X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Husband stitch: Tahi sa vagina para sumikip ulit matapos manganak?

4 min read

Madalas ay tampulan ng biruan ng mga mag-asaawa, at mga magkakaibigan na may asawa na kung “pinasikipan” ba ang pwerta o tahi pagkatapos manganak. Hindi alam ng karamihan na hindi ito biro. May mga kababaihan mayroong “extra stitch” sa episiotomy matapos manganak dahil sa rason na iyan.

Ano nga ba ang husband stitch o tahi pagkatapos manganak?

episiotomy-matapos-manganak

Image from Freepik

Kapag nanganganak, lalo kung vaginal delivery, may posibilidad na magkaron ng punit o natural vaginal tear. Minsan ay sadyang ginugupit ng doktor ang tender perineum tissues sa puwerta para mapadali ang paglabas ng bata. Ito ang tinatawag na episiotomy.

Pagkatapos ng delivery, kailangang tahiin muli ang punit, natural man o sadyang naunit. Dito na kadalasan dinadagdag ng mga duktor ang “extra stitch” para mas masikip na vagina, na tanging ang pagpapasarap sa lalaki kapag nagtatalik, ang nasa isip.

Mistulang taboo lang dati, pero ngayon ay marami na ang lumalabas para ikuwento ang karanasan nila sa pagpapahaba ng tahi para maisara ng kaunti ang pwerta para maging mas “masikip” ito. Tinatawag ito na “extra stitch” para sa “extra pleasure” kapag nakikipagtalik. Tinatawag din itong “daddy stitch” o “husband stitch” bilang ang mister daw ang mas makakaramdam ng pleasure dahil dito.

Ngunit may pagkakataon na imbis na sarap ang maramdaman ng babae dahil dito, dobleng sakit ang nararanasan.

May mga duktor kasi na masyadong nahihigpitan ang pagkakatahi ng vagina kaya nagiging masakit na ang pagtatalik dahil dito. May mga ibang duktor din na naglalagay ng sinasabing husband stitch kahit na hindi ito hiniling ng babae.

Sa pananaw ng karamihan, ang “husband stitch” ay isang form ng sexism. Bagaman ito ang pananaw ng karamihan, nangyayari pa rin ito hanggang ngayon sa buong mundo.

Ang “husband stitch” ay hindi isang myth

episiotomy-matapos-manganak

Image from Freepik

Walang tiyak na pag-aaral tungkol sa eksaktong bilang ng mga babaeng nagpatahi na ng “husband stitch,” pero marami sa kanila ang nagsalita na at nagbigay ng mga personal na salaysay ng karanasan nila.

Isa na dito si Alicia Wanstall Burke, na nagbahagi sa social media ng nangyari sa kaniya. Aniya: “Yes, this happened to me! Not sure it was a purposeful thing done by the doctor, but I had to have reconstructive surgery to fix it. Hence, no more vaginal births for me!” (Oo, nangyari ito sa akin! Hindi ako sigurado kung sinadya ng doktor, pero kinailangan kong sumailalim sa isa pang operasyon para itama ang maling ginawa. Dahil dito ay hindi na ako puwede pang magkaro’n ng vaginal birth!)

Si Raquel Rosario Sanchez naman ay nagbahagi sa Twitter: “It’s not a myth. I’ve got cousins subjected to this unnecessary pain because a doctor wanted to ‘please’ their husbands.” (Hindi ito myth lang. May mga pinsan akong dumanas ng labis na sakit dahil lang gusto ng duktor na mapasarap ang pagtatalik para kay mister.)

Sabi naman ni Neve, “Tinahi ako ng doktor pagkatapos kong manganak, at sinabi niya na mas magiging masarap nga ito para sa asawa ko.”

Naikuwento din ni Venetia Booth na nangyari din ito sa kaniya. Hindi man lang siya hiningan ng consent ng ospital, at kinailangan niyang ipaayos pa ito pagkatapos dahil hindi maayos.

Ano ang opinyon ng mga eksperto?

episiotomy-matapos-manganak

Image from Freepik

Ayon kay ObGyn Jesanna Cooper, MD, anuman ang dahilan ng pagkapunit, hindi posibleng mapasikip ang vagina kapag tinahi ito. Ang vaginal tone ay hindi naaapektuhan ng anumang tahi dahil ang pelvic floor strength ang bumubuka o sumisikip, hindi ang bukana o sukat ng mismong puwerta.

Ang pagtahi ay nakakapagpasikip ng perineum at outer vulva, pero hindi nakakaapekto sa sensation na nararamdaman ng katalik. Ang vaginal repair ay para maibalik at matahi ang balat sa puwerta para makatulong sa paggaling at paghilom ng katawan pagkapanganak, hindi para pasikipin ang ari.

Pero hanggang ngayon ay ginagawa pa rin ang “husband stitch,” sa maling kadahilanan at sa di tuwid na prinsipyo.

Nangyari na ba ito sa inyo? Ano ang opinyon ninyo tungkol dito?

 

Source:

Yahoo Be, Huffington Post, Health Line, You Tube

 

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Isinalin mula sa wikang Ingles ni ANNA SANTOS VILLAR
https://ph.theasianparent.com/episiotomy-stitches

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Anna Santos Villar

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Husband stitch: Tahi sa vagina para sumikip ulit matapos manganak?
Share:
  • Is the 'husband stitch' real?

    Is the 'husband stitch' real?

  • #AskDok: 12 bagay na dapat mong malaman tungkol sa panganganak ng normal delivery

    #AskDok: 12 bagay na dapat mong malaman tungkol sa panganganak ng normal delivery

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • Is the 'husband stitch' real?

    Is the 'husband stitch' real?

  • #AskDok: 12 bagay na dapat mong malaman tungkol sa panganganak ng normal delivery

    #AskDok: 12 bagay na dapat mong malaman tungkol sa panganganak ng normal delivery

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.