Naitala na sa lungsod ng Baguio ang kauna-unahang kaso ng mpox, ayon sa Baguio City Health Services Office (HSO). Ang pasyente ay isang 28-taong-gulang na lalaki na nagpositibo sa mas banayad na uri ng Clade II mpox virus.
Mababasa sa artikulong ito:
- Unang kaso ng mpox sa Baguio naitala!
- Ano ang sintomas at paano maiiwasan ang sakit na ito
Unang kaso ng mpox sa Baguio naitala!
Image from Shutterstock
Ayon sa ulat, ang pasyente ay matagumpay na nakumpleto ang kanyang isolation at idineklarang gumaling noong Enero 17, 2025. Bagamat hindi ito kasing-delikado ng ibang sakit tulad ng COVID-19, pinaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na mag-ingat at sumunod sa mga health protocols upang maiwasan ang pagkalat nito.
Ang mpox ay isang zoonotic disease, ibig sabihin, maaari itong maipasa mula sa hayop patungo sa tao. Bagamat hindi ito madaling kumalat sa hangin, maaari itong maipasa sa pamamagitan ng malapitang pisikal na kontak tulad ng paghalik, pagyakap, pakikipagtalik, o kahit sa respiratory secretions. Maaari rin itong makuha mula sa kontaminadong mga bagay tulad ng kumot o damit.
Image from Shutterstock
Mga sintomas at paano maiiwasan ang mpox
Kabilang sa mga sintomas ng mpox ang mataas na lagnat, pananakit ng ulo, pamamaga ng lymph nodes, panghihina, pananakit ng kalamnan at kasukasuan, at pagkakaroon ng rashes o sugat sa balat. Ang mga sintomas na ito ay karaniwang banayad ngunit maaaring maging seryoso sa ilang kaso.
Image from Shutterstock
Upang maiwasan ang mpox, mahalagang mag-practice ng proper hygiene. Ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, iwasan ang direktang kontak sa mga taong may sintomas ng sakit, at tiyaking maayos ang bentilasyon sa inyong mga tahanan. Dagdag pa rito, ipinapayo rin ni Mayor Benjamin Magalong ang pagsusuot ng face mask at pagsunod sa physical distancing, lalo na sa mga pampublikong lugar.
Sa ngayon, nananatiling mababa ang bilang ng mga kaso ng mpox sa bansa, ngunit mahalaga ang pagiging mapagbantay upang mapanatiling ligtas ang ating pamilya. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring kumonsulta sa inyong lokal na health office.
Para sa mas detalyadong impormasyon tungkol sa mpox , maaaring basahin ang artikulong ito: Ano ang mpox at mga sintomas nito
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!