Naging emosyonal si Alfred Vargas sa graduation ng kanyang anak kay Yasmine Espiritu-Vargas.
Alfred Vargas, proud na ibinahagi ang graduate na anak
Proud na shinare ng aktor ang pagtatapos ng kanyang anak na si Aryana Cassandra.
“Congratulations our sweet, beautiful, strong, talented, and smart Aryana.” caption ng aktor sa kanyang social media account.
Ayon kay actor-public servant, Alfred Vargas kahit na busy siya sa showbiz at pagiging konsehal ay pinaglalaanan niya ng panahon ang kanyang pamilya lalo na sa tatlo niyang anak.
Kaya naman ang regalo ng konsehal sa kanyang anak na nagtapos ng elementary sa OB Montessori ay trip to Korea. Matagal na raw kasi itong pangarap ng anak kaya naman ay sinupresa ng mag-asawa.
Inamin din ng aktor na siya ang mas istrikto kesa sa asawa. Siya daw kasi ay overprotective sa kanyang anak na babae.
“And I am an overprotective dad to my two pretty daughters. Ngayon pa lang kinakabahan na ko pa-dalaga na sila,” pahayag ng konsehal.
Lalo na ngayon, junior high school si Aryana ay kinakabahan ang konsehal dahil pa-dalaga na ang anak.
Pinagmamalaki niya ang kanyang pamilya dahil ito ang pinaka mahalaga sa kanyang buhay. |Larawan mula sa Instagram ni Alfred Vargas
Bukod kay Aryana, may dalawa pang anak si Alfred, si Alexadra at Alfredo IV.
Sa ngayon ay nagtetaping ang aktor para sa series na “AraBella” ng GMA. Habang pinagsasabay ang kanyang trabaho sa 5th district ng Quezon City.
Nag-aaral rin si Alfred kahit ang kanyang busy schedule. Kumukuha ito ng kanyang PhD in urban planning. Sa kabila ng kanyang sobrang busy na pag-tratrabaho ay naglalaan pa rin siya ng oras para sa kanyang pamilya.
Laking pasalamat nga daw niya sa kanyang mga kasamahan dahil magagaling at masisipag ito. Mas nababawasan ang kanyang trabaho dahil sa kanyang staff.
“Saka, halimbawa, kung sa office, swerte ako, magagaling mga staff ko saka masisipag, so nababawasan trabaho ko.” pagkuwekuwento ni Alfred.
Kahit busy sa opisina at sa pag-arte, may time pa rin siya para sa pamilya. | Larawan mula sa Instagram ni Alfred Vargas.
Dagdag pa niya, “Pag-uwi ko naman ng bahay, si misis, inaasikaso na lahat.”
Pagdating naman niya sa quality time with family, naka schedule pa rin daw. Pag busy kasing tao ay kahit yung personal time ay naka schedule na rin.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!