Bilang mommy, mapapatanong ka na lang talaga ng “Bakit kumakain ng sariling dumi ang sanggol?”. Malamang kasi, na-experience mo nang makakain aksidente si baby ng poop nito. Ang tanong, anong ginawa mo?
Eww! Kumain ng tae ang anak ko, anong gagawin ko?
Normal na sa mga bata ang dumampot ng mga bagay na matitipuhan nilang kunin. Pagkahawak, automatic ito na didiretso sa kanilang bibig para isubo. Kaya naman pinapayuhan ang mga magulang na itaas o ilayo lahat ng mga gamit na maaring maabot ni baby lalo na kung nagsisimula na itong maglakad. Delikado kasi ito lalo na kapag nakahawak sila ng matulis at delikadong bagay katulad ng mga electric outlet o ballpen.
Bakit kumakain ng dumi ang sanggol? | Image from Unsplash
Nakakain ng sariling dumi si baby? Narito ang kailangan mong gawin
Bukod pa rito, naging parte na ng bawat paglaki ng baby ang aksidenteng pagkain ng sarili nilang dumi. Bilang isang nanay, maaaring mag hysterical tayo kapag nakita nating nasa bibig na nila ito. Ang tanong, dapat nga bang matakot o ipangamba ang pagkain ng dumi ni baby?
Kadalasang naisusubo ng isang bata ay ang kanilang dumi, patay na insekto o iba pang nasa kusina o garden. Mahirap mang paniwalaan ngunit hindi ito delikado sa kanilang kalusugan (kung maliit lang ang amount na naisubo nila). Ang aksidenteng pagkain rin ng dumi ay makakatulong para maging matibay ang kanilang microbiomes. Ngunit hindi naman ibig sabihin nito ay okay nang kumain lagi si baby ng dumi. Ang kailangan lang ay ‘wag mag panic kung sakaling makakain ng dumi ang iyong anak.
Paano kapag nakakain ng kulangot ang anak mo? Katulad ng aksidenteng pagkain ng dumi, hindi dapat ipangamba dahil wala namang seryosong komplikasyon dito. Ngunit ‘wag na lang hayaan na masanay itong kumain ng kulangot. Tandaan, ang kulangot sa ilong ay isang dumi pa rin na kailangang malinis.
Paano kapag nakakain ng pet food ang anak mo? Napag-alaman rin na walang agarang komplikasyon kung sakaling makakain ng pet food ang anak mo. Ngunit mas maganda pa ring ilayo ito sa kaniya upang hindi na masundan pa. Ayon sa mga pag-aaral, ang pet food ay maaaring pagmulan ng salmonella outbreak. Tawagan agad ang iyong doctor kung sakaling makakita ng sintomas nito.
Bakit kumakain ng dumi ang sanggol? | Image from Unsplash
Bakit kumakain ng dumi ang sanggol: Iba pang pag-aaral
Sa iba namang pag-aaral, ang pagkain ng dumi ng tao o hayop ay maaaring pagmulan ng virus, bacteria o parasite. Ito ay kung madami ang amount na nakain mo o kaya naman ang isang maliit na butil na dumi ay naglalaman ng libo-libong bacteria.
Ang parasite na ito ay maaaring maging dahilan ng diarrhea at dehydration. Maaari ka ring makakuha ng Hepatitis A sa iyong atay. Habang ang rotavirus ay dahilan ng pagsusuka, mataas na lagnat at diarrhea ng isang tao.
Ano ang gagawin kapag nakakain ng dumi si baby?
Ayon sa Illinois Poison Center, kung sakaling makakain ng dumi ang iyong anak at walang sintomas na nakita rito, ito ay ‘minimally toxic’ lamang.
Ngunit kung napansin mong may kakaiba sa iyong anak at nagpapakita ito ng kakaibang sintomas, dalhin agad ito sa ospital para matignan. Narito ang kailangan mong tignan:
- Nakikitaan ng sintomas
- Malaking amount ng dumi ang nakain
- Nakakain ng unknown substance
Narito naman ang mga sintomas na dapat mong tignan:
- Pagkakaroon ng mataas na lagnat
- Pagsusuka
- Pagkahilo
- Pagdurumi
Bakit kumakain ng dumi ang sanggol? | Image from Unsplash
Hindi dahilan kung gaano kaliit ang dumi na nakain nila. ‘Wag gawing rason ito para pabayaan lang ang anak mo na makakain ng hindi dapat katulad ng dumi. Inaabiso na kung nagsisimula nang gumapang o maglakad ang iyong anak, panatilihin ang malinis na paligid at ilayo lahat ng maaaring maabot nito lalo na kung maliit na bagay na maaari nilang isubo.
Source:
Medical News Today
BASAHIN:
2 years old na bata patay matapos mabilaukan ng dahil sa lollipop
9 na maduduming bagay na araw-araw hinahawakan ng anak mo
9 tips upang maiwasan ang SIDS (Sudden Infant Death Syndrome)
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!