ginNaghahanap na pwedeng pampataba ng baby? Kung sa tingin niyo’y hindi sapat ang timbang ni baby, subukan ang 12 ways na ito para madagdagan ng timbang si baby.
Mababasa sa artikulong ito:
- Tamang timbang/ weight range ng baby ayon sa WHO.
- Tips paano madagdagan ang timbang ni baby per stage.
- 12 ways na pampataba ng baby.
Marami ang nag-alalang mga magulang dahil madalas mabawasan ang timbang ng bagong panganak na baby. Ngunit ito ang dapat niyong tandaan, ayon sa mga eksperto, ang pagbawas ng timbang ng mga newborn baby ay talagang inaasahan.
Ang isang formula fed baby ay inaasahang mababawasan ng 3-4 percent ng kanilang birth weight pagkatapos ng ilang araw silang ipanganak. Samantalang ang mga breastfeed baby naman ay nababawasan ng 6-7 percent ng timbang.
Huwag mag-alala dahil pagkatapos ng dalawang linggo, maaaring mag-gain na muli ng weight si baby.
Tamang timbang ni baby
Ayon sa pag aaral ng University of Michigan Health (Medicine), ang mga lalaki ay kadalasang mas mabigat sa mga babae. Madalas ang panganay o unang babies ay mas magaan kaysa sa mga susunod nitong kapatid.
May posibilidad din na ang malalaking o mabibigat na magulang ay magkakaroon din ng malaking baby. At ang mga maliliit na magulang ay magkakaroon din ng maliit na baby. Nasa genes kasi ito.
Ang mga bagong panganak na baby ay madalas nababawasan ng 8 oz (226.8 g) sa unang 4 at 5 na araw nito. Ngunit maibabalik ito sa dati pagkalipas ng 10 hanggang 12 days.
Sa unang buwan, ang mga baby ay nadagdagan ng 0.7 oz (20 g) kada araw o 4 oz (110 g) to 8 oz (226.8 g) sa isang linggo.
Samantala, ang average na haba naman ng full term baby at birth ay 20 in. (50 cm). Ngunit ang normal range ay 18 in. (45.7 cm) to 22 in. (60 cm). Sa unang buwan, ang mga babies ay lumalaki hanggang 1.5 in. (4 cm) to 2 in. (5 cm).
Kailangan bang madagdagan ang weight ni baby?
Kapag sa tingin ninyo ay hindi pa rin tumataba si baby, maaring kumonsulta muna sa inyong pediatrician. Sasabihin nila kung ano ang dapat gawin at kung kailangan ng pampataba ng baby.
Makikita rin sa World Health Organization revised growth charts ang average growth o weight ng baby mula 0-71 months. Mas naipapakita ng revised version ang tamang paglaki ng malusog na baby kumpara sa mas lumang mga bersiyon na nakabase sa impormasyon mula sa mga formula-fed na sanggol.
Maaari rin ma-download ang reference table na ito sa National Nutrition Council ng Pilipinas sa www.ncc.gov.ph.
Narito ang World Health Organization child growth standards percentile charts at table:
Ano nga ba ang tamang timbang ni baby?
Ayon sa National Nutrition Council, ang average na baby na nasa 40 weeks ay may timbang na 3.2kg. Kung saan ang karamihan sa malulusog na bagong panganak ay may bigat sa pagitan ng 2.5 hanggang 4.5kg.
Hindi kailangan alalahanin ang timbang ng baby pagkapanganak, ang mahalaga ay mabantayan ang growth pattern niya sa mga susunod na buwan.
Paano madagdagan ang timbang ni baby? May mga ilang baby na hirap kumain at hindi nadadagdagan ang kanilang timbang. Narito ang ilang paraan na pampataba ng baby o upang madagdagan ang timbang ng iyong sanggol.
12 ways para matulungan ang kaniyang weight gain
1. Pumunta na sa pediatrician kapag ang iyong baby ay nakakaranas ng mga sumusunod:
- Pagsusuka habang kumakain
- Hirap sa paglunok
- Maaring may food allergy
- Reflux at
- Patuloy na diarrhea
Dito malalaman kung ano ang magiging desisyon ng inyong doktor. Kapag naayos na ang lahat at nawala ang mga problema nito sa pagkain, maaari nang bumalik at patuloy na madagdagan ang timbang ni baby.
Tandaan na kapag ang inyong pediatrician ay sang-ayon sa kasalukuyang timbang at growth curve ni baby ay wala na kayong dapat ipag-alala. Huwag nang mag hanap ng pampataba ng baby. Maniwala na lamang sa sasabihin ng doktor at magiging maayos ang lahat.
2. Practice
Mag patingin sa isang lactation center upang masuri kung nagla-latch nga ba si baby ng maayos. May mga pagkakataon na nahihirapan ang baby sa pag latch sa breast kung kaya’t wala itong masyadong nakukuhang breast milk kay mommy.
3. I-monitor ang milk supply
Karamihan ng ating mga mommies ay takot na hindi sapat ang kanilang milk supply. Ugaliing i-breastfeed lamang si baby dahil kapag madalas ang pagbe-breast feed, mas nadagdagan ang milk supply.
4. Kapag formula fed ang baby
Kadalasan ang formula fed babies ang mas mabilis na mag-gain ng weight kaysa sa breastfed babies. Ngunit paano kung sa tingin ni mommy ay hindi effective ang formula milk? I-consider ang pagpapalit ng formula milk.
Kapag ang inyong baby ay nagpakita ng senyales ng allergy o sensitivity, maaari si mommy magpalit ng brand. Kumausap ng doktor kung ang iyong baby ay nakakaranas ng reflux, diarrhea, eczema, constipation, at iba pang health concern.
Maaaring irekomenda ng inyong doktor ang paggamit ng donor milk o protein hydrolysate based formula. Ang ganitong formula ay may kamahalan, inirerekomenda lamang ito ng doktor sa mga baby na allergic sa cow o soy milk.
5. Siguraduhing tama ang mixture ng formula (kung formula fed si baby)
Ang pagsunod sa tamang mixing instructions ay mahalaga. Dapat balanse ang tubig at ang powder na gamit ni mommy. Ang sobra sobrang tubig ay masama dahil hindi nakakakuha ng sapat na calories si baby.
6. Kausapin ang inyong doktor
Bago pa si mommy maglagay ng formula sa mga baby bottles, mahalaga pa rin kumonsulta sa inyong pediatrician. Irerekomenda nila kung ano ang tama at safe para kay baby.
Kapag nalampasan na ni baby ang 6 months at pinapakain na siya ng solid na pagkain ngunit hindi pa rin ito tumataba. Narito ang kailangan niyong tandaan:
7. Magdagdag ng healthy fats
Ang olive oil at avocado ay may calories at health benefits. Ang oleic acid ay maaari rin makabawas ng inflammation, idagdag mo pa ang omega 3 na maganda para sa pampataba ng baby at kaniyang brain development.
8. Maglagay ng meat
Ang pork, chicken, at ground turkey ay isang high calorie choice na maganda sa health ng iyong anak. Ito ay isa sa mga pwede ring pampataba sa kaniya.
9. Pakainin ng prutas sa iyong anak
Pakainin si baby ng saging, pears, at avocados, imbis na mansanas at orange. Ang mga prutas na ito ay may high calorie content. Ang mga prutas na ito ay mayaman din sa vitamin c at potassium na maganda para sa kanilang buto at katawan.
Dahil nasa ika-anim na buwan na ang baby at kumakain na ng solid food, kailan ba dapat painumin ng vitamins si baby?
Kumonsulta pa rin sa pediatrician para malaman ang kulang na nutrients sa katawan ni baby. Ito rin ay para magkaroon ng accurate na diagnosis at tama ang maibigay ng vitamins kay baby.
Bukod dito, kakailangan din agad pumunta sa doktor kung ang inyong sanggol ay:
- Mayroong congenital disease
- Kung breastfeeding ngunit kulang sa vitamins o sustansya
- Ipinanganak na premature
10. Iba pang vitamins na kailangan ni baby
Ang iron ay isang mahalagang mineral na kailangan natin sa ating katawan. Ito ay kadalasang makikita sa hemoglobin, ang protina na responsable sa pagkalat ng oxygen mula sa lungs patungo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Mahalaga ang pag-in-take ng iron dahil ang kakulangan nito sa katawan ay maaaring humantong sa iron deficiency anemia ang inyong baby.
Ayon sa American Academy of Pediatrics, ang mga breastfeed babies dapat bigyan ng iron supplement (1 mg ng iron kada kilo ng weight ni baby). Ang mga formula fed babies naman ay nakakakuha na ng iron sa kanilang formula.
Ang vitamin d ay minsang tinatawag rin “sunshine vitamin”. Panungahing source ng vitamin D ay ang sikat ng araw sa umaga. Ito ay maganda sa katawan ng baby dahil nagbibigay ito ng sapat na calcium para mga buto. Makakatulong rin itong pampataba ng baby at pagsisiguro ng malusog niyang pangangatawan.
10. Magkaroon ng Meal time schedule
Kapag gutom ang baby, pakainin ito. Sa mga unang buwan ni baby, tandaan na importanteng sundin ang needs ng baby kaysa sa orasan. Makaka-establish naman ito ng eating routine sa pag tanda nito.
Pagdating ng 6 months, kasanayan na magkaroon ng healthy eating habits si baby.
11. Samahan sa pag kain si baby
Minsan ay mahirap pakainin si baby, ngunit samahan ito lagi at siguraduhin walang mga distraksyon sa paligid nito. Ugaliin na makakaubos lagi ng pagkain si baby.
12. Fun meal time
Maaaring makaranas na aayaw si baby sa pagkain. Maaaring umisip ng paraan upang ma-enganyo si baby na kainin ang kaniyang pagkain.
Tandaan na bago sumubok ng bagong paraan para sa pampataba ng baby, mahalaga pa ring kumausap muna ng doktor para sa safe at ligtas na kalusugan ni baby.
Source:
Healthline, MichiganMedicine, World Health Organization
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!