X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Anong pinagkaiba ng Braxton Hicks sa totoong labor?

7 min read
Anong pinagkaiba ng Braxton Hicks sa totoong labor?Anong pinagkaiba ng Braxton Hicks sa totoong labor?

Ano ng pinagkaiba ng braxton hicks in tagalog sa true labor at bakit nakakaramdam tayo na manganganak na pero hindi naman pala? | Lead Image from Freepik

Kung ikaw ay nasa ikalawa o ikatlong trimester na ng iyong pagbubuntis, marahil ay narinig o nabasa mo na ang salitang Braxton Hicks. Pero ano ba ang Braxton Hicks sa Tagalog at ano ang pagkakaiba nito sa totoong labor? Alamin natin.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang Braxton Hicks sa Tagalog at ano ang mga sintomas nito?
  • Pagkakaiba ng Braxton Hicks sa totoong labor
  • Kailan dapat tumawag sa doktor kapag nakakaranas ng contractions

Maaaring natatandaan mo pa ang unang pregnancy memory mo, mommy. Hindi mo alam kung excited ka lang ba sa paglabas ni baby o talagang naramdaman mong manganganak ka na. Pero sa huli, false alarm lang pala ito at hindi ka pa talaga in labor. Ito ay tinatawag na Braxton Hicks contractions.

Kung ikaw naman ay isang first-time mom, maaaring nabasa o narinig mo na ang salita o pangalang ito mula sa iyong doktor kung pinag-uusapan ang mga senyales ng panganganak.

Ngunit ano nga ba ang Braxton Hicks at ano ang pinagkaiba nito sa totoong labor? Bakit pakiramdam mo manganganak ka na pero hindi naman pala?

Ano ang Braxton Hicks sa Filipino?

Ang Braxton Hicks sa Tagalog ay kapag nakaramdam ka ng mga sintomas na may pagkakatulad sa totoong labor, at akala mo na manganganak ka na pero hindi naman pala. Kilala rin ito sa tawag na ‘false labor’.

Ipinangalan ang Braxton Hicks mula sa doctor na nakadiskubre nito.

Kadalasang nararamdaman ang Braxton Hicks pagdating ng ikatlong trimester ng buntis kung saan mas malikot na si baby at malapit na ang kabuwanan ni mommy. Madalas itong nararamdaman sa hapon o pagkatapos ng active day ni mommy.

Isa rin itong paraan ng ating katawan na paghandaan ang nalalapit na labor o panganganak.

braxton hicks in tagalog

Braxton hicks in tagalog | Image from Dreamstime

Sintomas ng Braxton Hicks

Ayon sa mga nakaranas na nito, madali mong mararamdaman ang Braxton Hicks dahil bigla na lamang sisikip o maninigas ang iyong tiyan. Minsan ito ay mabilis na mawawala pero agad ring babalik.

Para naman sa ibang buntis, parang mild menstrual cramps ang pakiramdam nito.

Narito pa ang ilang sintomas ng Braxton Hicks:

  • Paninikip at paninigas ng tiyan pero hindi masakit.
  • Katulad ng mild menstrual cramps.
  • Agad nawawala kapag ikaw ay gumalaw o nagbago ng posisyon.
  • Walang sinusunod o nabubuong pattern.
  • Hindi tumatagal ng higit sa dalawang minuto at hindi lumalapit ang pagitan.
  • Nawawala pero bumabalik din.
  • Nararamdaman lang sa iyong tiyan.

Bakit nakakaramdam ng Braxton Hicks?

Bagama’t normal para sa mga buntis ang makaramdam nito, may mga bagay na maaaring makadagdag sa pagkakaroon niya ng Braxton Hicks contractions.

Narito ang ilang posibleng sanhi ng false labor:

  • Dehydration

Siguruhing nakakainom ng 8 hanggang 12 baso ng tubig o anumang fluids sa isang araw para maiwasan ang dehydration.

  • Labis na paggalaw ng ina

Maaari mo ring mapansin ang Braxton Hicks pagkatapos ng buong araw na marami kang ginawa o madalas ang iyong pagkilos.

  • Sex

Kapag nagtatalik at nagkakaroon ng orgasm, ang iyong katawan ay gumagawa ng hormone na oxytocin na nagsasanhi para mag-contract ang uterus. Ang semen rin ng iyong partner ay may lamang prostaglandins na nakakapagdulot ng contractions.

  • Punong bladder

Kapag puno ang iyong bladder, nadaragdagan ang pressure o bigat sa iyong uterus na siyang dahilan ng contractions o cramps.

BASAHIN:

9 signs na malapit nang manganak ang buntis

6 Signs Para Malaman Kung Mababa na ang Tiyan ng Buntis

Third trimester pregnancy guide: Lahat ng dapat mong malaman

braxton hicks in tagalog

Braxton hicks in tagalog | Image from Dreamstime

Paano malalaman kung ito ay false labor o totoong labor na?

Kung normal ang pagkakaroon ng Braxton Hicks at maari itong mangyari ng madalas, paano mo malalaman kung totoong labor na ang nararanasan mo?

Ayon kay Dr. Rebecca Singson, isang OB-gynecologist mula sa Makati Medical Center, ang pangunahing pagkakaiba ng Braxton Hicks sa totoong contractions na dala ng labor ay hindi masakit ito. Gayundin, hindi dapat ito nagdudulot ng pagbuka ng cervix at dapat ay nawawala ang paninigas ng tiyan kapag nagbabago ng posisyon ang buntis.

Paliwanag niya,

“One of the differentiating factors is Braxton Hicks should not be painful. So kapag painful, baka preterm labor ‘yan, Pangalawa, it should not lead to cervical dilatation. Kasi kung nag-o-open yung cervix, aba ay labor na ‘yan. At saka ‘yung Braxton Hicks, it happens usually kapag nag-change ng position si Mommy, tumayo or humiga, magcocontract si uterus. It is usually an isolated contraction hindi siya yung tuluy-tuloy na may regularity.”

Narito ang isang chart na naglalarawan ng mga pagkakaiba ng false labor sa totoong labot:

Partner Stories
Do you have enough work experience to land a healthcare job abroad?
Do you have enough work experience to land a healthcare job abroad?
Laudicos share their recipe for success in their food business
Laudicos share their recipe for success in their food business
Cook for your loved one on Valentine’s Day with Chef Noel Dela Rama at The Maya Kitchen
Cook for your loved one on Valentine’s Day with Chef Noel Dela Rama at The Maya Kitchen
How to control your temper as a parent
How to control your temper as a parent
FALSE LABOR TRUE LABOR
Ano ang mararamdaman? Ang false labor ay hindi masyadong masakit at walang pattern na mabubuo. Kadalasan, mararamdaman dito ang pag sikip ng iyong tiyan.

Pagsikip at paninigas ng todo (parang mesa) na may kasamang pagsipa. Nagiging malakas at masakit ito sa paglipas ng oras.

Kailan ito mararamdaman? Maaring magsimula sa 2nd trimester pero kadalasan ito ay nararamdaman sa 3rd trimester. Pagkatapos ng iyong 37th week.
Gaano ito katagal? Kadalasan ito ay tumatagal ng 30 segundo hanggang 2 minuto. Ang true labor ay may pagitan na 30-60 segundo.
Paano ito mawawala? Mawawala ito kapag ikaw ay gumalaw, uminom ng tubig, o nagbago ng posisyon. Hindi mawawala ang contractions kahit na ikaw ay magbago ng posisyon, gumalaw o magpahinga.
Saan ko mararamdaman ang sakit? Kadalasang mararamdaman ang sakit sa iyong tiyan. Mararamdaman ang sakit sa ibabang bahagi ng likod papunta sa iyong tiyan.

 

May paraan ba para mabawasan ang Braxton Hicks?

Kapag nakumpira mo na ang iyong nararanasan ang Braxton Hicks, maaari ka nang mag-relax.

Bagamat walang gamot o treatment para sa Braxton Hicks, maaaring makatulong ang pagdadahan-dahan, pag-inom ng maraming tubig at pagpapalit ng posisyon kapag nararansan mo ang mga sintomas nito.

Maaari mo ring subukan ang mga sumusunod kapag nakakaramdam ng Braxton Hicks:

  • Umihi para mawalan ng laman ang bladder. (Kung hindi mo pa ito ginagawa ng madalas)
  • Pag-inom ng 3 hanggang 4 na baso ng tubig o iba pang inumin.
  • Paghiga sa iyong left side, na makakatulong sa tamang pagdaloy ng dugo sa iyong uterus, kidney at placenta.

Kailan dapat mag-alala?

Ayon kay Doc Becky, narito ang tatlong bagay na dapat tandaan kapag nakakaramdam ng contractions: “I always tell my patients that there are 3 things that you need to remember – time, interval and duration.”

Aniya, makakatulong din ang pag-plot ng pagitan ng bawat contraction at kung gaano katagal ang paninigas ng tiyan. “Kapag every 5 minutes ‘yung contraction at lasting ng 1 minute, its time to go to the hospital na ‘yan,” dagdag niya.

Kung sakaling nakakaramdam ng contraction at hindi mo sigurado kung labor ito, huwag magdalawang-isip na kumonsulta sa iyong OB-GYN. Ito ay para masabi o maipayo niya sa’yo ang mga dapat mong gawin kung sakaling makaranas ulit nito.

braxton hicks in tagalog

Braxton hicks in tagalog | Image from Dreamstime

Agad na tawagin ang iyong doctor kapag:

  • Nakakaramdam ng senyales ng totoong labor bago ang iyong 37th week
  • Pagbabago ng galaw ni baby (masyadong malikot, o walang paggalaw sa loob ng 2 oras)
  • Malakas na pressure o contraction kada 5 minuto
  • Matinding contraction na hindi ka na makalakad ng maayos
  • Nakaranas ng spotting o vaginal bleeding
  • Pagputok ng panubigan o may fluid na tumatagas sa iyong vagina

Kung mayroon kang katanungan tungkol sa contractions at iba pang nararamdaman sa iyong pagbubuntis, huwag mahiyang kumonsulta sa doktor.

Source:

WebMD, Healthline

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.


 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagbubuntis
  • /
  • Anong pinagkaiba ng Braxton Hicks sa totoong labor?
Share:
  • Paano bilangin ang contractions? Mga kailangan mong tandaan

    Paano bilangin ang contractions? Mga kailangan mong tandaan

  • 11 na dapat malaman tungkol sa preterm labor at paano maiiwasan ito

    11 na dapat malaman tungkol sa preterm labor at paano maiiwasan ito

  • Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

    Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

app info
get app banner
  • Paano bilangin ang contractions? Mga kailangan mong tandaan

    Paano bilangin ang contractions? Mga kailangan mong tandaan

  • 11 na dapat malaman tungkol sa preterm labor at paano maiiwasan ito

    11 na dapat malaman tungkol sa preterm labor at paano maiiwasan ito

  • Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

    Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.