Anti-coronavirus bouquet? Bagong klase ng bouquet na ang gustong matanggap ng mga girls ngayong Valentine’s Day.
Anti-coronavirus bouquet
Valentine’s day na naman! Nakatanggap ka na ba ng bouquet of flowers mula sa iyong partner? O isa ka rin sa mga babaeng mas gustong makatanggap ng hit na hit ngayong anti-coronavirus bouquet?
Oo mayroong anti-coronavirus bouquet ang patok na patok sa mga netizens ngayon. Lalo pa’t patuloy na nagiging banta sa ating mga Pilipino ang pagkalat ng sakit na COVID-19 o coronavirus disease.
Nakakaaliw naman kasi talaga itong anti-coronavirus bouquet na pakulo ng isang Facebook user na si Rigel Thomas, na isa ring vlogger mula Cebu.
Sa kanyang post noong January 30 ay sinabi ni Thomas na siya ay mamimigay ng anti-coronavirus bouquet sa 5 na babae. Laman ng bouquet ay anti-bacterial soap, alcohol, hand-sanitizer at face mask. Ito ay para masiguro niyang safe, healthy and virus-free ang kanilang Valentine’s day.
Reaksyon ng mga netizens sa anti-coronavirus bouquet
Ang post ni Thomas, hindi lang ikinakilig ng mga netizens. Kung hindi ikinatuwa pa nila dahil kailangang-kailangan daw nila nito ngayon. Lalo pa’t isa sa laman ng bouquet ay face mask na nagkakaubusan na sa mga pamilihan.
“Sana oil. kay gamit kau nakong alcohol dah! hahhaa Kyaaaaa. panghatag paras akong bebe ghorl ❤ need to sanitize my hands when touching the baby! Aweee thankyou”
“Cebu based here 😂😂 in need of thos anti-nCoV stuffs you have there hahahahaha”
“Sweet and gentleman as always. That’s what we really need. ❤❤❤”
Ang post na ito ni Thomas ay nai-share na ng higit sa 5,300 times. At sa halagang P600 kada bouquet ay hindi lang limang babae sa Cebu ang napasaya niya ngayong Valentine’s day. Dahil nagka-ideya rin ang mga netizens sa kung anong ibibigay nila sa kanilang mga partners ngayong Araw ng mga Puso.
Perfect gift para kay partner ngayong Valentine’s day na hindi mo kailangang bilhin
Ikaw ba ay may inihanda ng gift para sa iyong partner? Huwag mag-alala dahil may mga regalong puwede mong ibigay sa kanya na hindi mo kailangang bilhin. Ang kailangan mo lang ay konting effort para maiparamdam sa kanya ang iyong sincerity at pagmamahal.
Ilan sa mga bagay na puwede mong gawin para sa kaniya ngayong Araw ng mga Puso ay ang sumusunod:
1. Ipagluto siya ng simple ngunit ispesyal na putahe at sabay kayong kumain.
Hindi mo kailangang bumili ng mahal na karne o seafood para gawin ito. Kahit simpleng putahe lang na may kalakip na mensahe mula sayo ay siguradong maappreciate na ng iyong partner. Higit sa lahat mas magiging espesyal ito kung sabay kayong kakain at aalalahanin ang inyong pinagdaanan noong kayo ay nagsisimula palang bilang isang couple.
2. Magsulat o gawan siya ng appreciation card.
Ito ang isa sa mga regalong hinding-hindi mawawala sa uso. Dahil sa pamamagitan nito ay nasasabi mo sa isang tao ang kaniyang kahalagahan. Habang binibigyan siya ng oras na alalahanin sa kaniyang isipan ang pinagsamahan ninyo. At pagka-ingatan sa kaniyang puso ang pagmamahal at pag-aalalang ibinibigay mo.
3. Masahiin siya.
Wala ng mas relaxing pa sa isang masahe pagkatapos ng nakakapagod na araw sa pagtratrabaho. At syempre mas magiging espesyal ito kung ang kamay na humahaplos sayo ay ang kamay ng mahal mo. Kaya naman ibsan ang sakit ng katawan ng iyong partner. At iparamdam sa kaniya ang iyong pagmamahal ngayong araw ng mga puso sa pamamagitan ng pagmamasahe.
4. Manood kayo ng movie na magkatabi.
Ang panonood ng movie ay hindi kailangang gawin sa labas. Maari ninyo itong gawin sa inyong bahay. Gamit ang internet maghanap ng movies na pareho ninyong magugustuhan. Saka ito isalang sa inyong TV at manood ng magkatabi. Alalahanin ang isa sa mga bagay na inyong ginagawa noong kayo ay nagsisimula pa lang.
5. Bigyan siya ng espesyal na sexy time.
Aminin ninyo ang sexy time ang isa sa mga siguradong makakapagpasaya kay Mister. Pero hindi tulad ng nakasanayan ay lagyan ito ng special touch. Ito ay maaring sa pamamagitan ng paglalagay ng konting dance o song number bago simulan. O kaya naman ay tanungin siya sa kung anong bago ang gusto niyang subukan. Ngunit, dapat ay siguraduhing pareho kayong mag-ienjoy at maliligayahan ngayong Valentine’s day.
6. Kumustahin at kausapin siya.
Malamang ay napapansin mo ring tila kumukonti ang oras ninyo sa isa’t-isa. Lalo pa’t sa epekto ng teknolohiya ngayon ay imbis na mag-usap laging Facebook o hindi kaya naman paglalaro ng games ang ating pinagkakaabalahan. Kaya naman ngayong Araw ng mga Puso ay mag-break muna sa mga ito. At maglaan ng oras sa pakikipag-usap kay Mister na parang isang kaibigang handang makinig sa mga problema at mga bagay na nagpapabigat ng kalooban niya.
Gamit ang mga tips na ito ay bigyang kilig at kulay ang relasyon ninyo ni Mister ngayong Valentine’s day.
Basahin:
10 Reasons To Buy Fresh Flowers Online
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!