X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Why Angeline Quinto doesn't want his son Sylvio to enter showbiz

4 min read
Why Angeline Quinto doesn't want his son Sylvio to enter showbiz

Angeline Quinto naaalala ang mga payo ng kaniyang adoptive mother ngayong isa na rin siyang ganap na ina.

Ngayong may anak na ang singer na si Angeline Quinto, ayaw niya raw muna rin itong ipasok sa showbiz. Alamin dito kung anong dahilan ng singer

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Tungkol sa posibleng pagpasok sa showbiz ng kaniyang anak
  • Angeline Quinto aalagaan ang anak tulad ng pag-aalaga ni Mama Bob
angeline quinto mothers day

Larawan mula sa Instagram ni Angeline Quinto

Tungkol sa posibleng pagpasok sa showbiz ng kaniyang anak

Labis na kasiyahan ang dinala ng singer na si Angeline Quinto sa kanyang fans at followers nang tagumpay niyang naisilang ang kanyang first baby na si Sylvio sa pamamagitan ng Caesarean delivery. Healthy naman sila both ng kaniyang anak kaya nga sa ngayon ay balik showbiz at trabaho na rin ang singer mula sa pagpapahinga dahil buntis siya.

Sa isang bagong video na uploaded niya na ‘Mommy Pamper + Answering IG questions’ sa kanyang YouTube channel ay sinagot niya ang ilang mga tanong ng fans tungkol sa kaniyang buhay. Isa sa kaniyang sinagot ay kung may balak ba siyang ipasok din ang anak niya sa parehong larangan na naroon siya — ang showbiz.

“Kung sakali pong gusto ni Baby Sylvio na pumasok sa showbiz, papayagan niyo po ba at bakit?”

Tanong ng isang follower ni Angeline Quinto.

Para kay Angeline Quinto, ayaw niya raw muna ito ipasok dahil saksi siya mula sa personal na karanasan kung gaano nga ba kahirap ang buhay sa loob ng showbiz. Ayaw niya rin kasing maranasan ng anak ang parehong hirap na naranasan niya sa larangang ito,

“Kung ako ‘yung tatanungin ngayon? Baka pwedeng huwag na lang muna kasi alam ko po kung gaano na kahirap ang buhay sa mundo ng showbiz. Alam na alam ko kung gaano kahirap.”

angeline quinto son

Larawan mula sa Instagram account ni Angeline Quinto

Sa kabila ng pagtanggi ni Angeline Quinto na ipasok ang anak sa showbiz, bukas pa rin naman daw siya kung sakaling ito talaga ang gusto ni baby Sylvio na ito ang tahakin. Ang tanging gagawin lamang niya ay suportahan at gabayan ang anak sa mga kailangan i-expect sa buhay artista.

“Siguro later on kung ‘yon talaga gusto ng anak ko. Siguro baka pwedeng i-guide ko na lang siya ng mga pwedeng alam mo ‘yong pwedeng mangyari. Ano ‘yong pwede niya harapin sa buhay ng showbiz. Parang huwag muna po.” 

Sa ngayon ay nagpapalakas na muli si Angeline Quinto upang magtuloy-tuloy muli sa pagtatrabaho. Mapapanood na muli siya sa telebisyon at nagpe-perform na rin sa stage.

BASAHIN:

Angeline Quinto sa pagiging first time mom: “May mga pagkakataon na bigla akong iiyak, ‘di ko alam anong dahilan.”

LOOK: Jennylyn Mercado and Dennis Trillo finally shows the face of Baby Dylan!

Joem Bascon sa relasyon niya sa eldest son ni Meryll Soriano: “Masaya kami ni Eli. We get to learn from each other.”

Angeline Quinto aalagaan ang anak tulad ng pag-aalaga ni Mama Bob

Marami ang naku-curious kung paano nga ba ang magiging parenting style ng singer na si Angeline Quinto lalo ngayon na siya ay first time mom. Sinagot niya ang tanong na ito sa pamamagitan ng pagbabahagi sa isang advice na iniwan sa kanya ng adoptive mother niyang si Mama Bob.

Pagbabalik-tanaw ni Angeline, pinayuhan pa raw siya nito na huwag iwanan parati ang kanyang anak dahil alam ni Mama Bob na madalas siyang umaais nang umalis.

“Sinasabi niya sa akin palagi na kapag nagka-anak daw ako, huwag ko daw iwan-iwan. Kasi alam ni Mama Bob kung saan-saan ako rumarampa.”

angeline quinto mama bob

Larawan mula sa Instagram account ni Angeline Quinto

Hindi niya rin daw malilimutan na isa sa iniwang pagpapaalala ng kanyang ina, ay mag-iiba raw ang mundo niya kung sakaling lumabas na si Baby Sylvio. Pagbabahagi pa niya sa ngayon daw ay halos hindi na niya iniisip ang sarili dahil ang anak na niya ang laging priority sa lahat ng gagawin niya.

“Ang pinakanaalala ko rin kay Mama Bob, na kapag nagkaanak ako talaga daw mag-iiba ang mundo ko. Ayun ang lagi ko naririnig kay mama, ‘Kapag nagkaanak ka mag-iiba ‘yung mundo mo, makakalimutan mo ‘yung sarili mo.'”

“Which is totoo po, talagang nag-iba mundo ko nang dumating ang anak ko sa buhay ko, dumating si Sylvio.  Hindi mo na naiisip kung ano ‘yong para sa sarili mo kundi kung ano ‘yong para sa kanya lahat.”

Dagdag pa ni Angeline, ngayong ina na raw siya ay mas naa-appreciate niya ang oras dahil noon daw ay kung saan-saan nga siya pumupunta kasama ang kanyang mga kaibigan. Mas nakikita pa raw niya ngayon ang halaga ng oras lalo na sa pag-aalaga ng kanyang anak.

“Hindi lang pala pera ang kailangan tipirin, pati oras kasi para sa sarili ko, paano ko maalagaan ‘yung anak ko kung ang oras ko ay hindi balanse? Kung lahat para sa ibang bagay?”

YouTube

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Why Angeline Quinto doesn't want his son Sylvio to enter showbiz
Share:
  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.