Ito ang mga gamot sa medicine cabinet na dapat mayroon kayo.
Binibigyang-diin ni Dr. Arsenio Meru, Jr., MD, isang doktor sa internal medicine at klinikal na assistant sa Royal Alexandra Hospital, ang kahalagahan ng maingat na pag-imbak ng gamot.
Lahat ng mga alalahanin sa kalusugan, lalo na kung may kinalaman sa mga bata, ay dapat konsultahin sa isang doktor. “Mahalaga na tiyakin na ang lahat ng gamot ay hindi maabot ng mga bata at nakalagay sa mga lalagyan na hindi madaling buksan upang maiwasan ang aksidenteng pag-inom,” dagdag niya.
Palaging tignan ang petsa ng pag-expire at itapon ang mga luma nang gamot. Dapat ding itapon ang mga hindi nagamit na antibiotic mula sa mga naunang reseta.
Ayon kay Rod Moser, PA, PhD, sa kanyang artikulo sa WebMD, ang mga gamot ay dapat hatiin sa iba’t ibang kategorya: mga gamot sa sipon, ointment o cream, mga pampatanggal ng sakit, at mga gamot na kasalukuyang iniinom (tulad ng bitamina, pang-maintenance para sa alta-presyon, diyabetis, at iba pa). Narito ang mga pangunahing gamot:
8 na gamot na kailangang laman ng inyong medicine cabinet sa bahay
Larawan mula sa iStock
1. Gamot sa lagnat at pananakit ng katawan
- Paracetamol para sa lagnat.
- Acetaminophen (katulad ng Tylenol) at ibuprofen (katulad ng Advil) para sa mga bata at matatanda.
- Mga gamot para sa sakit sa panahon ng regla.
2. Anti-Inflammatory o gamot sa pamamaga
- Kasama rito ang mga anti-inflammatory at para sa pamamaga. Ayon kay nurse Nornelie Paniza, RND, ang mga ito ay para mapahupa ang pamamaga at para rin sa mga muscular aches at sprains.
3. Antiseptic solutions
- Ito ay unang tulong para sa mabilis na paglilinis ng sugat. Kailangang hugasan at sabunin ang anumang sugat, tulad ng gasgas, kalmot, o kagat ng insekto, at pagkatapos ay lagyan ng antiseptic solution tulad ng Betadine. Mayroon ding mga antiseptic cream para sa mga bata.
Larawan mula sa iStock
4. Antihistamines para sa allergy
- Sa biglang pag-atake ng allergy tulad ng pangangati, pagpapantal, rashes o pag-ubo, ang mga antihistamines tulad ng Benadryl (diphenhydramine) at Claritin (loratadine) ay makakatulong.
5. Mga antifungal na gamot
- Para sa mga fungal infection tulad ng Athlete’s feet o fungal diaper rashes, ang mga ito ay unang lunas.
6. Antacids
- Para naman sa sakit ng tiyan at heartburn, ang mga antacids ay maaaring mabuti.
7. Hydrocortisone
- Ito ay para sa pangangati at mga kagat ng lamok o insekto, at iba pang mga sakit sa balat.
8. Iba pang mga gamot para sa sakit:
- Mayroon ding mga plaster strip (Band-aid), gauze dressings, Telfa (non-stick) pads, paper tape, at bulak (cotton balls and cotton buds).
Larawan mula sa iStock
Payo pa ni Paniza, kung kaya rin lang na tiisin ang sakit ng ulo, iwasang uminom ng ibuprofen. Sundin ang mga dosage recommendation ng doktor, huwag lalabis at huwag kukulang.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!