X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Mali na pagalitan ang kids kapag sila ay nagkasugat, ayon sa expert

4 min read

Hindi lang peklat ang nakukuha sa sugat ng bata, dahil maging ang kanilang self-confidence ay naaapektuhan din. Kaya naman narito ang pwedeng gawin ng parents kapag nagkasugat ang inyong little ones.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Mga pwedeng gawin ng parents sa sugat ng bata mula sa pagkakadapa
  • First aid para sa sugat ng bata

Mga pwedeng gawin ng parents sa sugat ng bata mula sa pagkakadapa

umiiyak na baby - sugat ng bata

“Everyday pain and injuries – such as minor bumps, cuts, grazes – are critical learning experiences for young children.” | Larawan ng Pexels

Parte ng buhay ang pagkadapa. Ika nga at mas madalas na nangyayari ito sa childhood stages ng isang tao.

Bukod sa first words ni baby, maganda ring abangan kung kailan niya unang ihahakbang ang kanyang mga paa. Mula sa pagkatuto niyang gumapang unti-unti na rin siyang tuturuan na maglakad. Syempre dahil ‘nobody’s perfect” hindi maiiwasang magkakamali rin siya sa bawat hakbang na kanyang gagawin.

Sa pagkadapa ng baby, hindi lang sugat ang makukuha niya sa aksidenteng ito. Maaaring maging sanhi rin ito ng pagbaba ng kanilang self-confidence o kaya naman ay self-esteem. Lalo raw kung ang response ng magulang ay pagkainis at galit mula sa nangyaring aksidente.

Para sa physiotherapist at clinical pain neuroscientist na si Sarah Wallwork, nakita nila kung paano dapat na ma-encourage ang recovery at resilience sa bata matapos ang isang injury. Ayon kay Wallwork, mahalagang experience raw ito para sa mga bata,

“Everyday pain and injuries – such as minor bumps, cuts, grazes – are critical learning experiences for young children, and can influence how they interpret and respond to pain or injury experiences in the future.”

Hindi naman daw naiiwasan na makaramdam ng sakit, pero mas nababawasan ang pain ng sugat ng bata base sa response ng mga taong paligid. Narito ang ilang ways na dapat gawin:

pinapatahan ng ama ang kaniyang anak - sugat ng bata

Mga pwedeng gawin ng parents sa sugat ng bata mula sa pagkakadapa | Larawan mula sa Pexels

Turuan ang bata tungkol sa pain.

Kung normal ang pagkakadapa, normal din ang sakit na kaakibat nito. Sa katawan ng tao, itinuturing itong alarm system upang maprotektahan tayo sa kahit anong disgrasya.

Ayon pa kay Wallwork, malaking factor daw ang panloob na nararamdaman para maapektuhan ang panlabas na pain. Kaya nga mahalagang maayos ang response ng parents sa mga bata.

I-validate at i-reassure ang bata patungkol sa kanyang nararamdaman.

Kailangan unang gawin ng mga magulang na i-acknowledge ang sakit na dala ng sugat ng bata. Dapat pakinggan niya kung anong nararamdaman ng bata mula sa isang injury. Siguraduhing mararamdaman ng bata na napakikinggan ang kanyang sinasabi at protektado siya laban sa kahit anumang sakit pa.

Matapos na i-validate ang kanyang nararamdaman, mahalaga na i-reassure sila. Paalala sa kanya na ang kanyang katawan ay maghi-heal din at magre-recover ito. Sabihan din ang anak na ang pain ay hindi naman nagtatagal.

Suportahan ang development ng bata.

Malaki ang ginagampanang role ng parents sa development ng bata dahil madadala niya ito hanggang sa adult stage niya.

Bukod sa pagtulong sa pagpapagaling ng kanilang pisikal na pangangatawan dapat lang na matulungan din sila emotionally. Kasama na diyang ang pag-encourage sa kanilang sabihin kung anuman ang kanilang nararamdaman. Hayaan sila i-express ang sarili without judgement habang tinuturuan sila kung paano ito i-regulate.

Ituro sa kanila kung paano dapat i-manage ang kanilang pain at injury.

Hindi parating nariyan ka upang gabayan sila sa tuwing makakaranas sila ng aksidente at sakit. Dapat din na natuturuan sila kung paano ang first-aid sa ganitong mga pagkakataon. Step by step na ipakita ang proseso nito sa kanya upang sa susunod na mangyari man ay kaya na niyang gawin.

Ipaliwanag din ang healing process na kailangan niyang pagdaanan na dala ng sakit.

First aid para sa mga sugat

first aid kit - sugat ng bata

First aid para sa sugat ng bata | Larawan mula sa Pexels

Bata ang madalas na madapa at magkaroon ng sugat dahil parte naman din ito ng childhood ng bawat tao. Ang ilan sa mga sugat na ito ay madali lang naman pagalingin kahit pa nasa bahay lang. Narito ang maaaring gawin ng parents para sa first aid ng anak:

  • Hugasan ang sugat o hiwa gamit ang malinis na tubig upang matanggal ang kahit anumang dumi.
  • I-apply ang pressure dito gamit ang sterile gauze, bandage o kaya naman isang malinis na cloth.
  • Kung masyadong marami ang dugo sa bandage, maglagay pa ng isa pang layer at ipagpatuloy na mag-apply ng pressure.
  • Buhatin ang parte ng may sugat o hiwa para tumigil ang pagdurugo.
  • Kung tumigil na ang pagdudugo, balutin ang sugat ng bago at malinis muli na bandage.
  • Para makasiguro, matapos nito maaaring magpa-check-up para maiwasan ang kahit anumang impeksyon.

The Conversation

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Mali na pagalitan ang kids kapag sila ay nagkasugat, ayon sa expert
Share:
  • REAL STORIES: "Teenager na ang mga anak ko—Hindi ko inaakalang  mabubuntis pa ako at 40"

    REAL STORIES: "Teenager na ang mga anak ko—Hindi ko inaakalang mabubuntis pa ako at 40"

  • STUDY: Mga tatay na medyo mataba, mas mabubuting ama at asawa

    STUDY: Mga tatay na medyo mataba, mas mabubuting ama at asawa

  • 'Mamaya Na!': 3 parenting mistakes kung bakit nasasanay ang bata na sabihin ito

    'Mamaya Na!': 3 parenting mistakes kung bakit nasasanay ang bata na sabihin ito

  • REAL STORIES: "Teenager na ang mga anak ko—Hindi ko inaakalang  mabubuntis pa ako at 40"

    REAL STORIES: "Teenager na ang mga anak ko—Hindi ko inaakalang mabubuntis pa ako at 40"

  • STUDY: Mga tatay na medyo mataba, mas mabubuting ama at asawa

    STUDY: Mga tatay na medyo mataba, mas mabubuting ama at asawa

  • 'Mamaya Na!': 3 parenting mistakes kung bakit nasasanay ang bata na sabihin ito

    'Mamaya Na!': 3 parenting mistakes kung bakit nasasanay ang bata na sabihin ito

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.