Mommy, nagsisimula na bang tumubo ang ngipin ng iyong little one? Lahat ba ng mahawakan niya ay gusto kagatin at pinanggigigilan? Ito ay sign na para gamitan ng toothpaste para sa baby ang inyong cute na chikiting.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kailan ba dapat gumamit ng toothpaste para sa baby?
- Tamang pangangalaga sa milk teeth ni baby
- Dapat bang gumamit ng toothpaste na may fluoride para sa baby?
- Magandang Toothpaste para sa Baby na swak sa budget ni Mommy
Ang toothpaste ay isa sa essential needs ng mga baby lalo na kung kumakain na sila at may milk teeth na. Habang baby pa sila, mas magandang masanay na sila sa tamang oral hygiene para madala nila hanggang sa paglaki nila.
Kailan ba dapat gumamit ng toothpaste para sa baby?
[caption id="attachment_422530" align="aligncenter" width="670"]
Larawan mula sa iStock[/caption]
Ang paggamit ng toothpaste para sa baby ay nagsisimula kapag lumabas na ang una nilang ngipin. Maaaring gumamit ng malinis na washcloth at kaunting toothpaste sa pagbrush ng mga ngipin ng baby.
Dahan-dahan lamang itong i-wipe sa kanilang ngipin at dila upang hindi sila masaktan. Gawin ito tuwing pagkatapos ng kanilang feeding time at bago matulog.
Kung gagamit naman ng toothbrush, siguraduhing ito ay angkop sa kanilang edad at may soft bristle upang hindi masaktan ang kanilang gums.
Palitang ang toothbrush na ginagamit ni baby sa loob ng isang buwan upang hindi ito pamahayaan ng bacteria. Ilagay rin ito sa malinis na container na hindi nadadapuan ng anumang insekto.
Tamang pangangalaga sa milk teeth ni baby
[caption id="attachment_422527" align="aligncenter" width="670"]
Larawan mula sa iStock[/caption]
Kapag lumabas na ang unang ngipin o mga ngipin ni baby, ito ang ilang dapat gawin upang mapangalagaan ito.
- Magsimula sa paggamit ng toothpaste para sa baby na angkop sa kanilang edad. May mga toothpaste na sadyang ginawa sa para sa baby na 0-6 months, ang ilan naman ay nasa 6months hanggang 1 year old. May mga fluoridated baby toothpaste na safe gamitin kay baby. Kung nag-aalangan gumamit nito, maaaring kumonsulta muna sa inyong pedia dentist para malinawan.
- Gumamit ng toothbrush na design para sa baby. Ito ay may extra soft bristle para hindi masugatan ang kanilang sensitive gums.
- Sa paggamit ng toothpaste, maglagay lamang ng kasing liit ng butil ng bigas sa toothbrush ng baby.
- Magpa-appointment sa pedia dentist para magkaroon ng malawak na kaalaman tungkol sa milk teeth ni baby.
- Itanong sa pedia dentist ang mga nais malaman at proper oral hygiene habang lumalaki si little one. Magandang bumisita sa pedia at least twice a year.
Kung hindi naman comfortable si baby habang nagsisipilyo, gawing ito kasabay ng pagkanta at paglalaro para makuha ang atensyon niya. Mas magiging kapana-panabik ang pagsisipilyo para kay little one.
Dapat bang gumamit ng toothpaste na may fluoride para sa baby?
[caption id="attachment_422528" align="aligncenter" width="670"]
Larawan mula sa iStock[/caption]
Ang fluoride ay hindi masama kung gagamitin ang sapat na amount lamang kapag nagsisipilyo. Ito ang isa sa mga pangunahing sangkap ng mga toothpaste upang labanan ang tooth decay.
Kapag sumobra ang pagconsume ng fluoride, nagkakaroon ng dental fluorosis ang isang bata. Ito ang kundisyon kung saan na ang sobrang fluoride sa katawan at nagiging dahilan white o brown discoloration spots sa permanent teeth.
Ito ang ilan sa mga dapat tandaan kapag gagamitan ng toothpaste para sa baby ang inyong anak.
- Gumamit ng toothpaste na halos dampi lamang ang dami sa toothbrush o sa washcloth bago isipilyo kay baby.
- Siguraduhin na ang gagamiting toothpaste para sa baby ay walang artificial color, preservatives, at sodium lauryl sulfate.
- Pumili ng flavor na mild at magugustuhan ni baby. Iwasan ang toothpaste na may minty scent o flavor. Mas mainam na tikaman ito muna para makasigurado sa lasa.
- Dahil hindi pa nila kayang magmumog o magbanlaw ng kanilang bibig pagkatapos magtoothbrush, painumin sila ng water kung pwede na silang uminom.
BASAHIN:
LIST: Top 12 comfortable at affordable baru-baruan para kay baby
6 white noise machine to help your baby sleep better
TAP List: 7 baby cribs for your little one
Magandang Toothpaste para sa Baby na swak sa budget ni Mommy
May mga toothpaste brand ngayon na sadyang ginawa para kay baby. Piliin at surrin kung ano ang dapat gamitin. Hindi porke’t mura ay ito agad ang dapat bilhin, hindi rin porke’t mahal ay maganda na ang quality.
Mas magandang maging mapanuri dahil lahat ng pinapasok sa katawan ng ating baby ay maaaring makasama sa kanilang katawan.
Fluoride: 1000ppm
Flavor: Flavor-free
Age: 6 months to 2 years old
Ingredients: Sorbitol, aqua, hydrated silica, xylitol,xanthan gum, sunflower oil ( helianthus annuus), Aloe vera L. extract, sodium fluoride,citric acid, potassium sorbate
Presyo: ₱99
Bakit ito ang dapat mong bilhin?
Ang Nature to Nurture Toddler Fluoride Toothpaste ay isa sa best seller na toothpaste dahil ito ay flavor free. Hindi nahihirapan ang mga mommy na gamitin ito kay baby.
Mayroon itong sunflower oil at aloe vera para sa gums ni baby. May silica din ito para sa pangtanggal ng plaque. Naglalaman din ito ng fluoride at xylitol para sa mapigilan ang tooth decay.
Tamang paggamit:
Maglagay ng kasing laki ng buti ng bigas sa toothbrush o washcloth, isipilyo ito ng dahan dahan sa ngipin, galagid, at dila ni baby. Magsipilyo pagkatapos kumain ni baby.
Fluoride: Fluoride free
Flavor: Strawberry-Banana
Age: 4 months to 2 yrs. old
Ingredients: Xylitol
Presyo: ₱90
Bakit ito ang dapat mong bilhin?
Ang Tiny Buds ang isa sa nangungunang brand pagdating sa mga produktong safe kay baby. Karamihan ng kanilang mga product ay gawa sa natural ingredients at hiyang sa mga baby.
Ang kanilang Baby Toothgel ay gawa sa 100% food grade na xylitol. Ang xylitol ang lumalaban para maiwasan ang tooth decay sa milk teeth ni baby. Ito rin ay fluoride free kaya naman hindi mag-aalala si mommy kung naparami ang lagay ng toothpaste ni baby.
Tamang paggamit:
Maglagay ng pea sized amounting toothgel sa toothbrush ni baby. Hindi na kailangan na mumugan si baby pagkatapos magsipilyo.
Fluoride: Fluoride free
Flavor: Strawberry Flavor
Age: 6 months and above
Ingredients: Xylitol
Presyo: ₱400
Bakit ito ang dapat mong bilhin?
Ang Kindee ay international brand na may mga produktong gawa sa natural at organic na mga sangkap para sa babies at sa mga bata.
Mayroon itong xylitol at iba pang food grade ingredients na siguradong safe kapag ginamit ni baby. Nagtataglay rin ito ng antioxidant para sa malusog na mouth at gums. Wala itong Paraben, sulfate, gluten, at glucose.
Tamang paggamit:
Maglagay ng kaunting toothpaste sa toothbrush ni baby. Imasahe sa ngipin, gums, at dila ng dahan dahan. Gamitin pagkatapos ng bawat meal ni baby at bago matulog.
Fluoride: Fluoride free
Flavor: Natural fruit flavor
Age: 0-2 Years
Ingredients: Propylene Glycol, Glycerin, Hydrated Silica, Sorbitol, Water, Xylitol, Poloxamer 407, Cellulose Gum, Citric Acid, Flavor
Presyo: ₱107
Bakit ito ang dapat mong bilhin?
Ang Colgate ang isa sa most trusted brand nating mga mommy pagdating sa pag-aalaga ng ating oral health. Ang Colgate Baby Free From 0-2 Years Toothpaste ay formulated para sa mga sensitive mouth, teeth at gums ni baby.
Ito ay fluoride free, walang artificial flavors, walang preservatives, walang sweeteners, at colorless.
Tamang paggamit:
Maglagay ng smear amount ng toothpaste sa kanilang toothbrush at isipilyo ng marahan sa buong bibig ni baby. Gamitin ng at least twice a day.
Fluoride: Fluoride free
Flavor: Strawberry
Age: 0-4 years old
Ingredients: Sorbitol Solution, Xylitol, Silica, Purified Water, Glycerin, Sodium Carboxymethylcellulose, Flavor, Sodium Benzoate, Citric Acid
Presyo: ₱96.98
Bakit ito ang dapat mong bilhin?
Ang Sanfluo ang isa sa mga recommended na toothpaste ng mga pedia dentist dahil ito ay fluoride free at walang harmful ingredients.
Ideal ito sa mga baby at mga bata na hindi pa marunong magmumog. Safe itong malunok dahil ang main ingredient nito ay xylitol.
Ang xylitol ang pumupigil para magkaroon ng tooth decay ang milk teeth ng baby. Wala rin itong artificaila color, hindi rin ito mabula, at walang harmful na preservatives.
Tamang paggamit:
Maglagay ng kaunting amount ng toothgel sa toothbrush. Gamitin ang circular motion sa pagsisipilyo sa buong bibig upang masiguro na malinis ang bibig ni baby pagkatapos magsipilyo.