Colon cancer symptoms: Sanhi ng colon cancer at paano ito malulunasan

Mahalagang malaman ang mga colon cancer symptoms na dapat bantayan upang bago pa man ito lumala ay maagapan na ang pagkalat nito sa katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang colon cancer ang ikatlo sa pinakakaraniwang sanhi ng cancer-related death sa buong mundo ayon sa World Health Organization. Ang colon cancer ay uri ng sakit sa bituka o cancer sa bituka na nagsisimula sa large intestine o rectum. Matatagpuan sa lower portion ng digestive system ang large intestine at rectum. Ano nga ba ang mga colon cancer symptoms? Alamin dito ang mga sintomas ng may colon cancer at paano ito malulunasan.

Colon cancer symptoms: Ano ang colon cancer?

Tinatawag ding colorectal cancer ang colon cancer dahil cancer ito sa malaking bituka at sa rectum. At dahil isa nga ito sa sanhi ng common cancer-related death, inirerekomenda ng mga healthcare professional na magkaroon na sumailalim sa regular na colorectal cancer screening ang mga adult na nasa edad 45-75 taong gulang.

Karaniwang mga adult o mas nakatatanda ang naaapektuhan ng colon cancer, pero maaaring magkaroon ng sakit na ito ang sinoman sa ano mange dad. Kadalasang nagsisimula ang colon cancer sa maliliit na noncancerous clumps ng cells na tinatawag na polyps.

Namumuo ang mga polyps na ito sa loob ng colon. Habang tumatagal ay maaari itong maging cancerous. Kaya naman, nirerekomenda ang regular na screening test ay para maagapan agad ang mga polyps bago pa ito maging cancer.

Larawan mula sa Freepik

Colon cancer sintomas: Iba’t ibang stage ng colon cancer

Sinusuri ng mga doktor ang cancer sa iba’t ibang stage. Mahalagang malaman kung anong stage na ang colon cancer ng isang pasyente. Sa pamamagitan nito, mas madaling makapagplaplano kung anong paraan ng paggamot ang angkop sa kondisyon ng isang pasyente.

Mayroong limang stage ang colon cancer. Nagsisimula ito sa stage 0 hanggang sa stage 4.

Stage 0

Ayon sa Healthline, tinatawag ding carcicoma in situ ang stage 0 ng colon cancer. Sa stage na ito ang mga abnormal cells ay nasa inner lining pa lamang ng colon at rectum.

Stage 1

Sintomas ng colon cancer stage 1

Sa bahaging ito, na-penetrate o napasok na ng cancer cells ang lining o ang mucosa ng colon o rectum. Maaari ding dumami na ang cancer cells sa mga muscle layer. Subalit hindi pa ito kumakalat sa mga kalapit na lymph nodes at iba pang bahagi ng katawan.

Stage 2

Kumalat na ang cancer sa walls ng colon o rectum, o kaya naman ay sa walls ng kalapit na tissues. Subalit hindi pa nito naaapektuhan ang mga lymph nodes.

Stage 3

Sa bahaging ito, kumalat na unti-unti sa mga tissue at narating na ang lymph nodes ngunit hindi pa kumakalat sa ibang bahagi ng katawan ang cancer cells.

Stage 4

Sa stage 4 ng colon cancer o colorectal cancer, kumalat na sa mga kalapit na organs tulad ng atay at baga ang cancer cells.

Sintomas ng colon cancer: Sintomas ng sakit sa bituka

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Freepik

 Ngayong alam na natin na may iba’t ibang stage pala ang colon cancer tulad ng iba pang cancer, mahalaga ring malaman ang sintomas ng sakit sa bituka na ito. Anu-ano nga ba ang sintomas ng may colon cancer?

Sintomas ng colon cancer stage 1

May ilang kaso kung saan ay walang malinaw na sintomas ang nararanasan ng isang taong may colon cancer. Lalo na kung early stages pa lang ito ng colon cancer. Subalit kung makararanas ng sintomas ng colon cancer sa stages 0 hanggang 2 posibleng maranasan ang mga sumusunod.

Colon cancer sintomas: Stage 0-2

Ang mga nabanggit na sintomas ng colon cancer ay posible ring sintomas pala ng iba pang karamdaman. Kaya naman, para maiwasang ang pagkabahala, mas mabuting magpatingin sa doktor para matiyak kung colon cancer ba talaga ang dinaranas o baka naman less serious na medical condition. Mahalagang matukoy ng doktor kung ano ang tunay na kondisyon para malapatan din ito ng angkop na paggamot o lunas.

Late-stage colon cancer symptoms (Stage 3 o 4)

Sa bahaging ito o sa stage 3 at 4 ng cancer, mas kapuna-puna at mas malinaw na ang mga colon cancer symptoms na nararanasan ng pasyente. Ilan sa mga colon cancer symptoms na maaaring maranasan sa stage 3 at 4 ng colon cancer ay ang mga sumusunod:

  • Hindi maipaliwanag na panghihina
  • Labis na pagod
  • Biglaang pagpayat o pagbaba ng timbang
  • Pagsusuka
  • Pagbabago sa dumi na lampas isang buwan na
  • Pakiramdam na hindi natatapos ang pagdumi

Kung nasa stage 4 na ang colon cancer at kumalat na ito sa iba pang bahagi ng katawan maaaring makaranas ng colon cancer symptoms na tulad ng jaundice o paninilaw ng mata at balat. Bukod diyan, narito pa ang ilan sa mga symptoms na nasa stage 4 na ang colon cancer:

Gamot sa colon cancer

Larawan mula sa Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano nga ba gamutin ang colon cancer? Ang paggamot sa colon cancer ay nakadepende sa type at stage ng cancer. Maaari ring ikonsidera ng doktor ang edad at pangkalahatang kalusugan ng pasyente sa kung ano ang best treatment option para dito.

Ayon sa Medical News Today, walang single treatment para sa colon cancer. Maaaring chemotherapy, radiation therapy, o surgery ang treatment na gawin depende sa iyong kondisyon.

Ang layunin ng ano mang treatment ay alisin ang cancer, pigilan ang pagdami o pagkalat nito, at bawasan o maibsan ang mga hindi magandang sintomas nito na nagdudulot ng sama ng pakiramdam.

Narito ang mga posibleng gamot sa colon cancer:

Chemotherapy

Bibigyan ng medications ang pasyente para maiwasan ang cell division process. Sa pamamagitan ng pagsira sa protein o DNA upang ma-damage at mapatay ang cancer cells.

Tinatarget ng chemotherapy ang mga cells na mabilis na nahahati-hati o dumarami, pati na rin ang mga healthy cells. Ngunit ang mga healthy cells ay makakarecover pa sa ano mang damage dulot ng chemotherapy pero ang mga cancer cells ay hindi na.

Maaaring irekomenda ng doktor ang chemotherapy kung:

  • bago ang surgery para mapaliit ang tumor at maging madali ang pagtatanggal dito
  • matapos ang surgery para mapatay ang mga natitira pang cancer cells na hindi natanggal sa surgery.
  • Kung ang cancer cells ay kumalat na sa mga organs sa katawan.

Maaaring makaranas ng side effects ng chemotherapy tulad ng pagkawala o pagkalagas ng buhok, pagduduwal o pagsusuka, at matinding pagod o fatigue.

Surgery

Ang pangunahing treatment option kapag nasa early stage pa lang ang cancer ay ang surgery. Kung maliit na polyp pa lang ang cancer, maaaring sumailalim ang pasyente sa tinatawag na polypectomy para matanggal ang cancerous na polyp.

Samantala, colectomy naman ang tawag sa surgery kung saan ang tatanggalin ay bahagi ng colon. Sa prosesong ito, aalisin ng dokor ang bahagi ng colon na mayroong cancer pati na rin ang nakapalibot na bahagi.

Ang iba pang uri ng surgery na pwedeng irekomenda ng doktor para magamot ang colon cancer ay ang mga sumusunod:

  • Endoscopy
  • Laparoscopic surgery
  • Palliative surgery

Radiation therapy

Pinapatay Naaman ng high energy gamma rays ang mga cancers cells sa radiation therapy. May dalawang paraan kung paano gawin ang radiation therapy. Ang una ay ang external radiation therapy kung saan ay ine-expel ang rays mula sa machine sa labas ng katawan ng pasyente.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa internal radiation naman, mag-iimplant ang doktor ng radioactive materials sa bahagi ng katawan malapit sa cancer site.

Ilan sa mga posibleng side effects ng radiation therapy ay ang mga sumusunod:

Muli, ang angkop na paggamot sa colon cancer ay nakadepende sa kondisyon ng pasyente, kung anong stage na ang colon cancer at anong edad ng pasyente.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Jobelle Macayan