Ang vasa previa ay isang madalang ngunit malalang kumplikasyon ng pagbubuntis.
Ang vasa previa ay nangyayari kapag ang blood vessels ng fetal umbilical cord ay nata-trap sa pagitan ng fetus at opening ng cervix o birth canal. Ang blood vessels na ito ay nasa loob ng membranes, at hindi napoprotektahan ng umbilical cord at placenta. Kaya delikadong sila ay pumutok kapag nasira ang membranes.
Kapag pumutok ang blood vessels, maaaring masawi ang sanggol dahil sa hemorrhage.
Sa mga kaso ng undiagnosed vasa previa, 56 porsiyento dito ang nagresulta sa stillbirth. Subalit kung ito ay na-detect habang nagbubuntis ang ina, tumataas ang tiyansa ng pagkabuhay ng bata sa 97 porsiyento.
Image: MSD Manuals
Sintomas ng vasa previa
Kadalasan ay walang sintomas ang vasa previa.
Ito ay madalas hindi nalalaman hanggang mag-labor na ang ina, o kung distressed na ang sanggol sa loob ng sinapupunan, kaya nagreresulta ito sa stillbirth.
Kung buntis ay dapat agad kumonsulta sa doktor kung mayroong painless bleeding mula sa vagina. Isang senyales na may vasa previa ang isang buntis ay kung maitim ang kulay ng dugo na lumabas.
Ang dugo ng fetus ay mas mababa ang oxygen kumpara sa dugo ng nanay. Kaya kung mas maitim ang dugo kaysa normal, baka ito ay dahil galing ito sa fetus at hindi sa ina.
Sanhi at risk factors
Ang isang sanhi ng vasa previa ay ang velamentous cord insertion. Isa itong abnormality kung saan ang umbilical cord ay pumapasok sa membranes, kaya ang blood vessels ay hindi na napoproktektahan papuntang placenta.
Ang isa pang sanhi ay ang bilobed placenta, o kung ang placenta ay nahati sa dalawa. Dito ay hindi rin napoprotektahan ang vessels kung sila ay mapunta sa pagitan ng dalawang lobes.
Mas malaki ang risk na magkaroon ng vasa previa kung ikaw ay:
- May mababang placenta (placenta previa)
- Nanganak dati via Cesarean section
- Nabuntis via in vitro fertilization
- Higit sa isa ang pinagbubuntis
- Nagkaroon ng uterine surgery
Paano malalaman kung ikaw ay may vasa previa?
Ang isang transvaginal ultrasound at color Doppler ang pinakamabisang paraan upang ma-detect ang vasa previa.
Mas mabisa ang transvaginal ultrasound kaysa abdominal, dahil mas malinaw itong makikita. Mahirap ding mabasa ang grayscale image kaya mas maigi kung color Doppler ang gagamitin. Dito ay makikita kung saan ang direksyon ng dugo at kung gaano ito kabilis.
Dahil rare ang condition na ito, hindi ito madalas ma-check sa mga buntis. Maaaring irekomenda ng doktor na i-screen ka para rito kung mayroon kang risk factors na nabanggit sa itaas.
Lunas
Walang paraan upang maiwasan ang vasa previa. Ngunit kung ito ay mada-diagnose nang maaga, maaaring mamonitor ang iyong kalagayan at tumaas ang tiyansa ng survival ni baby sa iyong sinapupunan.
Maaaring i-monitor ng iyong doktor ang iyong kalagayan sa pamamagitan ng follow-up ultrasounds.
May ilang kaso na pinapayo ng doktor na ma-confine ang ina upang mas ma-monitor ito nang maigi at magkaroon ng complete bed rest. Madalas ding irekomends ang pelvic rest, na ang ibig sabihin ay walang ipapasok sa iyong vagina kaya bawal ang pakikipagtalik.
Maaari ka ring bigyan ng steroids upang makatulong sa pag-mature ng baga ng iyong baby, kung sakaling kailangan mong manganak nang mas maaga.
Ang treatmeng ng doktor ay ayon sa iyong kalagayan.
Madalas ay inirerekomenda ng doktor ang cesarean delivery sa pagitan ng ika-35 at ika-37 week ng pagbubuntis kung mayroong vasa previa. Ito ay dahil kung ikaw ay nag-labor at sumabog ang membranes, malaki ang tiyansa na sumabog din ang blood vessels ni baby, at magkakaroong ng hemorrhage. Ito ang iniiwasan.
Kung caesarean ang delivery, mai-a-adjust ng doktor ang paraan at lugar ng hiwa sa iyong tiyan, kung saan maiiwasan ang placenta at ang blood vessels ni baby.
Bagamat delikado ang vasa previa, dapat ding tandaan na hindi ito madalas mangyari sa mga buntis. Ayon sa mga pinakamalaking pag-aaral tungkol dito, ang vasa previa ay nagaganap sa 4 out of 10,000 na pagbubuntis.
Source: Healthline
Basahin: Ano ang placental abruption at gaano ito kapanganib sa iyong pagbubuntis?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!