Ang hand eczema na kilala rin sa tawag na hand dermatitis ay inflammatory skin condition. Nagdudulot ito ng pangangati, pamamaga, at discolored rashes na tila kaliskis sa kamay at sa mga daliri. Karaniwang humahantong sa pag-crack ng balat at sugat sa kamay ang kondisyong ito.
Sanhi at sintomas ng eczema sa kamay
Madalas ka bang magkasugat sa kamay dulot ng pangangati ng balat? Ang hand eczema na tinatawag ding hand dermatitis ay isa sa mga pangkaraniwang type ng eczema. Kadalasang naaapektuhan nito ang mga palad pero maaari din itong makaapekto sa iba pang bahagi ng kamay tulad ng mga daliri.
Larawan mula sa Freepik
Ilan sa mga pangunahing sintomas nito ay ang mga sumusunod:
- pananakit ng bahagi ng kamay
- mainit na pakiramdam sa bahagi ng kamay
- pagkatuyot o pagka-dry ng kamay, pamamalat
- pamamaga
- pagkabitak ng balat sa kamay
- sugat sa kamay
- pagdurugo
- pagkakaroon ng tila kaliskis sa balat
- maiitim na patches
- pangangati ng kamay
Ang balat ng tao ay bahagi ng immune system at tumutulong ito para protektahan ang ating katawan mula sa impeksyon. Hindi lang ito basta physical barriers, bagkus ang layers ng ating balat ay mayroong specialized cells na pumipigil na makapasok sa ating katawan ang mga foreign protein tulad ng mga virus at bacteria.
Ang eczema ay resulta ng overreactive immune system. Kapag mayroong naka-trigger sa immune system ng tao para mag-overreact, doon magsisimulang tumubo ang mga rashes sa kamay.
Narito ang mga maaaring sanhi ng sugat sa kamay dulot ng eczema:
Ang madalas o labis-labis na paghuhugas ng kamay at pagtutuyo nito ay maaaring makapagpataas ng tsansang magkaroon ng eczema sa kamay. Kahit na iwang basa ang kamay matapos maghugas, mag-eevaporate pa rin ito at mababawasan ang natural oils ng balat.
Mas nakakapagpatuyo rin ng balat ang madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang mainit na tubig at maaaring magdulot ng sugat sa kamay.
-
Malamig na temperatura at dehydration
Ang dry air at biglang pagbabago ng temperatura tuwing taglamig ay maaaring magdulot ng dehydration sa balat at humantong sa pagkakaroon ng eczema sa kamay.
-
Chemicals at iba pang irritants
Karaniwang nagkakaroon ng sugat sa kamay ang mga taong ang trabaho ay madalas na expose sa tubig, solvents, detergents, at iba pang kemikal. Pati na rin ang mga madalas na expose sa init, lamih, o friction.
Kadalasang dumaranas nito ang mga healthcare worker, hair dressers, cleaners, construction workers, cooks, at mga taong nagtratrabaho sa manufacturing.
Kapag stress ang isang tao, nagpro-produce ang katawan ng hormones na cortisol at epinephrine. Nakaaapekto ito sa immune system at nagdudulot ng skin inflammation.
Minsan, ang mataas na level ng stress ay maaaring magdulot ng pagkakaroon ng dyshidrotic eczema. Ito ay karaniwang uri ng eczema na nagdudulot ng pangangati at blisters sa balat.
Iba’t ibang uri ng eczema sa kamay
Larawan mula sa Freepik
May iba’t ibang uri ng eczema na maaaring magdulot ng sugat sa kamay:
-
Irritant contact dermatitis o irritant eczema
nangyayari ito kapag napadikit ang iyong balat sa kemikal o dumi na maaaring maka-irita sa iyong balat. Maaari mo rin itong makuha sa madalas na paghuhugas ng kamay. Nagdudulot ito ng problema sa protective barriers sa balat ng iyong kamay at humahantong sa pagkakaroon ng eczema.
-
Allergic contact dermatitis o pompholyx eczema
Dulot ito ng allergic reaction ng iyong balat sa anomang nasa paligid. Karaniwang sanhi nito ay nickel, fragrances, rubber, at ilang mga halaman.
-
Dyshidrotic dermatitis o pompholyx eczema
Nagdudulot ng makati at nagtutubig na blisters o sugat sa kamay na may nana. Karaniwang tumutubo sa palad at pagitan ng mga daliri. Pwedeng magkaroon nito kasabay ng pagkakaroon ng iba pang uri ng eczema sa ibang bahagi ng katawan.
Kadalasang nagkakaroon nito ang mga nasa edad 40 taong gulang. Hindi pa tiyak ng mga doktor kung ano ang nagdudulot nito. Ngunit maaaring lumala ito dahil sa metals, allergies, init, at pagpapawis.
BASAHIN:
13 dahilan kung bakit nagsusugat ang paa at gamot para dito
Dapat bang mag-alala kapag mayroong sugat na may nana ang iyong anak?
Babae nagkaroon ng malalang sakit dahil sa sugat na natamo sa pagpapa-pedicure
Gamot sa sugat sa kamay
Mahalagang malaman na ang eczema sa kamay o hand dermatitis ay hindi nakahahawa. Hindi rin dapat na pandirihan ang mga taong nagkakaroon nito.
Bagama’t walang gamot para sa chronic hand eczema, mayroong mga medications at natural remedies na maaaring irekomenda ng inyong doktor.
Larawan mula sa Pexels kuha ng Jeshootscom
Ang mga sumusunod na medications ay maaaring makatulong sa paggaling ng sugat sa kamay dulot ng eczema:
- Topical corticosteroids – ito ay creams na karaniwang ginagamit para gamutin ang eczema. Subalit, ang ilan ay maaaring magdulot ng side effects tulad ng pagnipis ng balat. Dapat lang itong gamitin ayon sa prescription ng inyong doktor.
- Calcineurin inhibitors – makatutulong itong palakasin ang immune system para maibsan ang pamamaga at pangangati ng sugat sa kamay. Hindi ito nagdudulot ng pagnipis ng balat o iba pang side effects.
- Antihistamine tablets – maaari itong inumin upang mabawasan ang pangangati. Subalit, maaaring magdulot ng pagkahilo, antok, at impaired coordination ang gamot na ito. Nirerekomenda ng mga doktor na inumin ito bago matulog sa gabi.
- Topical antibiotics – makatutulong ito sa paggamot ng bukas na sugat sa kamay at bacterial infections. Kaya lamang, ang over-the-counter antibiotics ay maaaring maka-trigger ng eczema. Importanteng kumonsulta muna sa inyong doktor.
- UV therapy – makababawas ng pangangati at pamamaga ng moderate hand eczema sa mga bata at maging sa matatanda.
- Antibacterial ointments – makatutulong ito para gamutin ang impeksyon na nagmula sa eczema. Ipinapahid ito sa sugat sa kamay at cracked sa balat.
- Petroleum o glycerin-based moisturizers – makatutulong sa paggaling ng sugat sa kamay. Ilublob muna ang mga kamay sa tubih at dampian ng pamunas upang matuyo, pagkatapos ay pahiran ng moisturizer. Magsuot ng gloves sa sunod na 30 minuto.
Home remedies para sa sugat sa kamay
Larawan mula sa Freepik
- Wet compress – makatutulong ito para maibsan ang pamamaga at maiwasan ang pangangati.
- Aloe vera gel – mayroon itong antibacterial ay antimicrobial properties na nakatutulong sa paggaling ng sugat sa kamay.
- Honey – ayon sa mga pag-aaral, makatutulong ito para mabawasan ang eczema lesions at mapagaling ang sugat at burns.
- Coconut oil – mayroong lauric acid ang langis ng niyog na makatutulong para labanan ang bacteria at virus. Pwede rin itong gamitin bilang moisturizer.
- Sunflower oil – may anti-inflammatory at wound healing properties. Maaari ding gawing moisturizer sa basang balat. Mabuting gamitin ito matapos maligo.
- Oatmeal baths – ginagamit ang oatmeal bilang skin protectant. Makatutulong ang oatmeal baths upang maibsan ang pangangati at discomfort dulot ng eczema.
- Fish oil supplements – ang pagkonsumo ng omega-3 fatty acids mula sa matatabang isda tulad ng salmon at sardines ay makatutulong para maibsan ang namamagang balat.
Tips para maiwasan ang pagkakaroon ng sugat sa kamay
Bukod sa mga nabanggit na gamot sa hand eczema, may mga home remedies din na maaaring gawin para maibsan at maiwasan ang pagkakaroon ng sugat sa kamay.
Ang pinakaunang dapat gawin kapag nagkaroon ng eczema sa kamay ay alamin ang sanhi nito. Magpakonsulta sa inyong doktor at itanong kung maaaring magsagawa ng patch test para malaman kung ano ang nakaka-trigger sa iyong sugat sa kamay.
Larawan mula sa Freepik
Maaari ka ring matulungan ng iyong doktor upang malaman kung ano sa iyong pang araw-araw na ginagawa ang pwedeng dahilan ng paglala ng sugat sa kamay.
Narito ang ilan pang pwedeng irekomenda sa iyo ng iyong doktor para maiwasan ang pagkakaroon ng eczema sa kamay:
- Umiwas sa allergens at irritants
- Magsuot ng gloves kapag naghuhugas ng plato o naglalaba
- Gumamit ng sabon na walang pabango
- Hubarin ang singsing kung mayroon man tuwing ikaw ay maghuhugas ng kamay
- Gumamit ng petroleum jelly para maprotektahan ang balat
- Gumamit ng cotton gloves tuwing taglamig upang maiwasan ang pagkatuyo at pagbibitak ng balat
- Magpahid ng moisturizer matapos maghugas ng kamay
- Gumamit ng humidifier sa inyong bahay upang maiwasan ang pagkatuyo at pangangati ng balat
- Iwasang maligo sa masyadong mainit na tubig, mas makabubuti ang maligamgam o lukewarm water.
- Magpahid ng sunscreen upang maprotektahan ang exposed na balat.
- Uminom ng maraming tubig para mapanatiling hydrated ang katawan
- Kumain ng mga pagkaing mayaman sa anti-inflammatory properties tulad ng gulay, isda, at beans.
Bukod sa mga gamot at home remedies, pinakamahalagang magpakonsulta sa doktor upang mabigyan ng angkop na payo tungkol sa sakit sa balat. Mahalagang maipaalam sa kanila ang sintomas na nararanasan pati na rin ang medical history mo at ng iyong pamilya.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!