Nahihirapang huminga? Baka mayroon kang iniindang sakit. Alamin rito ang mga kondisyon na maaring nagdudulot ng hirap sa paghinga.
Ang paghinga ay ang pinakanatural na bagay na ginagawa natin. Kaya naman kapag ang isang tao ay nahihirapang huminga, kadalasan ay senyales na ito ng isang karamdaman.
Pero paano mo nga ba malalaman kung ang hingal na nararamdaman mo ay normal lang o talagang mayroon nang hirap sa paghinga?
Ang pagkakaroon ng hirap sa paghinga ay maaaring sanhi ng iba’t ibang kondisyon sa katawan. Pwede itong dala ng stress at labis na pag-aalala, pero pwede rin namang senyales ito ng mas seryosong sakit na kailangan ng medikal na attention.
Narito ang ilan sa mga karamdaman na maaaring magdulot ng hirap sa paghinga.
13 kondisyon na maaaring dahilan ng hirap sa paghinga
Kapag nagkakaroon tayo ng ubo o sipon, minsan ay nahihirapan tayong huminga. Kaya naman una sa listahan ng mga karamdamang pwedeng magdulot ng hirap sa paghinga ay ang mga sakit sa baga.
Larawan mula sa Freepik
Ang asthma ay ang pamamaga at pagkipot ng daanan ng hangin sa ating baga na maaring magdulot ng hirap sa paghinga, humuhuning tunog mula sa baga, paninikip ng dibdib at pag-ubo. Mapabata o matanda ay pwedeng magkaroon ng sakit na ito.
Ito ay isang impeksyon sa baga na sanhi ng isang virus o bacteria, kung saan namamaga ito at nagbabara o sumisikip ang daluyan ng hangin o airways.
Ayon kay Dr. Romina Gerolaga, isang pediatrician at eksperto sa pediatric pulmonology sa Makati Medical Center, maaari ring magkaroon ng fluid (tubig o plema) ang loob ng air sacs. Paliwanag ng doktora, ang pamamaga o pagliit ng daluyan ng hangin ang dahilan kung bakit nahihirapan huminga ang taong may pulmonya.
“Liliit ito, hindi makakapasok ng maayos ‘yong hangin kaya ‘yong ibang may pulmonya, nahihirapang huminga.” aniya.
Bukod sa hirap sa paghinga, ilan pang sintomas ng pulmonya ay hingal, matinding ubo, pananakit ng dibdib, panginginig, at lagnat.
-
Chronic obstructive pulmonary disease (COPD)
Ang COPD ay ang grupo ng mga sakit na nakakapagpahina ng ating baga. Kabilang rito ang emphysema na kadalasang sanhi ng paninigarilyo.
Ilan pa sa mga sintomas ng COPD ay pagkakaroon ng halak, madalas na pag-ubo, plema, pagbaba ng oxygen levels at paninikit ng dibdib.
Nangyayari ito kapag nagkakaroon ng pagbabara sa isa sa mga arteries n papunta sa baga. Nagkakaroon ng blood clot sa isang bahagi ng katawan at konektado ito sa baga. Delikado ang ganitong kondisyon at nangangailangan ng agarang medikal na atensyon.
Ilan sa mga sintomas nito ay pamamaga ng mga binti, pananakit ng dibdib, ubo, halak, pagpapawis, abnormal na pagtibok ng puso, pagkahilo, kawalan ng malay at pamumutla.
Kapag ang isang tao ay mayroong high blood pressure, maaari ring kumipot o maging mahina ang arteries sa kaniyang baga at magdulot ng heart failure.
Kasama ng hirap sa paghinga, ang taong may pulmonary hypertension ay maaari ring makaranas ng pananakit ng dibdib at matinding pagod. Pwede itong tumuloy sa pulmonary embolism kaya kailangang bantayan ang mga sintomas nito.
Larawan mula sa Freepik
Ito ay isang respiratory condition na sanhi ng acute viral infection. Nagdudulot ito na matinding ubo na parang tumatahol.
Sa kasamaang palad, ang karaniwang tinatamaang ng ganitong sakit ay mga batang mula 6 na buwan hanggang 3-taong gulang kaya kumonsulta agad sa doktor kapag napansin ang matinding ubo sa iyong anak.
BASAHIN:
May tumutunog sa paghinga ng sanggol? Mga dahilan at posibleng gamot sa halak ng baby
Sintomas ng pulmonya sa bata na dapat mong bantayan
STUDY: Mga baby na pinainom ng antibiotic, may chance na magkaroon ng allergies at asthma paglaki
Ang bronchiolitis ay isang viral infection na tumatama sa bata at karaniwang nakikita sa mga sanggol na 6 na buwan pababa ang edad. Ang respiratory syncytial virus (RSV) ay ang karaniwang sanhi ng sakit na ito.
Sa umpisa, parang karaniwang sipon lang ang sintomas nito, pero matapos ang ilang araw, maaari itong sundan ng matinding ubo, halak at mabilis na paghinga.
Pwedeng bumaba ang oxygen level sa katawan ni baby kaya kailangan siyang dalhin sa ospital. Kadalasan, gumagaling naman ang sanggol sa loob ng 7 hanggang 10 araw.
Pero kapag napansin ang mga sumusunod na sintomas sa iyong anak, senyales ito na kailangan niya ng agarang medikal na atensyon.
-
- mabilis o nahihirapang huminga
- nakakagawa ng 40 breaths sa loob ng isang minuto
- kailangang maupo para makahinga
- may retractions, o ang kitang kitang pagtaas at baba ng kaniyang dibdib
Kapag ang iyong sanggol ay ipinanganak na premature o may sakit sa puso, kumonsulta agad sa doktor kapag napapansing hirap siyang huminga.
Larawan mula sa iStock
Ang epiglottitis ay isang matinding karamdaman na sanhi ng isang infection kung saan namamaga ang tissues na bumabalot sa ating windpipe. Kailangan ng agarang medikal na atensyon ng sakit na ito.
Ang iba pang sintomas ng epiglottitis ay pananakit ng lalamunan, lagnat, paglalaway, pagiging blue ng balat, nahihirapang lumunok at parang may kakaibang tunog kapag humihinga.
Maaari namang maiwasan ang sakit na ito sa pamamagitan ng a haemophilus influenzae type b (Hib) vaccination, na kadalasang ibinibigay sa mga bata bago umabot sa edad na 5.
Kadalasan, napapansin ding madalas na hinihingal at nahihirapang huminga ang mga taong may sakit sa puso. Ito ay dahil nahihirapang maglabas ng oxygen at dugo ang ating puso sa ibang parte ng katawan.
Narito ang ilang mga sakit na nagdudulot ng hirap sa paghinga.
Ito ang pagnipis at pagtigas ng mga arteries na nagbibigay ng dugo papunta sa ating puso, kaya nasisira ito. Kabilang sa mga sintomas nito ang pananakit ng dibdib at ang kinatatakutang heart attack.
May mga sanggol na ipinanganganak nang may mahinang puso o congenital heart disease na nagdudulot ng paghingal, hindi normal na pagtibok ng puso at hirap sa paghinga.
Ito ay ang pagkakaroon ng hindi normal na heartbeat kung saan masyadong mabagal o masyadong mabilis ang pagtibok ng puso. Ang mga taong may sakit sa puso ang kadalasang nagkakaroon ng arrhythmias.
Nangyayari ito kapag ang mga muscles sa iyong puso ay nanghihina at hindi na kayang magbigay ng dugo papunta sa buong katawan. Kadalasan, nagkakaroon ng buildup ng tubig sa baga.
Maaari ring magdulot ng kahirapan sa paghinga kapag inaatake sa puso, o mayroong sira sa mga valve na konektado sa puso ng isang tao.
Bukod sa mga sakit sa baga at puso, narito pa ang ilang posibleng sanhi para mahirapang huminga ang isang tao.
Nangyayari ito kapag ang itaas na bahagi ng tiyan ay nakalabas mula sa diaphragm papunta sa dibdib. Ang mga taong may hiatal hernia ay maaring makaranas ng paninikip ng dibdib, heartburn at hirap sa paglunok.
Maaari namang malunasan ito sa pamamagitan ng gamot at pagbabago sa lifestyle, pero may mga kaso rin na nangangailangan ito ng surgery.
Ang ating kapaligiran ay maaari ring makaapekto sa ating paghinga. Pwede tayong mahirapang huminga dahil sa:
-
- allergies sa alikabok, mold o pollen
- stress at pag-aalala
- kapag nahaharangan ang ating air passages kapag barado ang ating ilong o may plema sa lalamunan
- kapag bumababa ang oxygen natin dahil sa pag-akyat sa mataas na lugar
Sintomas at kailan dapat pumunta sa doktor
Paano mo nga ba malalaman kung hirap na huminga ang isang tao? Narito ang ilang senyales na dapat mong bantayan:
- mabilis na paghinga na parang hinihinga
- may halak o tunog sa paghinga
- namumutla o nagiging kulay blue ang mga labi at kuko
- labis na pagpapawis
- lumalaki ang butas ng ilong
Humingi agad ng tulong kapag nahirapan kang huminga. Gayundin, kapag may nakita o napansin kang taong bumagal o tumigil ang paghinga, tumawag ka agad ng doktor. Pwede ka ring magperform ng emergency CPR kung marunong ka.
Ano naman ng sintomas ng may butas sa baga?
Kung nag-aalala patungkol naman sa pagkakaroon ng butas sa baga, narito ang ilang mga sintomas ng may butas sa baga. Ito ay ang mga sumusunod:
- May sharp chest pain na lalong lumalala kapag umuubo o humihinga ng malalim
- Madaling mapagod
- Shortness of breath
- May mabilis na tibok ng puso
- Paninikip ng dibdib
Tinatawag ang sakit na ito o kundisyon ng pneumothorax, ito ay accumulation ng hangin sa pagitan ng baga at chest wall ng isang tao. Nangyayari ito kapag may na-develop na butas sa baga, na nag-a-allow ng hangin para lumabas. Isa pang tawag dito ay collapsed lung.
Ayon sa VeryWellHealth, mayroong 5 milyong tao ang ginagamot mula sa sakit na ito. Ang mga taong mataas ang tiyansa na magkaroon ng ganitong kundisyon ay ang mga taong naninigarilyo.
Larawan mula sa Freepik
Kapag ang hirap sa paghinga ay sinasamahan pa ng mga sumusunod na sintomas, maaring ibig-sabihin nito ay may seryosong karamdaman ang isang tao. Pwede ring bumababa ang kaniyang oxygen sa katawan, o inaatake sa puso.
Narito ang mga dapat mong antabayanan:
- lagnat
- bigat o pananakit ng dibdib
- halak o may tunog sa paghinga
- naninikip ang lalamunan
- matinding ubo
- hingal kung saan kailangan mong maupo
- hingal kung saan nagigising ka mula sa iyong pagtulog
Tandaan, ang hirap sa paghinga ay karaniwang senyales ng isang seryosong kondisyon, at kadalasan ay nangangailangang ng agarang medikal na atensyon.
Kaya naman kung may napapansin kang kakaiba sa iyong pahinga, o kaya naman napapansin mo ito sa miyembro ng iyong pamilya, huwag magdalawang-isip na kumonsulta sa doktor.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!