APAS o antiphospholipid antibody syndrome: Sanhi, sintomas, at lunas

Alamin kung ano ang antiphospholipid antibody syndrome o APAS, isang autoimmune disorder na nagdudulot ng pamumuo ng dugo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Alaman niyo mo ba kung ano ang APAS o antiphospholipid antibody syndrome? Ito ang mga bagay na kailangan mong malaman tungkol rito at ang epekto nito sa iyong pagbubuntis

Ano ang APAS? 

Ang APAS/APS 0 antiphospholipid antibody syndrome ay isang uri ng autoimmune disorder. Kung saan ang immune system ng katawan ay gumagawa ng antibodies na umaatake sa phospholipids, isang uri ng taba. Kung nangyayari ito, nada-damage ang cells na nagdudulot ng pamumuo ng dugo o blood clots sa ating ugat.

Karaniwan ang magkaroon ng blood clot, dahil tumutulong ito upang magsara ang maliliit na sugat o hiwa sa blood vessel walls. Ito ay paraang ng katawan upang maiwasang mawalan ng maraming dugo.

Ngunit sa APAS, maraming blood clots ang maaaring mabuo at mahaharang nito ang pagdaloy ng dugo sa importanteng parte ng ating katawan.

Ang APAS ay maaaring mauwi sa delikadong blood clots sa puso, kidneys, baga, at utak, na nakamamatay.

Sa mga buntis na may APAS, nanganganib silang makunan o mauwi sa stillbirth. Maaari ring mapaaga ang panganganak dahil sa eclampsia.

Ano ang mga sintomas ng APAS? 

Ano ang apas? | Larawan mula sa Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kabilang sa sintomas ng antiphospholipid syndrome ay ang mga sumusunod: 

  • Blood clots sa legs (deep vein thrombosis o DVT).

Ang mga tanda ng DVT ay pananakit, pamamaga, at pamumula. Ang clots na ito ay maaaring umakyat sa iyong baga (pulmonary embolism).

Ang iba pang komplikasyon sa nagbubuntis ay delikadong high blood pressure (preeclampsia) at premature delivery.

Ayon sa mga pananaliksik, ang maliliit na blood clots ay bumabara sa placenta ng isang buntis na mayroong antiphospholipid syndrome. Ang blood clot na iyon ay hinaharangan ang pagdaan ng mga nutrients papunta sa baby at nagdudulot ng miscarriage.

Maaaring magkaroon ng stroke kahit ang bata na mayroong APAS kahit walang risk factors para sa cardiovascular diseases.

  • Transient ischemic attack (TIA).

Para itong stroke. Ang TIA ay kadalasang tumatagal lamang ng ilang minuto at walang permanent damage.

May mga taong nagkakaroon ng mapulang rash na ang itsura ay parang lace o net.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Pagkakaroon ng mababang level ng blood platelets.

  • Anemia. Pagliit ng bilang ng red blood cells sa katawan.

  • Livedo reticularis. Pagkakaroon ng lace-like reddish o purplish pattern sa balat.

  • Pagkakaroon ng abnormalities sa heart valve.

Mayroong ding mga sintomas na hindi kasindalas makita sa pasyenteng may APAS tulad ng:

  • Neurological symptoms

Tulad ng palaging pagsakit ng ulo kabilang na ang migraine; ang dementia at seizures ay posible rin kung nababarahan ng blood clot ang pagdaloy ng dugo sa ibang parte ng utak

  • Cardiovascular disease.

Maaaring masira ng antiphospholipid syndrome ang mga valve sa puso.

  • Pagdurugo.

May ilan na bumababa ang blood cells na kailangan upang magclot ang dugo. Nagreresulta ito sa pagdurugo, partikular na sa ilong at gilagid. Maaari ring mag-bleed sa balat, na ang itusra ay patches o maliliit na red spots.

  • Problema sa pagbalanse at pagkilos


  • May problema sa paningin. Tulad na lamang ng double vision o pagkaduling. 

  • Problema sa pananalita. Pati na rin  sa memorya.

  •  Fatigue. Pakiramdam ng sobrang pagkapagod.

  • Migraines.

  • Paulit-ulit at sobrang pananakit ng ulo.

Kailan pupunta sa doktor?

Makipagkita sa doktor kung may:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Hindi maipaliwanag na pagdurugo ng ilong o gilagid
  • Hindi maipaliwanag na malakas na buwanang dalaw
  • Suka na matingkad na pula o parang coffee grounds
  • Nangingitim o matingkad na pulang dumi
  • Hindi maipaliwanag na sakit ng tiyan

Humanap ng agarang lunas kung may sintomas ng

  • Stroke. Ang clot sa utak ay maaaring magdulot ng pamamanhid, panghihina o pagka-paralisa ng mukha, braso, o binti. Maaaring mahirapan sa pagsasalita o pag-intindi dito, diperensya sa paningin, o matinding sakit ng ulo.
  • Pulmonary embolism. Kung mamuo ang dugo sa baga, maaaring mahirapan sa paghinga, sumakit ang dibdib, at sumuka ng may halong dugo.
  • Deep vein thrombosis (DVT). Pamamaga, pamumula, at pananakit ng braso o binti.

Ano ang APAS? | Larawan mula sa iStock

Mga sintomas ng  blood clots

Mainam din na malaman ang mga sintomas ng pagkakaroon ng blood clots upang makahingi agad ng tulong kapag kinailangan.

Kung ikaw ay mayroong blood clots, maaari mong makita ang mga sintomas na ito sa iyong braso at binti:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Pumipintig o namumulikat na pananakit
  • Pamamaga
  • Pamumula
  • Pag-iinit

Kung ang blod clot naman ay nasa iyong baga, ikaw ay makakaramdam ng:

Kung sakaling ikaw ay magkaroon ng anumang sintomas na ito, magpakonsulta agad sa doktor.

Ano ang sanhi ng APAS?

Ang antibodies ay kadalasang pinoprotektahan ang ating katawan laban sa virus at bacteria. Ngunit ang APAS ay nangyayari kung ang immune system ay nagkakamali ng paggawa ng antibodies na siyang nagdaragdag ng tiyansang magkaroon ng blood clot sa katawan.

Minsan, ang sanhi ng APAS ay maaaring iba pang underlying condition tulad ng ibang autoimmune disorder, impeksyon, o partikular na gamot.  

Maaari ring magkaroon ng APAS ng walang underlying cause.

Risk Factors

Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Kasarian. Mas madalas magkaroong ng APAS ang mga babae kaysa lalake.
  • Immune system disorders. Ang pagkakaroon ng iba pang autoimmune condition tulad ng lupus o Sjogren’s syndrome, ay nakakadagdag sa tiyansa ng pagkakaroon ng APAS.
  • Impeksyon. Mas madalas ang kondisyon na ito sa may mga impeksyon tulad ng syphilis, HIV/AIDS, hepatitis C, o Lyme disease.
  • Medications. May mga gamot na nali-link sa APAS, tulad ng hydralazine para sa high blood pressure, quinidine para sa pag-regulate ng tibok ng puso, phenytoin na anti-seizure, at antibiotic na amoxicillin.
  • Family history. Mas mataas ang tiyansang magkaroon nito kung meron sa pamilya ang nagkaroon na.

May mga environmental factors din ang tinitignan na maaaring kailanganin upang ma-trigger upang lumabas ang APS sa isang tao.

Ilan sa mga environmental factors na ito ay kinabibilangan ng:

  • Viral infections. Tulad ng cytomegalovirus (CMV), isang virus na nauugnay sa herpes virus na nagdudulot ng cold sores at chickenpox.
  • Bacterial infections. Tulad ng E. Coli (mikrobyo na kaugnay sa food poisoning) o leptospirosis (impeksyon na pinapakalat ng ilang uri ng hayop)

Ilang medications. Tulad ng anti-epileptic medicine o oral contraceptive pills.

Posibleng magkaroon ng antibodies na may kaugnayan sa antiphospholipid antibody syndrome ngunit hindi magkaroon ng sintomas.

Subalit, ang pagkakaroon ng antibodies na ito ay nakakataas ng tiyansang magkaroon ng blood clot lalo na kung ikaw ay:

  • Buntis
  • Naging immobile nang matagal gaya ng bed rest o pag-upo sa mahabang flight
  • Naoperahan
  • Naninigarilyo
  • Umiinom ng oral contraceptives o nag-e-estrogen therapy kung menopause
  • May mataas na levels ng cholesterol at triglycerides

Ang isa pang teorya ay karamihan sa mga tao na mayroong abnormal antiphospholipid antibodies ay natutuloy ang pag-develo ng APAS kapag high risk sa pagkakaroon ng blood clots.

Halimbawa nito, kapag ikaw ay:

Ngunit hindi maipaliwanag kung ang mga bata at matanda na walang kahit anong risk factors ay maaaring maka-develop ng APAS.

Komplikasyon

Depende sa kung anong organ sa katawan ang apektao ng blood clot at gaano kalala ang bara ng dugo, maaaring mauwi sa pagkasira ng katawan o kamatayan ang antiphospholipid syndrome. Kabilang sa mga komplikasyon ay:

Bagaman madalang mangyari, posibleng mauwi sa pagkasira ng multiple organs ang paulit-ulit na pamumuo ng dugo sa maikling panahon.

Catasthropic antiphospholipid syndrome

Ang catasthropic antiphospholipid syndrome (CAPS) ay isa sa mga komplikasyon ng APAS na bihirang mangyari ngunit seryosong komplikasyon. Ito ay nangyayari sa mas mababa sa 1% ng mga taong may APAS.

Sa mga taong nagkaroon ng CAPS, ang mga blood clots ay nabubuo sa buong katawan, at nagdudulot ng multiple organ failure.

Hindi man malinaw kung ano ang nagiging sanhi nito, ngunit sa isang kaso lima ang nagkakaroon nito matapos ang isang impeksyon, trauma, o surgery.

Malawak ang mga unang sintomas nito, depende sa apektadong organ. Ilan sa mga sintomas ay:

  • Pagbaba nang supply ng dugo sa mga kuko sa kamay at paa, dahilan para magkulay itim o dark blue ito
  • Namamagang ankles, paa o kamay
  • Pagdalas o pagtaas ng paghirap sa paghinga
  • Pananakit ng tiyan
  • Dugo sa ihi
  • Pagkalito o pagkalimot
  • Seizures
  • Coma

Ang mga sintomas na ito ay maaaring lumabas nang biglaan at mabilis ang paglala.

Problema sa pagbubuntis

Ang mga kababaihan na mayroong APAS ay mayroong mas mataas na tiyansa na magkaroon ng komplikasyon sa pagbubuntis, partikular na kapag hindi ito naagapan at nagamot.

Ilan sa mga posibleng komplikasyon ay:

  • Miscarriages. Paulit-ulit (3 o higit pa) na pagkalaglag ng baby, kadalasan itong nangyayari habang nasa unang sampung linggo ng pagbubuntis.
  •  Late miscarriages. Isa o higit pang pagkalaglag ng baby, na nangyayari kadalasan matapos ang unang sampung linggo ng pagbubuntis
  • Premature birth. Kadalasan itong nangyayari sa o bago ang ika-34 na linggo ng pagbubuntis, maaaring dulot ng pre-eclampsia (ito ay nangyayari kapag ang isang babae ay nagkakaroon ng mataas na blood pressure habang buntis)

Lunas

Kung mayroon kang blood clots, karaniwang reresetahan ka ng blood-thinning medications, katulad ng heparin at warfarin.

Kung umiinom ng pampalabnaw ng dugo, mas mataas ang tiyansang ikaw ay duguin. Kailangang i-monitor ang dosage ng gamot batay sa blood tests upang masigurong hindi sobrang labnaw ng dugo at maaari pa itong mamuo upang mahinto ang pagdurugo ng sugat.

Para naman sa mga taong may antiphospholipid syndrome na nagkaroon ng blood clot sa artery ay pinaiinom ng aspirin upang maiwasan ang blood clots.

Lifestyle at home remedies

Maaaring baguhin ang iyong lifestyle upang maalagaan ang iyong kalusugan. Kung umiinom ng blood-thinning medications, mas lalong maging maingat upang hindi masugatan ang iyong sarili.

Bantayan din ang iyong pagkain dahil nakakaapekto ito sa bisa ng blood-thinning medications. Baka kailanganing umiwas sa mga pagkaing rich in Vitamin K.

Ilan sa mga epektibong lifestyle changes na maaari mong gawin upang mapababa ang risk ng pagkakaroon ng blood clots ay:

Larawan mula sa Pexels

  • Pagtigil sa paninigarilyo
  • Pagkain ng masustansya at balanced diet – mababa sa fats at sugar at naglalaman ng maraming prutas at gulay
  • Regular na pag-eehersisyo
  • Pagpapanatili ng malusog na pangangatawan, tamang timbang o pagbabawas ng timbang kapag ikaw ay obese (mainam na magkaroon ng body mass index na 30 o higit pa).

Kung ikaw ay umiinom ng blood-thinning medications, lalong ingatan ang sarili upang maiwasan ang pagkakaroon ng sugat at pagdurugo.

  •  Iwasan ang contact sports o mga aktibidad na maaaring magdulot ng mga sugat o pagkabagsak.
  • Gumamit ng malambot na toothbrush at waxed floss.
  •  Mag-shave gamit ang electric razor.
  •  Magdoble ingat kapag gumagamit ng kutsilyo, gunting, o anumang matatalas na bagay
  •  Ang mga babae ay dapat umiwas sa paggamit ng estrogen therapy bilang contraception o menopause.

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Romy Peña Cruz