Nakaranas ako ng emergency CS kahit hindi ko ito planado. Sa kabila ng paghahanda ko para maiwasan ang panganganak ng CS ay hindi rin ito umubra lalo na sa panahon ng panganib.
Larawan mula sa Freepik
Pagkatapos kong manganak ng CS ipinaliwanag ng aking OB-Gyne ang nangyari pagkatapos ko ulit makamalay. Sumailalim ako sa isang emergency C-section sapagkat sa tatlong cord-coil na nakapulopot sa aking baby.
Nakapalupot sa leeg, braso at binti ng sanggol ang umbilical cord—3 cord-coil—kaya hindi ito bumababa at hindi mahila ng doktor palabas sa pamamagitan ng vaginal birth o normal delivery.
Ano ang C-section?
Ang Cesarean section (C-section) ay isang surgery para maipanganak ang isang sanggol. Imbis na sa puwerta ito ilalabas, kakailanganing sumailalim sa isang operasyon ang ina at mailabas ang bata mula sa hiwa sa abdomen.
Marami sa C-section delivery ngayon ay planado na, katulad ng dalawang sumunod na panganganak ko. Subalit mayroon pa rin ng katulad sa unang panganganak ko na hindi inaasahan at sanhi ng mga komplikasyon.
Ilang dahilan desisyon na manganak ng CS ay:
- Problemang pangkalusugan ng ina o ng bata, katuad ng placenta previa; kung may diabetes ang ina; kung may hadlang katulad ng fibroid, kaya’t imposibleng manganak ng normal delivery; malformation o abnormality ng bata tulad ng open neural tube defect.
- Multiple births o higit sa isang sanggol sa sinapupunan (kambal, triplets…)
- Laki at posisyon ng sanggol, ulad ng macrosomia o kondisyon kung saan malaki ang sanggol, o breech o transverse position, kung saan nauuna ang paa ng bata imbis na ulo, palabas sa puwerta.
- Hindi pag-usad ng labor.
- Kung HIV-positive ang ina at nakita ng doktor na mayroong high viral load ito.
photo: dreamstime
Ang C-section ay hindi maaaring gawin ng mas maaga sa 39 linggo, maliban na lamang kung may dahilang medikal para manganak ng premature.
Dahil sa lumalaking bilang ng panganganak sa pamamagitan ng CS sa Pilipinas, mahalagang maintindihan ng mga nanay ang lahat ng dapat malaman tungkol sa C-section. Katulad din ito ng kahit anong operasyon, may benepisyo at panganib ang panganganak ng CS para sa ina.
Paano hahantong sa panganganak ng CS?
Ayon kay Dr. Maria Theresa Tangkeko Lopez, isang OB-GYN sa Makati Medical Center, maraming mga dahilan kung bakit kinakailangan manganak ng isang babae sa pamamagitan ng CS, emergency man o scheduled.
Pagpapaliwanag niya,
“One of them is really because you were previously cesarean sectioned already. Some would actually asked the trial VBAC but that will be another topic altogether.
But most mom that was once cesarean section wants that they rather have a repeat cesarean section again. The other reason is that when the placenta is the one first before the baby and these are cases that we called placenta previa.
Or even let’s say there is a problem with the baby’s position. For example, the baby is in transverse position o ‘yong nakahalang siya. Or the head is on one side and the butt is on the other side.
Or baby is in the breech position, bale butt first. Especially aside from the butt there’s a foot, may naka-dangle pang foot. Ayan ‘yong mga situations that we would rather deliver through cesarean section.”
Para naman umano sa mga naka-schedule na sa panganganak ng CS lalo na sa mga nanganak na ng CS noon. Malamang ay ipayo pa rin ng iyong doktor na sumailalim ulit panganganak ng CS.
Kapag emergency CS naman may ilang mga dahilan umano bakit ito humahantong rito ayon kay Dr. Lopez, kung may ganitong kundisyon ang pasensyente.
“Labor is one or nag-rupture ‘yong bag of water mo or sometimes for those patients with comorbids. For patients that are hypertensive, diabetic or even patients that has asthma.
These are things that could trigger your OB to do it earlier. Your blood pressure is uncontrolled. Your sugar is shooting up. Those things can harm your baby and the reasons that can make your OB to decide to do an early o emergency CS.”
Kapag nagdesisyon sa panganganak ng CS
May consent form na papipirmahan sa nanay at tatay ng bata, bago ang C-section operation. Kung emergency CS ito, maaaring ang asawa o tatay ang pipirma nito dahil ang ina ay hindi na makakapirma pa.
May anesthesiologist na magpapaliwanag ng iba’t ibang pain-management options sa ina. Bihira na ngayon ang general anesthesia, maliban na lamang sa mga mapanganib na sitwasyong emergency, at hindi kakayanin ng regional pain relief tulad ng epidural o spinal block.
May catheter para sa ihi at IV para sa fluids at mga gamot tulad ng antibiotic para sa impeksiyon. Saka pa lang ibibigay ang anesthesia sa iyong spinal column, at magpapahid ng antiseptic sa abdominal area kung saan ang hiwa.
May dalawang uri ng hiwa: ang horizontal incision sa itaas ng pubic bone o ang tinatawag na “bikini cut”, at vertical o classical, na magmumula sa ilalim ng pusod papunta sa pubic bone, o kung nasaan ang linea negra.
Paliwanag ng OB-Gyne ko noon, kapag vertical ang hiwa, mas mahihirapang makapanganak pa ng normal delivery sa mga susunod na panganganak.
Ang benepisyo ng CS
Ayon kay Iffath Hoskins, MD, chair ng Department of OB/GYN sa New York, ang unang kagandahan na nga nito ay alam na ng nanay at tatay kung kelan siya manganganak.
Mapaplano nila ang lahat at hindi na mabibigla. Sa magkasunod kong panganganak sa pangalawa at pangatlong anak, napili naming maipanganak sila sa parehong petsa, iba lang ang buwan—ang tatlong anak ko ay pinanganak sa ika-7 araw ng magkakaibang buwan. Dahil sa iisang OB GYN lang ang nagpaanak, pati ang oras ng kapanaganakan nila ay pare-pareho (7:38 ng umaga).
Convenient, sabi nga ng iba, dahil walang pagmamadali at maihahanda mo ang lahat, lalo na kung nagtatrabaho ka.
Kumplikasyon sa panganganak ng C-section
Ang panganganak na may cesarean section (CS) ay maaaring magdala ng ilang mga komplikasyon, gaya ng mga sumusunod:
1. Pagkakaroon ng impeksyon
Pagkatapos manganak ng CS, maaaring magkaroon ng impeksyon sa tahi o sa loob ng tiyan. Ito ay maaaring sanhi ng pamamaga, kirot, at init sa lugar ng operasyon.
2. Hematoma
Ito ay nagaganap kapag may dugo na nagkukumpol sa ilalim ng balat o sa loob ng katawan. Ito ay maaaring magdulot ng pamamaga, sakit, at kakaibang pag-angat ng balat.
3 . Problema sa paggaling ng tahi:
Maaaring magkaroon ng problema sa paggaling ng tahi, tulad ng pagkakaroon ng hiwa o pagkakabuka ng tahi. Ito ay maaaring magdulot ng impeksyon at masakit na karanasan para sa ina.
4. Adhesions
Ang adhesions ay mga ng tissue na bumubuo sa pagitan ng mga internal na organs sa loob ng katawan. Ito ay maaaring magdulot ng kirot, pagkakabara, o discomfort.
5. Respiratory distress sa sanggol
Sa ilang kaso, ang mga sanggol na isinilang sa pamamagitan ng CS ay maaaring magkaroon ng problema sa paghinga o respiratory distress syndrome dahil sa hindi kumpleto ang pagkalabas sa normal na proseso ng panganganak.
6. Hirap sa pagkilos
Ang operasyon na CS ay may karagdagang oras ng paggaling kumpara sa normal na panganganak, kaya’t maaaring humadlang sa mga gawain ng ina sa mga unang araw pagkatapos ng panganganak.
Mahalaga ang regular na pakikipag-ugnayan sa doktor o health care provider upang masubaybayan ang kalusugan pagkatapos ng manganak ng sa pamamagitan ng c-section at maagapan ang anumang mga komplikasyon na maaaring umusbong.
Panganib at sa panganganak ng CS
Ang CS ay isang major abdominal surgery. Maraming espesyalista na mangangalaga sa iyong panganganak. Subalit malaki rin ang potensiyal na panganib nito dahil hihiwain ang iyong balat, abdomen, muscle bago pa makita ang uterus.
Tumatagal ito ng 3 hanggang 4 na oras. Ramdam ko ng makailang ulit ang pag-aayos nila sa mga organs ko, bago ilabas at pagkatapos mailabas ang sanggol.
Katulad ng kahit ano pang paraan ng panganganak, ang CS ay may kasamang potensiyal na panganib para sa ina at sa sanggol. Sabi nga ng matatanda, ang bawat inang nanganganak ay nasa bingit na ng kamatayan.
Ayon pa kay Dr. Lopez, isa sa mga dapat tandaan at malaman ng mga ina kapag nasa CS surgery na sila,
“The anesthetic really does give you the cold and shivering. But not all moms would have this experience.
The shivering is part of the side effect of the anesthetic. Plus, the fact na kapag binibigyan kayo ng anesthesia, medyo bumaba ‘yong blood pressure ninyo.
So what we do is to cautioned that drop in blood pressure is to infuse a lot fluids, bibilisan namin ‘yong suwero ninyo. Unfortunately, ‘yong suwerong nilalagay namin sa inyo malamig kaya iyon. Those things contribute to the chill.”
photo: dreamstime (for representation purposes only)
Maraming risk ang panganganak ng CS. Katulad na lamang ng labis na pagdurugo, o impeksiyon, at marami pang iba. Para sa mga babaeng nakapanganak na ng 3 o higit pa sa pamamagitan ng CS, mas malaki pa ang potensiyal na panganib.
Kaya pinapayo ng mga doktor na iwasan kung maaari ang panganganak ng CS. Maliban na lamang kung emergency at kinakailangan talaga.
Ayon sa isang artikulo sa WebMD, sinasabing hindi lubusang natuturuan ang mga kababaihan tungkol sa vaginal birth o normal delivery lalo na’t pagkatapos manganak ng CS.
Mga dapat iwasan pagkatapos manganak ng CS
Hindi madali ang recovery mula sa sa panganganak ng CS. Nasa 5 araw ang ilalagi sa ospital pagkatapos manganak ng CS. Kaysa sa normal delivery na 2 araw lamang.
Pagkatapos nito ay magpapatuloy ang recovery mo sa inyong bahay. Ito ang mga dapat mong iwasan kapag nanganak ka ng CS:
- Hindi maaaring magbuhat ng mabigat.
- Bawal magmaneho sa loob ng 2 linggo.
- Hindi muna pwedeng mag-ehersisyo 4 hanggang 6 na linggo.
- Bawal munang makipagtalik ng 6 na linggo pagkatapos manganak ng CS.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!