TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

2-taong gulang na bata, sinagip ang kaniyang ina gamit ang FaceTime app

3 min read
2-taong gulang na bata, sinagip ang kaniyang ina gamit ang FaceTime app

Gamit ang app na FaceTime, sinagip ng isang 2-taong gulang na bata ang kaniyang inang nagkaroon ng allergic reaction sa gamot.

Isang 2-taong gulang na bata ang sinagip ang kaniyang ina matapos itong magkaroon ng allergic reaction sa ininom na gamot. Ating alamin kung paano niya ito nagawa, at kung paano nakatulong ang mabilis niyang pag-iisip para masagip ang kaniyang ina.

2-taong gulang na bata, sinagip ang kaniyang inang nagkaroon ng allergic reaction

Ayon sa ulat, magkasama raw ang batang si Esmé Hawkins at ang kaniyang inang si Jasmine Pounsberry sa kanilang tahanan sa Devon, United Kingdom.

Mayroong ear infection ang ina ni Esmé kaya’t uminom raw ito ng codeine na isang pain killer. Ngunit mayroon palang allergy dito si Jasmine, kaya’t bigla na lang daw siyang nahimatay at nabagok ang ulo sa sahig.

Nakita na lang ni Esmé ang ina na walang malay sa sahig. Dali-dali niyang kinuha ang cellphone ng ina, at ginamit ang FaceTime app upang tumawag sa isang kaibigan ng kaniyang ina na si Jess Decént.

Sinabi ni Esmé sa kaibigan ng kaniyang ina na natutulog raw ito, at nabagok ang ulo. Matapos marinig ang sinabi ng bata, tumawag ng paramedics si Jess para tulungan ang kaniyang kaibigan.

Nang makarating ang mga paramedics sa tahanan ng mag-ina, nakita nilang binalutan pala ni Esmé ng kumot ang kaniyang ina. Sinabihan rin daw niya ang mga paramedics na pagaling ang kaniyang ina.

Sa kabutihang palad, nasagip ng mga paramedic si Jasmine, at mabuti na ang kaniyang kalagayan.

Ayon kay Jasmine, mas naging maalalahanin raw si Esmé simula nang mangyari ang insidente. Bukod dito, sinabi rin ni Esmé na gusto raw niyang maging doktor, dahil sinagip ng mga doktor ang kaniyang ina.

allergic reaction sa gamot

Si Esmé at ang kaniyang inang si Jasmine matapos ang nangyaring insidente. | Source: Devonlive.com/ Ryan Hawkins

Mag-ingat sa mga iniinom na gamot!

Mahalaga para sa ating lahat, bata man o matanda, na malaman kung anu-ano ang ating mga allergies. Ito ay dahil bukod sa mga food allergies, posible ring magkaroon ng allergy sa mga gamot.

Importanteng malaman ito upang makaiwas tayo sa mga gamot o kemikal na posibleng maging sanhi ng allergic reaction. Ito ay puwedeng malaman ng mga doktor sa pamamagitan ng isang allergy test.

Sa isang allergy test, sinusuri ng mga espesyalista ang epekto ng iba’t-ibang mga kemikal sa ating balat upang malaman nila kung ano ang sanhi ng allergy. Mabilis lamang ang prosesong ito, at makakatulong upang makaiwas sa allergic reactions.

Mahalaga rin sa mga magulang na palagin basahin ang mga label at instruction sa gamot ng kanilang mga anak. Ito ay upang makita nilang mabuti kung mayroon ba itong side effects, o kaya kung dapat itong iwasan ng mga batang may mga allergy.

Maganda rin kung humingi sa iyong doktor ng mga alternatibong gamot na mas safe at hindi magiging sanhi ng allergic reaction.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development

 

Source: AJC

Basahin: Babae naging ganito ang mukha dahil sa severe allergy sa hair dye

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 2-taong gulang na bata, sinagip ang kaniyang ina gamit ang FaceTime app
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko