COVID-19 6 feet social distancing hindi sapat upang maiwasan ang pagkalat ng sakit. Ito ang analysis ng isang grupo ng mga eksperto.
Experts: COVID-19 6 feet social distancing, hindi sapat
Patuloy parin ang pagkalat ng sakit na COVID-19. Sa kasalukuyan ay may naitala ng 25,614,409 na kumpirmadong kaso nito sa buong mundo. Malaking porsyento sa mga ito o 17,913,989 na katao ang naiulat na gumaling at naka-recover mula sa sakit. Pero may 854,020 na katao ang hindi kinayang labanan ang sakit at naiulat ng nasawi dahil rito.
Kaya naman paulit-ulit na paalala ng mga awtoridad, i-praktis ang mga precautionary measures para malabanan ang COVID-19. Isa na nga rito ang pagpapanatili ng physical distancing o distansya mula sa mga taong makakausap o makakasalimuha.
Dito sa Pilipinas, inirerekumenda ang pagkakaroon ng 1-meter physical distancing sa bawat isa. Pero ayon sa analysis ng ilang health experts, kahit na ang COVID-19 6 feet social distancing ay maaring hindi sapat upang maiwasan ang pagkalat ng sakit. Dahil ang protocol umano na ito ay base sa outmoded science at observation ng ibang viruses. At hindi base sa mismong virus na nagdadala ng sakit na COVID-19. Ito ang analysis ng mga health experts mula sa Oxford, United Kingdom na nailathala sa journal na BMJ nito lamang nakaraang linggo.
Dahil sa ang protocol na ito ay base sa lumang pag-aaral at ibang sakit
Ayon sa analysis ng mga nasabing health experts, ang 1-2 meter rule sa physical distancing ay ibinase sa obserbasyon at pag-aaral ng iba pang nakakahawang sakit na ginawa pa noong 1880’s. Partikular na ang research na ginawa ng German biologist na si Carl Flügge. Ayon sa kaniyang research, 1-2 meter ang safe distance upang hindi mahawaan ng sakit na maaring dala ng respiratory droplets. Pero ayon sa pahayag ng UK health experts, hindi kasama sa ginawang pag-aaral ni Flügge ang mga particles na hindi nakikita ng mata. Tulad ng mga aerosols na isa sa sinasabing dahilan ng posibleng pagkalat ng sakit na COVID-19.
Maliban rito ang layo ng nararating ng respiratory droplets ay naiiba rin base sa iba’t-ibang factors. Tulad ng air circulation, exposure time, dami ng tao sa isang lugar at sa kung paano lumabas sa katawan ang respiratory droplets. Maaring ito ay sa pamamagitan ng pagsasalita, pagkanta at pagsigaw.
Sa pamamagitan ng isang chart ay ipinakita ng mga health experts ang phenomenon na ito.
Image from BMJ
Mas mataas ang tiyansang maihawa ang sakit kapag sumisigaw o kumakanta ang taong infected nito
Basa sa chart na ginawa ng mga health experts, makikitang mas tumataas ang tiyansa ng pagkakalat at pagkakahawa ng sakit kapag sumisigaw o kumakanta ang isang taong infected nito. Mas tumataas pa ito kapag nasa loob ng poorly ventilated na lugar ang taong infected ng virus at mga taong kaniyang nakakasalimuha. Lalo na kapag matagal ang kanilang pag-uusap o interaksyon at walang suot na face covering o mask.
Kaya naman mula sa nasabing obserbasyon ay masasabing hindi sapat ang distansya para maiwasan ang pagkalat ng sakit. Dahil kung nasa loob ka ng isang kwarto na poor ventilated ay mas matagal magpapaikot-ikot rito ang virus. Mas mataas ang tiyansang malanghap mo ito na mas malayo ang nararating kapag naglalabas ng pwersa ng hangin o kapag sumisigaw at kumakanta ang isang tao.
“Breathing out, singing, coughing, and sneezing generate warm, moist, high momentum gas clouds of exhaled air containing respiratory droplets. This moves the droplets faster than typical background air ventilation flows, keeps them concentrated, and can extend their range up to 7-8 m within a few seconds.”
Ito ang bahagi ng naging findings ng pag-aaral.
Reaksyon ng iba pang eksperto sa pag-aaral
Sinuportahan naman ng isang aerosol expert at isang environmental professor ang findings ng pag-aaral.
“Distance alone will never solve the aerosol problem. If you are in the same room, you can get infected.”
Ito ang pahayag ni Jose-Luis Jimenez na isang aerosol expert mula sa University of Colorado. Siya ay hindi bahagi ng pag-aaral pero sinusuportahan ang mga findings nito. Ginamit niya ngang halimbawa sa phenomenon na ipinapakita sa chart ay ang COVID-19 infection na nangyari sa Washington. Nitong Marso, sa isang choir practice 52 na katao ang nahawaan ng sakit at ang impeksyon ay umabot ng hanggang sa 45 feet na layo.
Kaya naman dagdag ni Jimenez, hindi lang basta distansya ang kailangang gawin lalo na kapag nasa loob ng isang kwarto. Dapat ay may suot ring will-fitted mask at kung kinakailangan mabuting gawin ang mga aktibidad outdoors o sa well-ventilated na lugar.
Ayon naman sa civil and environmental engineering professor mula sa Virginia na si Linsey Marr, ang COVID-19 6 feet social distancing ay maaring gamiting panimula o starting point. Pero hindi ibig sabihin na mas malayo pa rito ay nagsisiguro na ng kaligtasan mula sa virus.
“I think six feet is a fine number, but we need to convey that this is a starting point. Beyond six feet doesn’t mean there’s zero risk.”
Ito ang pahayag ni Marr.
Paalala ng CDC
Ayon naman sa advisory ng CDC, ang COVID-19 6 feet social distancing o 2-arm’s length distance ay dapat isagawa kapag nasa labas o kaya naman ay may kausap na hindi mula sa parehong household na iyong tinitirhan. Pero ito ay dapat sabay na gawin sa iba pang COVID-19 precautionary measures upang maging epektibo. Tulad ng pagsusuot ng mask at pag-iwas sa paghawak ng mukha kung hindi nakapaghugas ng kamay. Kaya ang madalas na paghuhugas ng kamay ay mahalaga. At dapat ito ay gagawin gamit ang sabon at tubig sa loob ng hindi baba sa 20 segundo.
Dapat din daw ay panatihin parin ang social distancing kahit na gumagawa ng isang activity. O habang nanatiling active tulad ng naglalakad, tumatakbo o nag-babike.
Source:
The Washington Post, CDC
BASAHIN:
Anong nangyayari sa iyong katawan pag nag-positibo sa COVID-19?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!