo. Maaari rin itong gamitin sa infection o kaya naman ay kung mayroon kang ubo at sipon.
Study on acetaminophen drug
Dahil dito, umusbong ang isang pag-aaral na binabangga ang tradisyunal na kaalamang ito. Nalaman sa research ng Penn State College of Medicine na mayroon itong epekto sa bata kung iinumin habang buntis. Maaari raw may koneksyon ang pagkakaroon ng problema sa pagtulog at behavior dahil sa gamot na ito. Sa malalang scenario ay maaari pang magkaroon ng attention deficit hyperactivity disorder (ADHD).
Para sa lead author at isang assistant professor ng public health sciences na si Kristin Sznajder, temporary lang daw ang effect ng gamot na ito. Maaaring mabigyan ng pansamantalang lunas pero mas malala ang kapalit,
“While the medication may provide relief in the moment, research increasingly indicates there may be downstream effects that could be detrimental to child development.”
Ayon pa kay Sznajder, kailangan daw bigyang pansin ang mga pag-aaral na nagsasabing hindi ligtas ang gamot na ito.
“Although acetaminophen is generally considered safe for use during pregnancy, data from multiple studies suggest that there could be effects on childhood development by its use.”
Kinuha nila ang resultang ito mula sa 2,400 kababaihan na first time moms. Inobserbahan nila ang mga pregnant women na ito mula sa third semester hanggang sa umabot ng 3 years postpartum. Tinanong sila kung anong medication ang kanilang kanilang madalas na ginagamit maging ang kanilang stress levels.
Dito nila napag-alamang nasa 41.7% ang umiinom ng gamot na acetaminophen habang sila ay buntis.
Ilan pa sa kanilang nakitang side effect ng gamot sa bata ay ang mga sumusunod:
Sleeping problems isa sa side ng effect ng acetaminophen sa mga bata kapag iniinom habang ipinagbubuntis sila. | Larawan mula sa Pexels
- Hindi pumipirmi sa isang lugar at palaging pagod
- Umiiwas na makipagtitigan sa mata ng ibang tao
- Ayaw pumayag na matulong nang nag-iisa
- Pagkakaroon ng attention problems
- Hirap makatulog
Nakita raw nilang posibilidad kung bakit mayroong epekto ang ganitong gamot ay maaaring nakakasira ito ng placenta. Kaya naman nadi-disrupt ang fetal development. Maaari rin daw nakakadamage ng liver cells sa bata kaya nagkakaroon ng impact sa nuerodevelopment.
Attention-deficit/hyperactivity disorder (ADHD) in children: What you need to know
Mayroon bang ADHD ang anak mo? Alamin ang iba’t ibang sintomas nila dito. | Larawan mula sa Pexels
Mayroong mga sakit na hindi kaagad nahahalata sa unang pagtingin. Lalo na ang mga mental health problem. Maging ang mga bata ay hindi ligtas dito, isa sa common na sakit nila ay ang attention-deficit/hyperactivity disorder (ADHD).
Milyon-milyong bata ang naaapektuhan ng ADHD at mas madalas sa mga lalaki kaysa babae. Maaaring magsimulang magpakita ang sintomas kahit bago pa man ang edad na 12 taong gulang sila. Kung minsan nasa 3 taong pa lang ay nakikita na ang senyales.
Ito ay isang chronic na condition kung na maaaring manatili hanggang sa pagtanda. Narito ang ilang sa mga dapat malaman tungkol sa sakit na ito:
- Ang mga batang mayroon nito ay:
- Hirap sa pagpopokus ng kanilang atensyon kahit pa ito ay importante o kaya naman urgent na.
- Nagiging implusive at hyperactive ang kanilang bawat kilos.
- Hindi parating nakikinig kahit pa kinakausap na sila nang direkta.
- Hirap na sumunod sa mga instructions at direction na ibinibigay sa kanila.
- Hindi natatapos ang schoolworks o anumang naka-assign sa kanilang gawain.
- Madaling nakakawala ng gamit kahit pa kailangan para sa isang task ang bagay na ito.
- Mabilis ma-distract kahit pa mayron nang kasalukuyang ginagawa.
- Hindi pumipirmi nang nakaupo at laging kilos nang kilos.
- Madaldal at kung minsan bigla-bigla nag-iinterrupt sa nagsasalita.
- Nahihirapan palaging gawin ang mga bagay nang tahimik at para bang kailangan parating magsalita.
- Mayroong mababang self-esteem at self-confidence
- Hirap sa pagbubuo ng relasyon sa ibang tao.
- Walang gamot sa ADHD ngunit maaaring makatulong ang ilan sa medication at behavioral interventions para sa sintomas.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!