X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Mga discipline mistakes na madalas pinagsisisihan ng mga parents!

4 min read
Mga discipline mistakes na madalas pinagsisisihan ng mga parents!

Alamin kung ano ang mga dapat iwasan upang mapalaki ang iyong anak na maging disiplinado at may respeto sa magulang at sa kapwa...

Ang pag-disiplina ay isang paraan para maipakita ng isang magulang ang pagmamahal sa kanilang anak. Dahil dito nila naipapadama na gusto nilang mapabuti ang kanilang anak, na lumaki ito na mabait at tunay na mabuting tao.

Pero ano nga ba ang “tamang” paraan ng pagdi-disiplina. Walang makakapagsabi ng pinaka-magandang paraan dahil bilang magulang, marahil ay alam mo na ang ito. Pero walang magulang na perpekto at kailangan din nila ng guidance para lalo pang ma-improve ang kanilang parenting skills.

Kaya’t maganda ring malaman ang experience ng ibang mga magulang, upang matuto mula dito.

Narito ang lima sa mga karaniwang dapat iwasan sa pagdi-disiplina sa iyong mga anak.

1. Pag-saway sa hindi “pasaway” na ugali

Sabi ni Kelly R. sa Popsugar, ang 9-anyos niyang anak na lalaki ay makulit, madaldal. Minsan ay pasaway ang tingin niya dito pero ang pagiging expressive ay may kagandahan din naman. So pagka-sobrang kulit ng anak niyo, magandang tignan niyo muna kung naaangkop ba ito sa edad nila. Madalas ay normal na parte ito ng paglaki nila at ang mukhang pasaway na ugali ay hindi naman pala dapat sawayin.

2. Pag-sigaw ng malakas

Madalas hindi mo talaga maiiwasan ang sigawan ang anak mo. Sabi ni Nicole P.,  sa pakiramdam niya ay tinuturo ng pag-sigaw sa anak niya na okay lang ang sigawan nito ang kapwa niya.

Ang pag-sigaw ay karaniwang pag-express ng frustration, pero ugaliing maging kalmado at maging klaro sa pag-explain sa anak mo kung bakit hindi maganda ang kaniyang ginawa. Linawin mo din na hindi siya ang problema, kung hindi ang ginawa niya.

how to discipline baby

Photo: Fotolia

3. Pagiging inconsistent

Halimbawa, sinabi mo sa anak mo na 1 hour lang siya puwedeng maglaro sa iPad pero the next day, pumayag kang sumobra siya dito. Sa susunod na araw, ide-demand na niya ang more than one hour dahil naging inconsistent ka sa pag-set ng rules.

Mahalaga ang consistency, lalo na sa mga batang nasa edad 6 pataas. Marunong na silang mag-reason out at sa edad na ito, mas nagiging malakas ang need nila na i-assert ang indepedence nila.

Dapat ituro sa kanila na ang bad behavior ay may negative outcomes. Sa paraang ito, mababawasan din ang pagod at frustration mo bilang magulang.

4. Pagdi-disiplina na hindi angkop sa edad

Sa bawat stage ng buhay ng anak mo, magbabago din ang requirements ng pag-disiplina sa kanya. Kasama na rito ang pag-disiplina. Hindi dapat “one size fits all” ang pagsaway sa anak. Halimbawa, sa batang edad 10 hanggang 12 months maaaring tumalab na ang pagsabi ng “No” o pagpalo ng light lang sa kamay. Pero kapag preschooler na ang anak mo, puede mo na sila turuan ng “right or wrong” o bigyan ng karampatan na parusa ang bad behavior. Puwede mong kunin ang favorite toy nila o bigyan sila ng time out sa paglaro. Kung ano man ang way na pag-disiplina, i-explain mo sa kanila kung bakit at ipaalala sa kanila na ginagawa mo ito dahil gusto mo lang silang maging mas mabuti.

5. Pinag-iisa ang disiplina at punishment

Ang pagpaparusa at pag-disiplina ay dapat ng magkahiwalay. Tandaan: ang pag-disiplina ay pagturo ng pagka-kaiba ng good at bad behavior. At ang punishment naman ay isang technique na parte ng pag-disiplina. Importanteng mag-establish ng self-control ang isang magulang sa pagpataw ng punishment, huwag masyadong severe dahil baka lalong mapasama lamang ang mga anak mo. Set boundaries and discipline with love dapat ang gawing priority.

Mayroon ba kayong maidagdag sa list? Ilagay lamang sa comments below.

READ: 7 Natural behavioral traits in kids parents mistake for being pasaway

Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Bianchi Mendoza

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Payo sa pagpapalaki ng anak
  • /
  • Mga discipline mistakes na madalas pinagsisisihan ng mga parents!
Share:
  • Tagalog nursery rhymes na siguradong magugustuhan ng iyong anak

    Tagalog nursery rhymes na siguradong magugustuhan ng iyong anak

  • STUDY: Pagsisimulang idevelop ang emotional growth at intelligence ng anak

    STUDY: Pagsisimulang idevelop ang emotional growth at intelligence ng anak

  • 17 na mga larong Pilipino na puwede mong ituro sa iyong chikiting

    17 na mga larong Pilipino na puwede mong ituro sa iyong chikiting

  • Tagalog nursery rhymes na siguradong magugustuhan ng iyong anak

    Tagalog nursery rhymes na siguradong magugustuhan ng iyong anak

  • STUDY: Pagsisimulang idevelop ang emotional growth at intelligence ng anak

    STUDY: Pagsisimulang idevelop ang emotional growth at intelligence ng anak

  • 17 na mga larong Pilipino na puwede mong ituro sa iyong chikiting

    17 na mga larong Pilipino na puwede mong ituro sa iyong chikiting

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko