Kinakailangan ng lubos na pag-iingat sa pagpili ng gatas o anumang pagkain para sa baby. Ngunit paano kung may allergy siya sa gatas at may sensitivity pa sa ibang sangkap nito? Huwag nang mag-alala, nakahanap kami ng mga brands ng formula milk for allergic babies na talaga namang epektibo at nutritious pa rin.
Alamin dito ang aming mga napiling brands ng formula milk na perfect for lactose intolerant babies. Gayundin ang sintomas ng pagkakaroon ng allergy sa gatas at gabay sa pagfoformula feed.
Bakit mayroong mga babies na allergic sa gatas?
Kapag allergic ang bata sa gatas, ibig sabihin lang ay nag-ooverract ang kanilang immune system. Ito ay dahil sa tingin ng kanilang katawan ay harmful ito. Kaya naman lalabanan ito ng kanyang immune system. Magreresulta ito sa pagrerelease ng katawan ng chemical tulad ng histamine.
Kadalasang nakikita ang mga sintomas nito sa unang mga araw o linggo ng pag-inom ng sanggol ng formula milk. Para sa breastfed na sanggol, maaari pa rin itong lumabas kung umiinom ng milk products ang kanilang nanay.
Ilan sa mga sintomas ay ang mga sumusunod:
- Walang humpay na pag-uubo kahit sa pagtulog
- Pagkakaroon ng sipon o kaya naman walang katapusang pagbahing
- Pagsikip ng kanilang lalamunan
- Pagkahirap sa paghinga
- Pagkakaroon ng diarrhea o pagtatae
- Pagkaranas ng pagsusuka at paglabas ng ininom na gatas
- Pagkasira ng tiyan
- Pagkakaroon ng makati at namamagang mga mata
Kung nararanasan na ito ng iyong anak ay nararapat lang na kumonsulta na sa inyong doktor.
Best brands of formula milk for allergic babies
Kinakailangan ng specialized na formula milk for allergic babies. Para hindi ka na mahirapang maghanap pa dahil sa dami ng mga brands na nasa market, narito ang aming top picks:
Formula Milk for Allergic Babies
Best for 0-12 months
Formula Milk For Allergic Babies: Best Brands Available In The Philippines | S-26
Kung naghahanap ka ng formula milk na maaaring inumin ni baby from 0 month old up to 12 months, aming inirerekomenda ang S-26 LF GOLD® Lactose-Free Infant Formula. Hindi mo na kailangan ng stage 1 and stage 2 milk, gaya ng sa mga tipikal na gatas for baby.
Mainam ito para sa growth ng bata dahil sa mataas na content ng protein na mayroon ito. Ang protein source nito ay nagmula sa gatas ng baka. Bukod pa riyan, siksik din ito sa iba’t ibang essential nutrients na kinakailangan ng baby para sa development ng kanyang katawan.
Higit sa lahat, ang brand na ito ang isa sa most trusted brands pagdating sa formula milk for babies. At doctor recommended din kaya naman makatitiyak kang ligtas sa allergy ang iyong anak at magkakaroon pa ng sapat na nutrisyon.
Bakit namin ito nagustuhan:
- Repairs and maintains your little one’s body
- Protein from cow’s milk
- Trusted by parents and experts
Best for 6-12 months old
Formula Milk For Allergic Babies: Best Brands Available In The Philippines | Enfamil
Ang Enfamil A+ Two Lactose Free ay specially formulated para sa mga babies na may sensitivity sa lactose. Ang protein source ng formula milk na ito ay cow’s milk kaya naman tiyak na sagana pa rin ito sa iba’t ibang essential nutrients. At dahil din doon ay nakakapagpromote ito ng healthy growth and development ng mga infants.
Higit pa roon ay tummy-friendly rin ang gatas na ito. Kaya naman siguradong hindi magkakaroon ng anumang discomfort ang iyong little one habang ito ang iniinom. Karagdagan, ito ay stage two milk supplement na intended for babies 6 to 12 months old. Mayroon ding Enfamil A+ One para naman sa mga 0 to 6 month old babies.
Bakit namin ito nagustuhan:
- Stage 2 formula milk for allergic babies
- Contains beneficial nutrients
- Tummy-friendly
Best hypoallergenic
Formula Milk For Allergic Babies: Best Brands Available In The Philippines | Similac
Kung extra sensitive ang iyong little one, nararapat lamang na ang piliin na formula milk para sa kanya ay may hypoallergenic mixture. Isa sa magandang brands ng gatas na mayroong hypoallergenic at lactose-free na formulation ay ang Similac.
Ang Similac Tummicare HW One ay perfect para sa mga babies 0 month old up to 1 year old. Easy to digest ang gatas na ito at ginamitan ng tummicare system kaya’t gentle rin para sa tiyan.
Nagtataglay din ito ng Lutein na maganda para sa eye health. Ang AA at DHA content naman nito ay para sa brain development. Nakakahanga rin dahil ito ay scientifically formulated for nutrient absorption.
Bakit namin ito nagustuhan:
- Contains Lutein which is good for the eyes
- Good for brain development
- Easy to digest
- Has easy nutrient absorption
Best low lactose milk
Formula Milk For Allergic Babies: Best Brands Available In The Philippines | Nestogen
To balance your little one’s good bacteria inside the intestine, malaking tulong ang pagbibigay sa kanya ng Nestogen Low Lactose Milk.
Ang formula milk na ito ay perfect para sa dietary management ng bata. Nabibigayan nito ng sapat na nutrients ang baby na kinakailangan niya sa kanyang paglaki. At dahil nga mayroon lamang itong low lactose content, ito ay type ng food for special medical purposes.
Bakit namin ito nagustuhan:
- Low lactose milk
- Good for the dietary management
- Can be digested easily
Most budget-friendly
Formula Milk For Allergic Babies: Best Brands Available In The Philippines | Bonna
Kung tight naman sa budget ang pamilya, we still got something for you. Dahil ang BONNA Low Lactose Formula Milk ay hindi lalagpas sa Php 300.00 ang presyo.
Pinipili ito ng most parents dahil nga bukod sa nutrients na dala nito ay mura pa ang halaga. Nagagawa nitong mabigyan ng sapat na nutrisyon ang bata para sa kanyang paglaki. Mahalaga kasi ito para sa kanyang development para maiwasang ang ilang sakit at kumplikasyon.
Talaga namang subok na at napatunayan na ng maraming pamilya.
Bakit namin ito nagustuhan:
- Budget-friendly
- Gives proper nutrition
- Proven and tested by most parents
Best for fast recovery
Formula Milk For Allergic Babies: Best Brands Available In The Philippines | Nan
Kung napansin mong lactose intolerant pala ang iyong baby at may reaction ang kanyang katawan dito, mainam ang brand na ito para sa kanyang fast recovery. Ang NAN AL 110 Lactose Free Milk ay mayroong iba’t ibang significant nutrients na nakakapagbigay ng maraming health benefits sa baby.
Bukod pa roon ay mabibigay ng formula milk na ito ang sapat na nutrisyon para sa mga baby lalo kung lactose intolerant o nakaranas ng diarrhea. Ginamitan din ito ng whey-adopted lactose free formula na may kasamang Lactobacillus reuteri para makaiwas sa constipation. Ito rin ay Food for Special Medical Purposes gaya ng iba pang lactose free milk.
Bakit namin ito nagustuhan:
- Contains significant nutrients
- Recovery food
- With Lactobacillus reuteri to prevent constipation
Price Comparison Table
Alam namin kung gaano kahirap amg-handle ng anak na mayroong allergy sa gatas. Madalas hindi kaagad available ang mga lactose-free na gatas sa stores or sa mall. Kaya mas lalong stressful para sa mga parents. Dahil diyan, nais naming matulungan kayo sa pamamagitan ng list na ito.
I-check ang prices ng bawat product ng list of best formula milk for lactose intolerant babies here:
Formula milk allergic baby |
Price |
S-26 LF GOLD® Lactose-Free Infant Formula |
Php 780.00 – Php 1,373.00 |
Enfamil A+ Two Formula Milk |
Php 1,933.00 |
Similac TummiCare HW One |
Php 1,756.00 |
Nestogen Low Lactose Milk |
Php 300.00 |
BONNA Low Lactose |
Php 150.00 |
NAN AL 110 Lactose-Free Milk |
Php 850.00 |
How to choose the best formula milk for allergic babies
Formula Milk For Allergic Babies: Best Brands Available In The Philippines
Hindi ganun kadaling mamili ng formula milk for allergic babies. Ang mga gatas kasi na tipikal makikita sa market and online shops ay nagtataglay ng high amount of lactose o milk sugar. Dahil diyan, nag-research kami kung paano nga ba mas mapapadali ang pagpili ng gatas for babies with lactose intolerance.
Sundin ang guide na ito:
- Check the brand – Always go for the brand na subok na. Alamin ang brand ng gatas kung kilala na ba ito sa paggawa ng lactose-free milk for babies. Sa ganitong paraan makakasigurado kang safe ito gamitin.
- Doctor’s recommended – Kung nais mong maensure na tama ang pipiliin, mas mainam na kumonsulta sa eksperto. Mahalaga ang kanilang opinyon para sa ganitong kundisyon.
- Consider the price – Pumili ng sapat at may magandang benefits na lactose-free na formula milk.
Formula feeding guide for babies 0 to 12 months
Maraming magulang ang kinakabahan o wala masyadong alam sa pagpapakain ng bata. Lalo na kung first time parents. Kung isa ka rin sa kanila, narito ang aming guide na maaari mong pagbasehan:
- Kung hindi available ang breastmilk, maaaring gumamit ng infant formula para sa source ng nutrients ng baby. Sa ganitong desisyon ay dapat hinihingi ang opinyon ng eksperto. Alamin kung ano ang mas makakabuti para sa iyong anak.
- Gawing mas interactive ang bottle feeding. Panatilihing hawak mo ang feeding bottle habang pinapadede si baby.
- Palaging maging mapagmatyag sa cues ng iyong anak. Malalaman mong kinakailangan na niya ng gatas kung siya ay umiiyak o hindi mapakali.
- Kapag nagsimula nang kumain ng solid food si baby, tandaan na mababawasan ang pagkonsumo niya ng gatas. Mas mabuting magtimpla lamang ng sapat para hindi masayang ang gatas.
Kinakailangan ng thorough research, maging ang pagkonsulta sa doktor para sa pagpili ng best formula milk para sa babies na may allergy. Kung may napusuan ka sa isa sa mga brands sa aming listahan, makipag ugnayan sa eksperto upang malaman kung angkop para sa iyong little one ang formula milk na iyong napili.