Kahit na napag-alamang pinaka-karaniwang klase ng impeksyon ng nagbubuntis, dapat pa ring alamin ng mga moms-to-be ang tungkol sa impeksyon sa ari ng babae tulad ng bacterial vaginosis at kung paano ito nakakaapekto sa pagbubuntis.
Ano ang Bacterial vaginosis?
Ang ari ng babae ay may natural na nakabubuting bacteria (lactobacilli) at ilang nakasasamang bacteria (anaerobes), na parehong nabubuhay nang balanse dito.
Ngunit sa sandaling mawala ang pagkabalanse nito, at dumami ang masamang bakterya. Magdudulot ito ng mga infection sa ari ng babae tulad ng bacterial vaginosis.
Karaniwan din ang pagkakaroon ng bacterial vaginosis sa mga babaeng may edad na 15 na taong gulang hanggang 44 na taong gulang.
Halos kalahati sa bilang ng mga babaeng apektado ng ganitong impeksyon ay hindi kinakikitaan ng anumang sintomas. Ang iba naman ay nakararanas ng pangangati, hindi kaaya-ayang amoy, at pag-iinit o pananakit ng bahagi ng ari.
Sa sandaling ito ay makita na ng mga doctor, madalas na inirerekomenda ang paggamit ng antibiotics o “oral/topical medication.”
Ang mga hindi nagpapagamot ay may panganib na magkaroon ng nakakahawang impeksyon o sakit sa pagtatalik at komplikasyon sa pagbubuntis tulad ng “pre-term labor” o “pelvic inflammatory disease”.
Hindi nakakahawang impeksyon o sakit sa pagtatalik (STD) and bacterial vaginosis, paglilinaw ni Jeanne Faulkner, R.N. sa artikulo sa Fit Pregnancy. Ngunit karaniwan itong makikita sa mga babaeng may bagong kapareha sa pagtatalik.
Sintomas ng Bacterial Vaginosis
Ilang sa mga sintomas ng bacterial vaginosis ay ang mga sumusunod:
- May manipis na gray, puti o green na vaginal discharge
- Pangangati ng ari
- Burning sensation kapag umiihi
- Amoy isda “fishy” ang amoy ng vaginal discharge
Sanhi ng Bacterial Vaginosis
Ang pagkakaroon ng ganitong klaseng impeksyon sa kababaihan ay sanhi ng overgrowth na mga bacteria sa kaniyang ari. Kadalasang “good” bacteria na lactobacilli at na uungusan ng “bad” bacteria na kung tawagin ay anaerobes.
Subalit kapag mas marami ang anaerobic bacteria nagugulo nito ang natural na balanse ng mircoorganisms sa ari ng babae na nagdudulot ng bacterial vaginosis.
Bakit mas madaling magkaroon ng impeksyon sa ari ng babae, lalo na sa mga buntis?
Halos 10 hanggang 30% ng mga babaeng buntis ang magkakaimpeksyon ng kahit isang beses. Ito ay dahil sa mga pagbabagong nagaganap sa kanyang katawan. Kasama na ang natural na PH at “flora” ng kanyang ari.
Kahit na hindi madalas na tinitingnan ng mga doctor para sa bacterial vaginosis sa panahon ng pre-natal period ang mga buntis. Mahalagang maging konsiderasyon din ito.
Kahit na hindi pangkaraniwan, may mga kaso na ang impeksyon sa ari ng babae ay umakyat mula sa ari hanggang sipit-sipitan, lagusan ng itlog, at matris. Ito’y nagdudulot ng masakit na kondisyon o “Pelvic Inflammatory Disease.”
Kung ito ay magkakaroon ng peklat o bara, maaari itong maging sanhi ng “ectopic pregnancy” o ‘di kaya’y pagkabaog. Kaya mahalagang magamot ang impeksyon sa ari ng babae bago pa ito kumalat.
Ang iba pang hindi pangkaraniwang komplikasyon na kaakibat ng pagkakaroon ng impeksyon sa ari ng babae na buntis ay premature labor, late miscarriage, at maagang pagputok ng amniotic sac.
Impeksyon sa ari ng babae: Paano maiiwasan ang pagkakaroon habang nagbubuntis?
May mga iminungkahi ang womenshealth.gov upang mabawasan ang panganib na magkaroon ng infection sa ari ng babae.
Panatilihin ang balanse ng bacteria sa ari
Kapag naghuhugas ng labas na bahagi ng ari, gumamit ng maligamgam na tubig na walang sabon. Sapagat kahit na ang mga banayad na sabon ay maaaring magdulot ng iritasyon.
Magpunas mula sa harapan patungong likurang bahagi ng ari at magsuot ng panloob na gawa sa cotton upang hindi mainit at komportable ang bahagi ng ari.
Huwag mag- douche
Kapag nagdu-douche, ang mga bacteria na tumutulong upang labanan ang infection sa ari ng babae ay nawawala rin.
Siguraduhing ligtas ang pagtatalik
Bagaman ang abstinence pa rin ang pinakang-epektibong paraan upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon sa ari ng babae, ang ligtas na pagtatalik ay mabuti ring hakbang. Gumamit ng condoms, birth control pills, implant o diaphragm.
Siguraduhing nasuri sa STDs
Upang maiwasan ang lahat ng tipo ng sakit at impeksyon sa ari ng babae, siguraduhing ikaw at ang iyong kapareha ay nagpapasuri kung may STDs, upang matingnan at maagapan ang impeksyon.
Laging magpakonsulta sa OB/Gynecologist para sa maayos na patnubay at masigurado ang malusog at masayang panganganak.
Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!