Buntis Guide: Ika-23 week ng pagbubuntis, mga dapat mong malaman
Ang iyong anak ay kasing laki na ng durian. Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 23 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon.
Mga mommy nasa kalahati ka na ng iyong pagbubuntis! Malamang ay ngayon ay talagang nakikita mo na ang iyong sarili sa madalas na itsura ng isang “buntis”.
Maging prepared ka na para sa mga komento ng ibang mga tao, na sana ay nakatuon sa kung gaano kaganda at glowing ang iyong itsura.
Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 23 weeks at iba pangmga mahahalagang impormasyon.
Talaan ng Nilalaman
Gaano na kalaki ang iyong anak?
Ang iyong anak ay kasing-laki na ng isang durian. Siya ay may habang 28.9 cm at timbang na 498.9 g. Mula sa puntong ito ay tuloy-tuloy pa rin ang paglaki ng iyong baby at paglakas nito dahil sa mas maayos na pagkabuo ng kaniyang muscle coordinatiion sa bawat linggo.
Ang development ng iyong anak
Malayo-layo pa ang oras at hindi pa handang lumabas si baby sa sinapupunan ng kanyang ina. Ang kaniyang ulo ay malapit pa sa diaphragm samantalang ang kaniyang mga paa ay nakatutok pa sa itatlim ng iyong matris.
Sa ika-23 week ng sanggol ay made-develop na ang mga mahahalagang organs para mabuhay ang bata kung sakali man na kailangan na niyang ipanganak ng premature.
Ang kaniyang balat ay manipis pa din at malinaw pa ang kulay kaya’t makikita ang pamumula nito dahil sa kulay ng mga blood vessels hanggang sa magkaroon ng pigments sa kanyang balat.
Ang sense of hearing ng baby ay lumalakas na dahil sa pagdevelop ng buto sa may gitna ng kaniyang tainga. Maaari na niyang marinig ang mga malalakas na tunog sa labas ng sinapupunan tulad ng sirena ng sasakyan at maaari ring tumugon ito sa ilang naririnig kagaya ng iyong boses o musika.
Kung dati ay sa doppler lamang maaaring marinig ang heartbeart ni baby, ngayon ay maaari na ring marinig sa pamamagitan ng stethoscope.
Sa pagsapit ng ika-23 na linggo, ang iyong baby ay maaaring kumukuha na ng maraming tulog. Karamihan ng kaniyang oras sa pagtulog – nasa 80 percent nito – ay ginagamit niya sa tinatawag na REM o Rapid Movement Sleep. Dito sa REM sleep ay gumagalaw ang mga mata ni baby at aktibo ang kaniyang utak.
Narito ang mga development ng 23 weeks na baby sa loob ng sinapupunan:
- Sa baga o lungs ng iyong anak ay nagsisimula nang ma-develop ang mga maliliit na capillaries
- Ang lanugo o maliliit na tumubong buhok sa katawan ng iyong anak ay mas itim na ang kulay.
- Ang kaniyang mga mata ay buo na at naididilat na niya ito.
- Mas nararamdaman mo na din ang paggalaw niya sa iyong tiyan.
- Ang baga ni baby ay patuloy pa rin sa pag-develop. Hindi pa handang magamit ang kaniyang baga ngunit maaari ng mag-practice an baby ng paghinga.
- Ang kaniyang vestibular system o ang bahagi ng kaniyang utak na responsible sa iba’t ibang galaw ay nagsisimula na din madevelop.
- Ang mga bata na ipinanganak sa kanilang ika-23 na linggo ay maaaring mabuhay kung sila ay mabibigyan ng tamang pangangalaga sa intensive care unit.
Mga sintomas ng buntis ng 23 weeks at ibang pang pagbabago na maaring maranasan
Ang mga sintomas o pagbabagong nagaganap sa bawat babae ay iba-iba ngunit mayroon paring mga common symptopms na maaaring maranasan sa iyong 23-week.
Mapapadalas na ang pakararanas na ng mas malalakas na paggalaw at pagsipa ni baby dahil sa mas na-develop na ang kaniyang muscle strength at coordination sa pagdaan ng mga araw.
Dahil sa pagtaas ng iyong timbang at paglaki ng iyong tiyan, ang pananakit ng ulo at migraines ay madalas pa ring mangyari dahil sa tensyon sa iyong balikat, itaas na bahagi ng likuran, at leeg dahil sa pagbabago ng itsura ng iyong gulugod o spine para masuportahan ang iyong katawan at ang lumalaking baby.
Hirap sa pagtulog, insomnia, o vivid dreaming ay mga madalas ring nangyayari dulot ng sakit sa katawan, anxiety at hindi pagiging komportable.
Kung nakaranas ng morning sickness sa first trimester, ang magandang balita dito ay malaki ang tiyansa na nawala na ito sa ngayon. Gayunpaman, may mga pagkakataon pa ring nagbabago ang iyong panlasa at sensitibo pa rin sa ilang amoy at lasa ng mga pagkain na siyang nagiging dahilan ng pagsuka.
Normal lamang ang makaramdam ng labis na gutom na tila bang kaya mong maubos ang lahat ng pagkain na nasa iyong tahanan. Dahil sa paglaki ni baby ay lumalaki rin ang pangangailangan mo para kumain. Ugaliin lamang na kumain ng masusustansiyang pagkain para rito.
Ang mga iba pang sintomas ng buntis ng 23 weeks:
- Mga stretch marks na mula sa kulay pink hanggang sa brown ay makikita sa katawan lalo na sa may bandang baywang at tiyan.
- Cramps sa may bandang binti partikular na sa alak-alakan at mga paa.
- Katamtamang laki ng maga sa iyong bukung-bukong at paa dahil sa pagtaas ng dami ng fluid sa katawan.
- Sa ika-23 na linggo, maaaring makaranas ng panlalabo o pagkalito ng isipan dahil sa mga progesterone.
- Maaaring nadagdagan ang iyong timbang ng 5.4 kg hanggang 6.8 kg.
- Napapadalas ang iyong pag-ihi dahil ang iyong uterus ay nakapuwesto sa ibabaw ng iyong bladder.
- Kung minsan ay magdudugo ang iyong gilagid habang nagsisipilyo.
- May mga pagkakataon na ikaw ay makakaranas ng pagdurugo ng gilagid at ilong. Oobserbahan din ito kung ikaw ay nakakaranas ng preterm labor.
- Ang mga palad ng kamay o talampakan ay maaaring maging kulay pula at madaling magkaroon ng rashes.
- Maaaring makaranas ng paghihilik dahil sa nasal congestion
- Makararanas ng pag-iiba sa kulay ng balat na tinatawag ding “dark line” o linea nigra. Ito ay isang normal na tanda ng pagbubuntis na kung saan ay makikita ito mula sa pusod hanggang sa may pubic area.
- May mga pagkakataon din na magkaroon ng pag-iiba sa kulay sa mukha partikular na sa parte ng ilong, noo, pisngi at mata ng isang buntis. Ito ay ang melasma na siya rin naman matatanggal pagkatapos ng ilang buwan matapos ang panganganak.
Pangangalaga sa buntis at mga dapat na isipin at gawin
- Para maibsan ang sakit sa muscle, subukan ang paliligo sa mainit na tubig, imasahe ang masakit na parte at saka lagyan ng heating pad.
- Para naman sa sakit ng ulo ay humiga lamang at maglagay ng cool pack sa iyong ulo. Kung hindi ito naaalis ay tumawag sa iyong doktor o healthcare provider at huwag agad basta bastang uminom ng gamot.
- Upang maiwasan ang pagdurugo ng gilagid, magkaroon ng maayos na dental hygiene.
- Uminom nang sapat na dami ng tubig, pati na din vegetable juice, herbal teas, fruit juice at gatas. Iwasan ang mga inumin na tulad ng red raspberry leaf herbal tea o supplement dahil may hindi ito magandang epekto.
- Huwag magpigil ng ihi dahil ito’y maaaring maging sanhi ng impeksiyon. Kung naiihi ay pumunta agad sa pinakamalapit na banyo.
Iba pang kailangan tandaan:
- Linisin muna ang inidoro ng mga pampublikong toilet bago ito gamitin upang maiwasan ang mga impeksyon.
- Tignan kung gaano karaming asin ang nasa iyong diet at siguraduhin na hindi madalas ang pagkain ng mga pagkaing maaalat.
- Gawin ang lahat para makaiwas sa food poisoning dahil ito’y delikado para sa baby. Ang kadalasang senyales nito ay pagsusuka, pagtatae, lagnat, sakit sa katawan at pananakit ng tiyan.
- Siguraduhin na hindi kumakain ng hilaw at hindi lutong pagkain tulad tulad ng seafood o itlog.
- Hugasan ng maayos ang mga prutas at gulay bago kainin ang mga ito
- Linisin ang kusina matapos ang pagluluto.
- Hugasan ang mga kamay matapos maghanda ng pagkain.
- Kung hindi luto ng maayos, iwasang kainin ang mga karne at isa.
- Magbasa ng mga maaari at hindi puwedeng kainin habang nagbubuntis. Hindi lamang ang mga pagkaing pinagmumulan ng food poisoning ang malalaman kung ‘di iba pang detalye tungkol sa pagbubuntis.
- Ikaw ba ay nangangamba dahil sa iyong pagbubuntis? Ngayon ang tamang panahon para humanap ng mga paraan o technique para mag-relax.
Checklist
- Sa anumang punto ng linggo o buwan, maaaring ipa-monitor ng doktor o healthcare provider ang galaw ng baby sa pamamagitan ng “kick count” sa araw-araw.
- Planuhin ang iyong maternity leave.
- Bumili ng mga kumportableng damit.
- Mayroon na bang naunang anak? Kung mayroon ay simulan na ang paghahanda sa kanila para sa darating na kanilang bunsong kapatid.
- Ugaliin ang regular na pagbisita sa doktor para sa check-up
- Magsagawa ng maternity photoshoot habang may lakas pa. Maaaring mag-hira ng isang professional photographer o sa mga kaibigan na marunong kumuha ng magandang litrato.
Mga maaaring itanong sa doktor
- Nakaaapekto ba ang malakas na tunog sa hearing development ni baby?
- Ano ang mga maaaring buhatin sa puntong ito ng pagbubuntis?
- Ano ba ang preeclampsia at at risk ba rito?
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
- Buntis Guide: Mga kailangan mong malaman sa ika-25 weeks ng pagbubuntis
- Week 22: Gabay Sa Pagbubuntis
- Riva Quenery's dad sa unexpected na pagbubuntis ng anak: "I felt betrayed"
- Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."