Sa kasalukuyang panahon, isa na sa nagiging mediated trend sa mga Pilipino ang pagpasok sa isang relationship. Sa pagiging in a relationship, maraming nagte-trend din na do’s and don’ts upang maiwasan ang masaktan at makaranas ng trauma. Applicable din ang mga ganitong mga senaryo kahit sa mag-asawa.
Maliban sa ang relasyon ay bahagi ng social na aspekto ng bawat tao, ito rin ay bahagi ng emotional at mental aspect. May paglalaan ng effort at energy na hindi lang physically kundi maging mentally.
Para i-adopt ang matandang kasabihan na ang relasyon ay “hindi mainit na kanin na kapag napaso ay pwedeng iluwa”, may mga dapat ding i-consider bago maging in a relationship.
Katulad na lamang ng management ng emosyon ng fiance or fiancee, at kung paano sila makitungo. Maging ang status ng kanilang mental health.
Ngunit, paano kung ang advice ng mga expert na sa toxic na relasyon, ito na ang senyales ng mental health problem at dysfunction?
Toxic na relationship
imahe mula sa | pexels.com
Ayon sa mga mental health professionals, maari nang i-label na disorder, sa listahan ng mental health problems, ang toxic na relationship. Dagdag din ni Michael First, M.D. ng Columbia University, ang interaction na meron sa relasyon ay maituturing na dysfunction.
Mula sa narebyung tala ng Psychology Today sa naisulat ni Dr. First, wala sa mismong individual na tao ang disorder. Ang toxic relationship mismo ang problema.
Advice sa toxic na relasyon
Imahe mula sa | pexels.com
Bagaman bagong paradigm ito para sa mga psychiatrist at ibang mental experts, pinabulaan naman ni Steven Hyman konspetong ito. Mas malalaman ang problema kung i-cocontextualize ang disorder sa mga tao, hindi sa toxic na relasyon.
Problematic din ang label na ito lalo na sa child and spousal abuse. Ipinagpapareho lamang ng konsepto ni First ang abused sa kanyang abuser.
Batay sa kanila, may mga kailangan pang linawin sa pagbibigay ng label na disorder ang interaction o toxic na relationship.
Tandaan
Imahe mula sa | pexels.com
Ang mga ganitong sitwasyon, kahit sa simpleng boyfriend-girlfriend relationship ay nakakabahala. Kung napapansin na pareho nang nagiging toxic, o may tendency at senyales ang isa na makapanakit verbally o physically, magpakonsulta sa expert.
Ipagbigay alam din agad sa inyong guardian o parents, maging sa awtoridad upang magabayan kayo sa ganitong relasyon, lalo na kung nangyari na ang pang-aabuso.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!