X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

COVID-19 indoor transmission, posible na ayon sa pag-aaral

4 min read
COVID-19 indoor transmission, posible na ayon sa pag-aaralCOVID-19 indoor transmission, posible na ayon sa pag-aaral

Maaaring maging airborne na ang COVID-19 sa mga indoor places katulad ng bahay o office. Proper ventilation, kinakailangan para makaiwas dito. | Lead Image from Unsplash

Maaaring maging airborne ang COVID-19 sa mga indoor places katulad ng bahay. Ano nga ba ang dapat tandaan?

COVID-19 airborne indoor

Pag-amin ng World Health Organization, ang COVID-19 ay maaari nang mabuhay sa mga crowded indoor places. Dahil dito, maaari nang mapasa ang nasabing virus sa mga taong nasa loob ng isang lugar kung saan may COVID-19 sa hangin.

Mahigit 200 na scientists ang nagsabi sa WHO na pag-aralan ulit ito. Kasunod rin ng kanilang anunsyo noong nakaraang linggo na ang COVID-19 ay nabubuhay na sa hangin o tinatawan nating ‘airborne’.

covid-19-airborne-indoor

Image from Unsplash

Ayon sa WHO, ang transmission ng COVID-19 sa loob ng isang crowded na lugar ay bihira lamang. Ngunit dahil sa maaaring pag-aaral na isinagawa, ang konseptong ito ay importante sa transmission ng COVID-19.

Ang mga indoor places na tinutukoy rito ay kung saan kadalasang mga naglalagi ang maraming tao. Katulad ng restaurant, nightclub, office, simbahan o iba pang lugar kung saan madalas nagsasalita o kumakanta ang mga taong nasa loob nito.

Maaaring pang makuha at maipasa ang COVID-19 sa mga contaminated surface sa loob ng isang lugar.

Bukod dito, sinabi rin nila na maaaring maipasa ng isang taong walang sintomas ng COVID-19 o tinatawag na asymptomatic ang virus sa ibang taong hindi pa infected. Inilarawan din ito ng WHO na bihira lamang kung mangyari.

Ayon kay Linsey Marr, isang aerosol expert,

“It is refreshing to see that WHO is now acknowledging that airborne transmission may occur, although it is clear that the evidence must clear a higher bar for this route compared to others.”

Paalala rin ng World Health Organization, hindi sapat ang pag-iwas sa mga crowded places o pag-iwas sa mga taong infected ng COVID-19. Kailangan rin ay dapat mayroong maayos at secured na ventilation ang mga office o bahay ninyo. Kailangan rin na iwasan muna ang pumunta madalas sa labas o maging matagal ang exposure rito. ‘Wag ring kakalimutan ang face mask na mahalaga para makaiwas sa COVID-19

Kung sasanayin ito, maaaring makaiwas ang bawat isa sa COVID-19 lalo na ngayon ay airborne na ito.

covid-19-airborne-indoor

Image from Unsplash

Paano nahahawa sa COVID-19?

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.

Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.

Sintomas ng COVID-19

Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.

  • Dry cough
  • Mataas na lagnat
  • Panghihina
  • Pananakit ng katawan
  • Diarrhea
  • Pananakit ng ulo
  • Pagkawala ng panlasa
  • Pananakit ng lalamunan

Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.

  • Hindi makagalaw
  • Hindi makapagsalita
  • Hirap sa paghinga
  • Pananakit ng dibdib
covid-19-airborne-indoor

Image from Freepik

Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:

  • Buntis
  • 65 years old pataas
  • Mga taong may travel history
  • Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
  • May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes

COVID-19 Health protocols

Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:

  • Palaging pagsusuot ng mask
  • Iwasan ang mga matataong lugar
  • Iwasan ang mag-travel
  • Panatilihin ang social distancing
  • Palagiang paghuhugas ng kamay
  • Iwasan ang paghawak sa mukha
  • Maging malinis

 

Source:

Inquirer

BASAHIN:

Partner Stories
TELUS International Philippines sets up support programs to cultivate an entrepreneurial mindset among employees
TELUS International Philippines sets up support programs to cultivate an entrepreneurial mindset among employees
3 Brother products that can help you start the year inspired to create
3 Brother products that can help you start the year inspired to create
Conti’s Neighborhood Shopper: A Story of Hope and Goodness Amidst the Pandemic
Conti’s Neighborhood Shopper: A Story of Hope and Goodness Amidst the Pandemic
The Experts Have Spoken:  What They Wish Parents of 3+ Toddlers Knew
The Experts Have Spoken: What They Wish Parents of 3+ Toddlers Knew

Transmission ng COVID-19 mula nanay hanggang unborn babies meron nang ‘Strong evidence’

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pandemya ng COVID-19
  • /
  • COVID-19 indoor transmission, posible na ayon sa pag-aaral
Share:
  • Mga eksperto pinaniniwalaang airborne ang COVID-19

    Mga eksperto pinaniniwalaang airborne ang COVID-19

  • 23-day-old baby sa Lipa City namatay dahil sa COVID-19

    23-day-old baby sa Lipa City namatay dahil sa COVID-19

  • Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

    Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

app info
get app banner
  • Mga eksperto pinaniniwalaang airborne ang COVID-19

    Mga eksperto pinaniniwalaang airborne ang COVID-19

  • 23-day-old baby sa Lipa City namatay dahil sa COVID-19

    23-day-old baby sa Lipa City namatay dahil sa COVID-19

  • Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

    Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.