Nakakaranas ka ba ng matinding pananakit ng ulo o kaya naman matinding migraine kapag mayroong regla kada buwan? Alamin kung bakit masakit ang ulo kapag may regla at bakit nakakaranas ng migraine kapag may regla. Tuklasin din ang ilang tips para maibsan o maiwasan ito.
Ano ang menstrual migraine?
Ang menstrual migraine ay isang partikular na uri ng migraine na nangyayari na may kinalaman sa menstrual cycle ng kababaihan. Kadalasan itong nangyayari kapag malapit, habang, at pagkatapos ng regla ng isang babae.
Ang menstrual migraine ay kadalasang mas matinding pananakit ng ulo at mas tumatagal ito kaysa sa tipikal na migraine, kaya naman hindi kaaya-aya ito kapag mayroong buwanang dalaw ang isang babae.
Normal ba ang pagkakaroon ng menstrual migraine?
Oo, normal lamang ang pagkakaroon ng menstrual migraine. Hindi ito uncommon kapag may regla kundi karaniwan ito na nararansan ng kababaihan. Ayon sa mga mananaliksik nasa 60% ng mga babae na nakakaranas ng migraines ay naulat na mayroon din silang menstrual migraine.
Subalit, mahalagang maunawaan na kahit karaniwan ito hindi dapat ito kinukunsiderang normall na bahagi ng menstrual cycle ng isang babae. Ang pagkakaroon ng migraine habang may regla ay malaki ang epekto sa kalidad ng buhay ng isang babae. Kaya naman mahalagang ma-address ito.
Sino ang at risk sa pagkakaroon ng menstrual migraines?
May ilang mga factor ang maaaring makapagpataas ng tiyansa na makaranas ang isang babae ng menstrual migraine, ilang sa mga ito ay ang mga sumusunod:
- Hormonal fluctuations: Ang pagbabago ng hormones habang nasa menstrual cycle ay may mahalagang role sa pagkakaroon ng menstrual migraine. Ang mga babaeng sensitibo sa pagbabago ng kanilang hormones ay mas prone sa pagkakaroon ng menstrual migraines.
- May family history: Kung mayroon kayong family history ng migraines lalo na kapag ito’y nati-trigger ng pagbabago sa inyong hormones ay mas mataas ang tiyansa na makaranas ka rin nito.
- Edad: Ang pagkakaroon ng menstrual migraine ay kadalasan nagsisimula pagsapit ng late teens o kaya naman early twenties at mas nababawasan ito kapag tapos ng menopause.
- Iba pang migraine triggers: Kung ikaw ay may ibang migraine triggers kagaya ng stress, ilang mga pagkain, o sleep disturbances ay maaari sila mag-ambang sa pagbabago ng iyong hormones na mas nakakapagpataas ng tiyansa sa pagkakaroon ng menstrual migraines.
Sintomas ng migraine kapag may regla
Menstrual migraines share common symptoms with regular migraines but are distinguished by their timing in relation to your menstrual cycle. Symptoms can include:
- Intense Headache: A severe, throbbing headache that can last from a few hours to a few days.
- Nausea and Vomiting: Many women with menstrual migraines experience nausea and sometimes vomiting.
- Sensitivity to Light and Sound: Like typical migraines, sensitivity to light (photophobia) and sound (phonophobia) can be present.
- Aura: Some women may experience visual disturbances or an aura before the headache starts.
- Pain on One Side of the Head: While not always the case, menstrual migraines often affect one side of the head.
- Worsening with Physical Activity: The headache can worsen with routine physical activity.
Bakit sobrang masakit ang ulo kapag may regla?
Ang migraine kapag may regla ay mas matindi kaysa sa regular na migraine dahil sa hormonal fluctuations na dala ng menstrual cycle ng kababaihan. Ang pagbaba ng estrogen levels sa katawan ng babae habang may regla ay mas nakakapagpa-trigger sa mas matinding panananakit ng ulo. Dagdag pa rito, ang migraine kapag may regla ay mas tumatagal kaysa sa mga regular na migraine at mas pinapatindi nito ang pananakit ng ulo at discomfort.
Image Source: iStock
Paano mawawala ang migraine kapag may regla?
Paano mo mapapatigil ang pagkakaroon ng migraine kapag may regla?
May mga natural na pamamaraan para tumigil at mabawasan ang migraine kapag may regla. Kagaya na lamang ng aadjust sa mga kinain, pag-manage sa stress, pagtulog, at ilang mga herbal remedies. Dagdag pa rito, ang pagkakaroon at pag-maintain ng migraine diary ay makakatulong para matukoy mo kung ano ang mga partikular na triggers mo. Ang pagtukoy sa iyong migraine triggers ay makakatulong para maiwasan ito at mabawasan ang pagkakaroon ng migraine kapag may regla.
Kung ang mga natural na remedy na ito ay hindi nakakapagbigay ng ginahawa sa iyo, maaaring ikunsidera ang mga over-the-counter pain releivers kagaya ng ibuprofen o aspirin. Sa mas matinding kaso ng migraine kapag may regla, ang iyong health care provider ay maaaring mag-resete ng mga gamot na partikular na dinesenyo para maiwasan at magamot ang menstrual migraine. Kagaya na lamang ng, triptans, hormonal contraceptives, o preventive na medications.
Kailan dapat pumunta sa doktor para sa migraine kapag may regla?
Habang ang ilang natural na remedy ay maaaring epektibo para sa marami, mahalagang magpakonsulta sa doktor kapag nakakaranas ng mga sumusunod:
- Kung ang iyong migraine tuwing may regla ay mas madalas at mas matindi.
- Kapag ito’y nakakaapekto na sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay.
- Kung ang mga over-the-counter na gamot ay hindi nakakapagbigay ng ginhawa sa ‘yo.
- Kapag nakakaranas ka ng mga sintomas na neurological katulad ng visual disturbances, confusion, at slurred speech o pagkabulol.
Tandaan, ang menstrual mirgaine ay nagagamot at maraming mga pagpipiliang paraan o gamot para ma-manage mo ito.
Masakit na ulo kapag may regla vs. migraine kapag may regla – ano ang pagkakaiba?
Bakit nga ba masakit ang ulo kapag may regla at ano ang pagkakaiba nito sa menstrual migraine?
Ang pagkakaiba ng masakit na ulo kapag may regla at menstrual migraine ay magkaiba ito ng tindi at haba. Kahit na sa kabilang banda ay parehas sumasakit ang ulo dahil sa menstrual cycle.
Ang masakit na ulo kapag may regla ay kadalasang mas mild at mas maiksi lamang na maaaring dahilan ng hormonal na pagbabago, dehydration, at stress kapag may regla.
Sa kabilang banda, ang menstrual migraine naman ay mas matindi, pumipintig na sakit ng ulo na kaugnay ng hormonal fluctuations. Kadalasang tumatagal ito ng ilang araw bago ang iyong regla o habang ikaw ay may regla. May kasama rin itong iba pang sintomas kagaya ng nausea, pagiging sensitibo sa ilaw at tunog, at minsan ay visual disturbances.
Ang pag-unawa sa pagkakaiba ng dalawa ay maaaring makatulong sa mga kababaihan na maghanap ng naaangkop na gamot para rito.
Bakit masakit ang ulo kapag may regla, ano ang dahilan nito?
Habang ang menstrual migraine ay inuugnay sa hormonal fluctuation o pagbabago ng hormones, may ilang mga dahilan naman kung bakit masakit ang ulo kapag may regla. Ito ay ang mga sumusunod:
- Pagbabago ng hormones: Ang pag-iba-iba ng estrogen at progresterone levels ay maaaring makapag-trigger ng menstrual migraine kaya naman sumasakit ang ulo kapag may regla.
- Lebel ng serotonin: Samantala, ang pagbabago ng serotonin, isang neurotransmitter na may kinalaman sa pain regulation ay malaking gampanin sa menstrual migraine.
- Pagbabago ng blood vessel: Ang hormonal shifts naman ay nakakaapekto sa blood vessels sa utak na maaaring maging sanhi ng headache o masakit na ulo kapag may regla.
- Stress: Ang stress naman ay maaaring makapagpatindi ng pagbabago sa hormones ng babae na maaaring makapagpa-trigger ng pananakit ng ulo habang may regla.
- Mga pagkain: Ang ilang mga pagkain at inumin kagaya ng caffeine, alak, at tsokolate ay maaaring makapagpa-trigger ng migraine sa ilang kababaihan.
- Sleep disturbances: Ang iregular na sleep pattern o hindi sapat na tulog ay maaaring maging dahilan kung bakit sumasakit ang ulo kapag may regla.
Ano ang pakiramdam ng period headache?
Image Source: iStock
Ang masakit na ulo kapag may regla ay parang migraine din pero hindi ito ganun katindi, maaaring makaranas ng mga sumusunod:
- Pamimintig ng ulo sa isang bahagi ng ulo
- Pagkahilo at pagsusuka
- Sensitibo sa ilaw at tunog
- Mayroong visual disturbances o aura sa ilang pagkakataon
Ang sakit ay maaaring nakakapanghina, na magiging sanhi na mahirap na pagtugon sa mga pang-araw-araw mong gawain.
Saan located ang period headache o masakit na ulo kapag may regla?
Ang isang period headache ay karaniwang sa isang bahagi lang ng ulo, madalas sa paligid ng lugar ng temple o sa likod ng isang mata. Gayunpaman, maaari itong kumalat sa ibang bahagi ng ulo at leeg.
Paano mawala ang pananakit ng ulo habang may regla?
Ngayong nalaman na natin ang mga basic na impormasyon patungkol rito, alamin naman natin ngayon kung paano mawawala ang menstrual migraine at period headaches ng natural. Ito ay ang mga sumusunod:
Ang dehydration ay maaaring makapagpalala ng pananakit na ulo, kaya naman siguraduhing uminom ng maraming tubig sa kabuuan ng iyong menstrual cycle.
-
Pag-iwas sa mga pagkain na makakapagpa-trigger ng pananakit ulo:
Iwasan ang mga pagkaing kagaya ng caffeine, alak, at processed food. Kumain ng balanced diet na mayaman sa whole foods.
Ang pagpapalipas sa pagkain ay maaaring magdulot ng low blood sugar na maaaring makapagpa-trigger ng pananakit ng ulo. Kumain ng regular at balanced meals.
I-practice ang stress-reduction techniques kagaya nng meditation, yoga, o deep breathing exercises para ma-manage ang pagbabago ng hormones.
-
Magkaroon ng sapat na tulog:
Panatilihin ang pagkakaroon ng sleep schedule, subukan ang 7-9 na oras na pagtulog tuwing gabi.
-
Pagkakaroon ng pisikal na aktibidad:
Ang pagkakaroon ng regular na ehersisyo ay makakatulong para sa pagbabago ng hormones at makakabawas ito sa madalas at matinding migraines.
-
Paglalagay ng cold compress:
Mag-apply ng cold compress sa iyong ulo o leeg para mawala ang pananakit ng ulo.
Para sa ilang tao nakakatulong ang aromatherapy, maaari itong subukan. Gumamit ng mg essential oils kagaya ng lavender at peppermint.
Maaari ring makatulong ang acupressure. Marahan lamang maglagay ng pressure sa mga acupressure points para makapagbigay ito ng relief sa iyo.
-
Subukan ang herbal remedies:
Ang ilang mga halamang gamot, kagaya ng feverfew at butterbur ay natuklasan sa isang pag-aaral na makakatulong para mabawasan ang madalas at matinding migraine kapag may regla.
Mahalagang tandaan na kung ano ang gumagana para sa isang tao ay maaaring hindi gagana para sa iba. Mag-eksperimento sa mga natural na remedy na ito upang matuklasan kung ano ang magbibigay sa ‘yo ng ginahawa.
Kailan dapat pumunta sa doktor?
Habang karaniwan ang masakit na ulo kapag may regla ay kadalasan namang nama-manage. Pero mahalaga na kumonsulta sa medical professional kapag nakakaranas ng ilang mga warning signs na ito:
- Matindi at madalas pananakit ng ulo habang may regla
- May kasamang neurological na sintomas kagaya ng visual disturbances, slurred speech, o confusion.
- Patuloy na pananakit ng ulo kahit uminom na ng mga over-the-counter pain relievers at sinubukan na ang mga natural remedy
- Nakakaapekto na ito sa iyong pang-araw-araw na gawain.
Ang mga senyales na ito ay maaaring nagpapahiwatig ng underlying medical condition na kinakailangan ng medical treatment.
Image Source: iStock
Kung nais basahin ang Ingles na bersyon nito, i-click dito!
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!