Patuloy pa ring tumataas ang mga bagong kaso ng COVID dito sa bansa kada araw. Ayon sa UP prediction tungkol sa COVID-19 ngayong August, maari itong umabot ng 100,000 cases.
UP prediction COVID-19 August
Dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID cases sa bansa, na nadadagdagan ng isang libong fresh cases kada araw, hindi malayong mangyari ang prediction na ito.
Ayon kay Professor Dr. Guido David na member ng UP OCTA Research group:
“Sa nakita ko, iyong trend niya mas mataas pa, hihigit pa sa 100,000 kung hindi natin baguhin iyong ating sistema, ating pag-handle ng pandemya,”
Rekomendasyon niya, dapat daw na maging strict muli sa mga border controls. At imbis na home quarantine ay talagang i-isolate ang mga pasyenteng nagpopositibo. Kailangan din umanong pag-isipang mabuti ang pagbabalik operasyon ng MRT dahil ilan na ang nai-report na kaso mula rito.
Bukod sa mga preventive measures na ito, kailangan ding pagtuunan ng pansin ang pagte-test. O pagtuon ng pansin sa mass testing.
Mass testing kaugnay ng pag-aaral ng UP scientists
Narito ang pahayag ni Joshua Miguel Danac na isang Science research specialist ng University of the Philippines:
“We have been very clear about what we mean by mass testing, which is: to have sufficient RT-PCR capacity to enable free and accessible testing for those who need it, i.e., people with possible COVID-19 symptoms (suspect cases), the close contacts or people with exposure, whether symptomatic or asymptomatic, frontline healthcare workers who need regular testing, and those in high-risk communities or vulnerable populations. And of course, those tests should have timely results, no backlogs or delays.”
Bagama’t malinaw ang paliwanag na ito, marahil ay isa sa mga rason kung bakit hindi ito tinatanggap at ipinapatupad ng gobyerno hanggang ngayon ay dahil iba rin ang kanilang pagka-intindi tungkol dito.
Kahalagahan ng mass testing
Ayon pa rin sa Our World In Data, mahalaga ang pagsasagawa ng COVID-19 testing. Ito ay upang mas makita ang malawakang scenario ng sakit sa bawat bansa. Dahil mayroong mga infected ng sakit ang hindi nagpapakita ng sintomas at maaring hindi nagsasagawa ng quarantine measures. Ang resulta mas naikakalat at naihahawa pa ang sakit.
“If tests are not carried out, it becomes harder for countries to see big picture scenarios and lay down measures to reduce the spread of the virus. People who do not know they’re sick might also not get the medical assistance they need and even fail to impose self-quarantine.”
Ito ang pahayag ng research group sa kanilang website. Dagdag pa nila malaki ang naitutulong ng pagsasagawa ng mass testing sa pag-kontrol ng sakit. Tulad nalang ng nangyari sa South Korea na kung saan ginawang accessible ang testing sa bawat mamamayan. Agad ring nailalabas ang resulta sa loob ng 24 oras at susundan ng contract tracing at quarantine process. Ang resulta mas mabilis na nakontrol ang pagkalat ng virus at patuloy na bumababa ang bilang ng nai-infect nito.
“The massive testing conducted in South Korea has been hailed worldwide as a model response to the outbreak. The country’s breakthrough success in “flattening the curve” has been attributed largely to its government’s efforts to make testing for the virus accessible for everyone.”
Ito ang dagdag pang pahayag ng research group.
Bagama’t malinaw ang paliwanag na ito, marahil ay isa sa mga rason kung bakit hindi ito tinatanggap at ipinapatupad ng gobyerno hanggang ngayon ay dahil iba rin ang kanilang pagka-intindi tungkol dito.
Pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque: “Wala pong bansa sa buong mundo na tinetest ang lahat ng kanilang mamamayan. Kaya nga po mali ang terminong mass testing.”
Giit naman ng mga healthcare expert, kahit sa mga ibang bansa ay hindi naman nagkaroon ng problema sa paggamit ng terminong ito at sa katunayan ay naisasagawa pa nga nila ito nang maayos.
Kasalukuyang bilang ng COVID cases sa Pilipinas
Sa kasulukuyan ay mayroon ng 46 thousand cases ng COVID sa bansa at 12,000 naman ang naka-recover. Habang 1,303 naman ang namatay.
Pilipinas na rin ang ikalawa sa Southeast Asia pagdating sa bilang ng mga kaso. Dahil ang Indonesia ay 64,000 cases.
Source:
ABS CBN News
Basahin:
Mga eksperto pinaniniwalaang airborne ang COVID-19
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!