Pagkakaroon ng mahinang immunity, epekto ng cesarean sa baby. Pero ayon sa isang pag-aaral, para maisaayos ito si baby kailangang pakainin ng dumi ni mommy.
Epekto ng cesarean sa baby, mahina ang kaniyang immunity
Isang pag-aaral na isinagawa ng Wellcome Sanger Institute, UCL, at ng University of Birmingham ang pagkakaroon ng mahinang immunity ay epekto ng cesarean sa baby. Ito’y natuklasan sa pag-aaral na tinawag na Baby Biome Study matapos suriin ang 1,679 samples ng gut bacteria mula sa halos 600 na sanggol at 175 na mommy.
Ayon sa pag-aaral, ang mga baby na ipinanganak sa pamamagitan ng vaginal delivery ay mas healthy umano kumpara sa mga ipinanganak sa pamamagitan ng cesarean section delivery. Dahil sa exposure ni baby sa mga bacteria ng siya ay lumabas sa puwerta ng kaniyang Mommy. Ang mga bacteria na ito ay tinatawag na microbiome. Mahalaga ang ginagampanang papel nito para mapanatiling strong at healthy ang ating mga tiyan.
Ito rin ang bacteria na nagiging proteksyon ng isang tao mula sa allergy, obesity at inflammatory bowel disease. Ganoon din sa Parkinson’s disease, depression at autism.
Ang healthy bacteria na ito, hindi nakukuha ng mga ipinanganak ng cesarean section delivery. Sa halip ay natuklasan ng pag-aaral na mas maraming bad bacteria ang nakukuha nila mula sa ospital na pinag-anakan na nagdudulot naman ng bloodstream infections. Dagdag pa ang higher risk nila na magkaroon ng type 1 diabetes, allergy at asthma.
Ganito rin ang naging findings ng bagong pag-aaral na nailathala sa journal na Cell.
Dahil sila’y ‘di nakakakuha ng healthy bacteria mula sa tiyan ng kanilang ina
Ayon sa resulta ng pag-aaral, talagang naiiba ang microbiota na taglay ng mga baby na ipinanganak sa pamamagitan ng CS delivery kumpara sa mga ipinanganak ng normal vaginal delivery.
Ang microbiota ay ang microbes na naninirahan sa tiyan ng isang tao. Mahalaga ang papel na ginagampanan nito para palakasin ang immune system ng mga bagong panganak na sanggol. Ayon sa siyensya, ito ay nai-ingest ng mga sanggol sa oras na sila’y dumaan sa tiyan ng kanilang ina palabas sa puwerta sa tuwing ipinapanganak. Isang bagay na hindi nararanasan ng mga sanggol na ipinanganak sa pamamagitan ng cesarean. Dahilan upang hindi sila makakuha ng microbiota mula sa kanilang ina na sinasabing nagpapalakas ng immunity ng kanilang katawan.
“This is a gift the mother gives to her baby.”
Ito ang pahayag ni Sture Andersson. Isa sa co-author ng ginawang pag-aaral.
Pagbibigay ng poop ni mommy kay baby ang isa sa maaaring maging solusyon
Pero base pa rin sa ginawang pag-aaral, may paraang magagawa upang ma-normalize ang microbiota ng mga sanggol na ipinanganak sa pamamagitan ng cesarean delivery. Ito’y sa pamamagitan ng fecal matter transplant o ang pagbibigay ng poop ni Mommy sa kaniyang CS baby. Napatunayan ng pag-aaral, matapos subukang gawin ang procedure sa 7 nanay na ipinanganak ang kanilang anak sa pamamagitan ng cesarean delivery.
Una ay kumolekta at sinuri muna ng mga researcher ang poop samplings ng mga inang nag-participate sa pag-aaral. Ito’y upang malaman kung nagtataglay ba ito ng pathogens na makakasama sa mga sanggol.
Nang maipanganak na ang mga sanggol, bawat isa sa mga ito ay pinadede ng breastmilk na hinaluan ng 3 ½ milligrams ng dumi ng kanilang ina. Saka isinailalim sa test ang mga sanggol upang malaman ang status ng kanilang fetal microbiota. Minonitor din sila sa loob ng dalawang araw sa ospital at sinubaybayan ng hanggang sa tatlong buwan.
Sa ginawang pagsusuri at pagsusubaybay, nakita ng mga researcher na malayo ang level ng microbiota ng mga sanggol na sumailalim sa procedure kumpara sa ibang CS babies. Hindi na rin naiiba ang microbiota nila sa mga sanggol na ipinanganak sa pamamagitan ng normal vaginal delivery.
Rekumendasyon at payo ng ginawang pag-aaral
Kaya naman suggestion ng pag-aaral, ang pagbibigay ng poop ni mommy sa kaniyang CS baby ay isang mahusay na paraan upang makaiwas sa epekto ng cesarean sa baby ang kaniyang anak at mapalakas ang immunity nito. Mas effective din umano ito kumpara sa vaginal seeding. Ito ang procedure na kung saan kumukuha ng fluid mula sa vagina ng babae para ipunas sa mukha at bibig ng baby. Sinasabing delikado pa nga umano ito dahil sa group B strep bacteria na maaaring makuha rito ng mga sanggol. Pero payo pa rin ng pag-aaral, nasa research phase pa ang procedure na ito. Ito’y dapat ginagawa lang ng mga eksperto. Hindi ito puwedeng basta gawin sa bahay at sa baby mo.
Source:
Insider, Cell, TheAsianparent PH
BASAHIN:
Mga dapat gawin upang maiwasang ma-cesarean sa panganganak
Dumi ng baby, pwedeng magsabi kung gaano siya magiging katalino
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!