Hindi basta lamang nangyayari ang isang maayos na pagsasama. Nangangailangan ito ng pagsusumikap, lubos na pag-ibig at maraming pasensya. Sa parehong paraan rin hindi basta lamang nagiging mabuting mister ang isang lalaki sa isang pagsasama.
Hindi sapat ang siyensiya o kaya naman mga self-help na mga aklat para makatulong sa kanya kung hindi nila nanaisin na maging mabuti. Kaya naman para sa mga mister na gustog maging best para sa kanilang mga misis, narito ang mga “pag-kakamali” na kailanan n’yong iwasan, hatid ng Family Share.
1. Hindi pakikinig
Ang mga mabubuting mister ay marunong making at makinig ng mabuti. Ang pagtatalo ng mga mag-asawa ay karaniwang nagmumula sa hindi pagkakaunawan dahil pakiramdam ng isa ay hindi siya pinakikinggan. Ayon sa ilang mga misis, “kailangan pa nilang magmakaawa para sa atensiyon ng kanilang asawa,” ayon kay Dr. Vikki Stark of Psychology Today. Kaya naman ang pakikinig ng hindi sumasabat o kaya naman ay nanghuhusga ay isa sa mga pinakamabubuting pag-uugali ng isang mabuting mister.
2. Hindi pagtulong sa mga gawaing bahay
Simple pero mahalaga. Alam ng mga mabubuting asawa ang halaga ng simpleng pag tulong sa gawaing bahay. Ang pagtulong sa mga gawaing bahay ay nagpapakita rin kung gaano kagaling ang isang lalaki sa pag-ako ng responsibilidad para sa kanilang pagsasama ng kanyang misis at pati narin sa kanilang pamilya.
3. Hindi pagiging maginoo
Hindi dapay hinahayaang matigil ang pagiging maginoo ng isang lalaki sa kanyang misis kahit pa sila ay matagal ng magkasama. Hindi lamang ito nasusukat sa pagbubukas ng pinto para sa kanila, kundi ang pagiging sensitibo sa kanilang mga damdamin. Ang simpleng pag-aalaga sa kanila ay paraan din para maiparamdam sa kanila na sila ay inyong ginagalang.
photo: Pixabay
4. Pinagtatawanan ang kanyang misis
May kakaiba ang pagiging palabiro o pagbibiro sa pagiging alaskador o pangungutya. Hindi kaiangang palaging seryoso ang inyong pagsasama ng inyong misis ngunit hindi naman ito dapat umabot sa puntong sila ay mapapahiya o masasaktan sa inyong pang-aasar.
5. Hindi pag-aalaga sa kanilang anak
Ang isang lalaki na hindi nag-aalala sa kanilang anak at nag-iisip na sapat na ang susteno para magampanan ang kanyang pagiging magulang ay nangangailangan muling pag-isipan ang kanyang mga prayoridad. Mahalagang matugunan ang mga pangangailangan ng inyong pamilya, ngunit hindi lamang dapat ito tungkol sa pangangailangang pinansiyal o materiyal kundi na in sa pagbibigay ng oras sa kanila.
6. Inuuna nila ang kanilang pansariling pangangailangan
Inuuna ng mga mabubuting padre-de-pamilya ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Sila ay mapagmahal, kalmado at mabuti ang pagiisipi at kalooban, kaya namant tinitiyak nila ang pagbibigay ng kaligayahan sa kanilang mga misis at mga anak.
Ang article na ito ay unang isinulat sa ingles ni Bianchi Mendoza.
READ: 7 Things that husbands wish their wives would stop doing
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!