Hindi lang nakaka-stress ang pagkakaroon ng bagong silang na sanggol para sa mga nanay, kundi para sa mga tatay din. Sa kaso ng amang ito, hindi lamang ang kaniyang newborn ang kailangan niyang intindihin kundi pati na rin ang kaniyang asawa na naparalisa dahil sa panganganak. Hindi nila alam na ang sintomas ng metrorrhagia na pala ang magiging hudyat ng pagbabago ng kanilang buhay.
Mapanganib na pangangak
Ilang taon na ang nakakalipas nang magsimula ang kalbaryo ng isang pamilya. Ang pinakamasayang araw sana ng mag-asawa, ang pagsilang ng kanilang unang anak, ay magiging isa rin sa pinakamalungkot na raw ng kanilang buhay.
Habang nanganganak, nawalan ng maraming dugo ang misis dahil sa metrorrhagia. Dahil dito, naparalisa ang bagong ina mula leeg pababa. Hindi tuloy niya mahawakan at mapadede nang mag-isa ang kaniyang baby.
It’s been over 13 years, but this doting husband hasn’t since left his wife’s side. | Image courtesy: Screengrab/FeedyTV
“Matapos manganak sa aming panganay, naparalisa ang asawa ko dahil sa metrorrhagia. Bagaman hindi siya nakakapagsalita o nakakalakad, normal pa rin ang kaniyang pag-iisip at buhay pa rin siya. Kaya masakit para sa kaniya na nakikita at naiintindihan niya lahat ngunit wala siyang magawa, hindi siya makapagsalita,” pahayag ng mister sa FeedyTV.
Mahigit 13 taon na ang nakakalipas mula ang masaklap na pangyayari ngunit walang sawa pa rin si mister na nag-aalaga sa kaniyang misis. Bukod sa pagtratrabaho at pangangalinga sa asawa at anak, inaalagaan din nito ang kaniyang 80-anyos na nanay.
Along with his 13-year-old daughter who also helps take care of her mother, this man is hopeful that his wife will once again be the same person he once fell in love with. | Image courtesy: Screengrab/FeedyTV
Kahit na ilang beses na siyang pinayuhan ng mga kaanak at kaibigan na iwan na ang kaniyang asawa at magsimula ng panibagong buhay, hindi nagpapabuyo ang mister.
Katunayan, tinuturuan pa niyang makapagsalita ulit ang kaniyang misis. Matapos ang mahigit isang dekada, natututo na itong gumawa ng maliliit na mga tunog at sumusubok magsabi ng mga salita. Tumutulong din ang kanilang unica hija.
Panoorin ang kanilang istorya:
Ang kaso nila ay isang paalala na dapat maging mapagmatyag sa sintomas ng Metrorrhagia
Sintomas ng metrorrhagia
Bakit nga ba naging mapanganib ang pagkakaroon ng metrorrhagia?
Ang metrorrhagia ay ang pagkakaroon ng iregular na pagdurugo sa pagitan ng dalawang mestrual cycle. Karaniwang nagkakaroon ng dalawa hanggang tatlong kutsara ng dugo ang lumalabas sa pagitan ng dalawang regla, minsan umaabot pa ito sa hanggang walong kutsara.
Ang sintomas ng metrorrhagia ay maaaring nangangahulugan ng mas seryosong kundisyon katulad ng hormonal imbalance, endometriosis, uterine fibroids at uterine cancer. Dahil may kinalaman ito sa pagdurugo, maaari din itong maging sanhi ng anemia, matinding cramps, pagkahilo, at sa ibang kaso, pagkakahimatay.
Kaya naman importante na malaman kaagad kung sintomas ng metrorrhagia nga ang nararamdaman ng babae—mas lalo na kung buntis ito. Kung hindi ito ma-diagnose habang buntis pa lang, maaaring magkaro’n ng komplikasyon sa panganganak. Tulad na lang ng kaso ng babae na naparalisa dahil sa sobrang daming dugo na nawala.
Iba’t ibang klase ng pagdurugo dulot ng metrorrhagia
Para malaman na metrorrhagia ang sakit, kailangan malaman kung anu-ano ang klase ng pagdurugo:
- Tagal ng pagdurugo: Kapag matagal ang pagdurugo, mahigit dalawang linggo, ang tawag dito ay hypermenorrhea. Kung maikli naman sa dalawang linggo, less than dalawa o tatlong araw, ang tawag dito ay hypomenorrhea.
- Dalas ng pagdurugo: Minsan ang pagitan ng pagdurugo ang magiging clue na may abnormalidad sa menstrual cycle. Kapag masyadong madalas ang pagdurugo, tinatawag itong polymenorrhea. Kapag bihira naman ang pagdurugo, ito naman ay oligomenorrhea. Kapag iba-iba naman ang dalas sa bawat cycle, maaaring sintomas ng metrorrhagia.
- Dami ng dugo: Kapag masyadong madami ang pagdurugo, ito ay menorrhagia. Kapag sobrang kaunti naman ng pagdurugo, ito ay hypomenorrhea. Kapag sobrang daming dugo nang wala pa sa tamang araw ng dapat na regla, ito ay menometrorrhagia.
Base sa klase ng pagdurugo, mada-diagnose ng tama ng duktor kung gaano ka-grabe ang metrorrhagia. Maaaring makontrol ang pagdurugo ng gamot.
Kung nakakaramdam ng mga sintomas ng metrorrhagia, kumonsulta sa duktor.
Reference: MedicineNet
Source: FeedyTV
(Feature & lead images courtesy: Screengrab/FeedyTV)
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!