Talaga namang sobrang lumalawak ang sakop ng COVID-19 habang dumadaan ang mga araw. Sa isang pag-aaral, nakita na mas seryoso ang side effects ng COVID-19 sa mga buntis. Ano nga ba ang explanation dito?
Mas seryoso ang side effects ng COVID-19 sa mga buntis, ayon sa CDC
Sa bagong pag-aaral ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC), nakita rito na ang mga buntis na babae ay mas mataas ang tyansa na magkaroon ng seryosong side effects at ma-ospital kung sila ay positibo sa COVID-19.
Image from Freepik
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, noon pa lamang January ay mahigit 100,000 na mga buntis na ang sumailalim sa test at nagpositibo sa COVID-19. Habang 3,000 naman ang na-hospital at 30 ang namatay.
Pag-amin ni Dr. Jay Butler, deputy director of infectious diseases ng CDC, hindi pa rin nila malaman kung paano eksakto inaatake ng COVID-19 ang isang buntis na babae.
“We are collecting additional information, and we’re working to find out if COVID-19 is associated with pregnancy complications.”
Ang pagbubuntis ng isang babae ay sobrang sensitibo dahil may lumalaki ring panibagong buhay sa kanyang sinapupunan. Kaya naman nagbigay ng ilang paalala ang mga doctor ng pag-aaral.
Isa na diyan si Dr. Cherrie Morris, isang OB-GYN.
“If your job allows it and you can make it work for your family, try to isolate that last month of the pregnancy – that’s what we prefer that you do.”
Ayon sa kanya, makabubuti sa kanila kung mahigpit na susundin ang advice ng kanilang mga doctor sa kanila. Kung maaari, ilayo muna ang sarili lalo na sa huling buwan ng pagbubuntis.
Image from Freepik
Lumabas sa pag-aaral ng CDC na ang mga buntis na babae ay mas nakikitaan ng seryosong side effect at mataas ang risk na ma-osipital kung sila ay positibo sa COVID-19 kumpara sa ibang kaedad nila.
“An MMWR study suggests that pregnant women with COVID-19 are more likely to be hospitalized and are at increased risk for intensive care unit (ICU) admission and receipt of mechanical ventilation than nonpregnant women. Risk of death is similar for both groups. But much remains unknown.”
Paano nahahawa sa COVID-19?
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
Image from Unsplash
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
Source:
Centers for Disease Control and Prevention
BASAHIN:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!