X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

"Miracle" na gamot na anti-cancer at anti-HIV, nakakalason

4 min read

Gamot sa HIV na “miracle solution” umano, hindi daw epektibo at higit sa lahat ay nakakalason. Ito ang babala na inilabas ng Food and Drug Administration o FDA.

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Babala ng FDA tungkol sa miracle solution na gamot sa HIV umano

Matapos makatanggap ng mga reklamo mula sa mga consumers na gumamit sa produkto, muling nagbabala ang FDA tungkol sa “miracle solution” na kumakalat sa merkado at online shopping sites. Ito daw ay nakakalason at mas nagdulot pa ng sakit sa mga nakainom nito.

gamot sa HIV

Image screenshot from YouTube video of CBC News

Ano ang MMS o Miracle Mineral Solution?

Ang MMS o Miracle Mineral Solution ay ang produktong ipinopromote ng samahang Genesis 2 Church Chapter na nakakagaling umano ng mga sakit. Ito ay isang inumin na ang main ingredient ay 28% sodium chlorite na inihalo sa distilled water.

Base sa instruction ng paggamit nito, para umano umepekto sa katawan ng tao ay kailangang ihalo ang MMS sa citric acid tulad ng lemon o lime juice. At kapag naihalo na ang citric acid sa sodium chlorite solution ay nagiging chlorine dioxide ito na nagpapagaling na daw ng mga sakit.

Ayon sa impormasyong makikita sa website ng MMS Philippines, ang chlorine dioxide daw ay ang pinaka-epektibong killer ng mga pathogens, viruses, molds, pathogens at mga sakit. Nagagamot din daw nito ang mga sakit tulad ng autism, cancer, HIV.AIDS, hepatitis, flu at marami pang ibang sakit.

Ngunit, iba ang pahayag ng FDA, ang chloride dioxide daw ay isang powerful bleaching agent na ginagamit na pang-linis at nakakasama sa kalusugan ng tao.

Epekto ng pag-inom ng chloride dioxide

Dahil sa pangakong epekto at lunas nito sa mga sakit ay marami ang na-engganyong gumamit ng MMS o miracle mineral solution na ito. Mapa-bata matanda sumubok ng MMS sa buong mundo, kabilang na ang Pilipinas.

Una ng nagbabala noong 2010 ang FDA sa masamang epekto ng MMS sa katawan ng tao. Ngunit makalipas ng ilang taon ay ikinagulat nila na mapahanggang-ngayon ay may mga nagbebebenta at tumatangkilik parin sa nakakalasong produkto.

Ayon sa FDA, nakatanggap sila ng mga reklamo at reports mula sa mga gumamit at uminom ng miracle solution. Nakaranas daw sila ng matinding pagsusuka, matinding pagtatae, life-threatening low blood pressure dulot ng dehydration at acute liver failure dahil sa pag-inom ng miracle solution.

Ito ay dahil ang sodium chlorite at chlorine dioxide ay parehong active ingredients na ginagamit sa mga disinfectants tulad ng bleach. Ang mga ito ay ginawa bilang pang-linis at hindi para inumin ng tao.

Dagdag pa ng FDA ay walang kahit anong research ang isinagawa para mapatunayan kung ligtas ba o effective ang miracle solution na ito.

Muling paalala

Kaya naman babala ng FDA, huwag tangkilikin ang nakakalasong produkto. Lalo na kung dumadaan sa medical treatments dahil mas pinahihina at dinedelay daw nito ang tamang lunas sa karamdaman mo.

Dito sa Pilipinas ang MMS ay ipinopromote at ibinebenta online sa halagang P1,800.00. Muli, ipinapaalala na ito ay nakakalason , hindi epektibo at hindi ito gamot sa HIV, AIDS lalo na sa autism sa mga bata.

Samantala, ang MMS ay kilala rin sa iba’t-ibang pangalan tulad ng Miracle Mineral Supplement, Miracle o Master Mineral Solution, Chlorine Dioxide (CD) Protocol at Water Purification Solution o WPS.

 

Source: MMS Philippines, FDA, Forbes

Basahin: HIV, nakakahawa ngunit maaaring mapigilan kapag nag-gamot

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • "Miracle" na gamot na anti-cancer at anti-HIV, nakakalason
Share:
  • Gamot para makaiwas sa HIV, available na sa bansa

    Gamot para makaiwas sa HIV, available na sa bansa

  • 692 na kabataan, na-diagnose na may HIV

    692 na kabataan, na-diagnose na may HIV

  • STUDY: Ang rason kung bakit nagiging pasaway ang bata

    STUDY: Ang rason kung bakit nagiging pasaway ang bata

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Gamot para makaiwas sa HIV, available na sa bansa

    Gamot para makaiwas sa HIV, available na sa bansa

  • 692 na kabataan, na-diagnose na may HIV

    692 na kabataan, na-diagnose na may HIV

  • STUDY: Ang rason kung bakit nagiging pasaway ang bata

    STUDY: Ang rason kung bakit nagiging pasaway ang bata

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.