X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

#AskAtty: Puwede bang kasuhan kapag iniwanan ka ng nakabuntis sa’yo?

4 min read
#AskAtty: Puwede bang kasuhan kapag iniwanan ka ng nakabuntis sa’yo?

Ano nga ba ang habol ng isang babae sa tatay ng dinadala niyang sanggol, kung tahasan na siyang iniwan nito? May legal action ba na maaari niyang gawin?

Ano nga ba ang habol ng isang babae kung tahasan na siyang iniwan ng nakabuntis sa kaniya? May legal action ba na maaari niyang gawin?

Mas karaniwang alam ng marami na may batas para protektahan ang asawa at anak na iniwan ng tatay kung ang mga magulang ay legally married. Pero ano ang habol ng isang ina na iniwan ng kaniyang kinakasama o kasintahan, habang siya ay nagbubuntis pa lang?

Di ba’t responsibilidad ng mga magulang na suportahan ang kanilang mga anak? Ang isang ama ay may legal na obligasyon na magbigay ng suporta sa kaniyang anak, kahit pa hindi sila kasal ng ina ng bata. Kahit pa nga hindi gamit ng bata ang apelyido niya o hindi siya nakalagda sa Birth Certificate ng bata, may mga paraan para mapatunayan ang paternity. Kaya’t may habol ang bata.

Ano ang dapat gawin kapag ikaw ay iniwan ng nakabuntis?

Ayon kay Atty. Macam, kailangang mapatunayan ang paternity para makapaghabol ang isang unmarried woman na iniwan ng nakabuntis. Mabuti kung aakuin ng lalaki ang  paternity at agarang magpiprisinta ng suporta bago pa man ito maipanganak. “But if not, kakailanganing mapatunayan ng babae ang paternity sa korte para magawaran ng child support ang bata.”

Maraming paraan para mapatunayan ang relasyon ng bata sa kaniyang ama, sa ilalim ng Family Code at Rules of Court. Nakasaad sa Article 172 ng Family Code na pwedeng patunayan ang relasyon ng anak sa tatay o nanay sa pamamagitan ng final judgment/decision ng korte na nagpapatunay ng relasyon, bukod pa sa pag-amin ng magulang sa public document o kasulatan.

“Sa madaling salita, mayrong karapatan ang unmarried pregnant woman to claim support or seek acknowledgment of paternity of her unborn child,” pagdidiin ni Atty. Macam. Pero ang sinasabing “rights” o karapatang ito ay nakasalalay sa kung ang bata ay ipapanganak ng buhay, at kung may pormal o legal na acknowledgement ng tatay na anak nga niya ang bata. Dagdag ni Atty., dapat tandaan na ang established paternity at filiation (relasyon ng anak sa magulang), ang nagbibigay ng karapatan sa isang bata na gamitin ang apelyido ng kaniyang ama, pati na ang mabigyan ng financial support at successional rights.

Maaaring maghain ng Petition for Establishing Paternity and Filiation ang babaing iniwan ng nakabuntis, at mag-request ng Motion for DNA Testing. Ang korte na ang mag-uutos sa sinasabing tatay ng bata na sumailalim sa court-ordered DNA test para mapatunayan ang paternity. Saka pa lang ito mabibigyan ng established paternity at legal rights, tulad ng  child support, paliwanag ni Atty. Macam.

Legitimate claim of abandonment

Ang pag-abanduna o abandonment ay ang pag-iwan ng magulang sa anak at pagputol ng anumang komunikasyon. May nakatakda ang batas na haba ng panahon ng pag-iwan para masabing ito ay kaso na ng abandonment. Ito ay abadonment kung ang obligasyon ng magulang ay naputol o natigil na rin at hindi na naibigay sa anak.

Kung walang established paternity, at ang ina ay iniwan ng nakabuntis sa kaniya, hindi ito “abandonment”. Walang legal na obligasyon ang biological father sa bata kung walang pinirmahan at katunayan na inaangkin niya ang paternity o na siya ang tatay ng bata.

Nakasaad sa Article 166 ng Family Code ang mga salik na tinitingnan upang hindi kilalanin ng ama ang sinasabing anak nito. Isa na dito ang physical impossibility o kapag napatunayang imposibleng may maganap na pagtatalik sa panahon na sinasabing nabuo ang bata.

Sa pagkakataong may established paternity na, may karapatan ang mag-ina na humingi ng financial-child support mula sa tatay ng bata. Kung sa paglaon ay abandunahin ng ama ang bata, o ititigil ng tatay ang suporta, maaaring dalhin ito sa korte para maituloy ang suporta, o matanggal ang parental rights niya.

Sa isang banda, ang isang unwed mother na iniwan ng nakabuntis ay may mas malawak na karapatan patungkol sa pagdedesisyon tungkol sa kaniyang anak na inabanduna, kaysa sa isang ina na kinasal at hiniwalayan ng asawa. Ang isang legitimate claim of abandonment ay makakapagbigay ng mas malawak pang karapatan para sa kaniyang anak.

May kahabaan ang proseso, kaya’t kailangang ihanda ng babae ang sarili na masuportahan ang bata at tustusan ang lahat ng pangangailangan nito ng walang tulong ng lalaking nang-iwan. Dahil siya ang siguradong magulang ng bata, ang nanay ang may primary obligation sa bata, habang hindi pa napapatunayan ang paternity. 

Lahat ng naipaliwanag ni Atty. Macam ay payo lamang at paglilinaw sa mga katanungan para sa artikulong ito. Sa anumang usaping legal, kailangang kumunsulta ng personal sa isang abogado para mapag-aralang mabuti ang isang partikular na kaso.

SOURCE: Atty. Mia Macam, attorney-at-law

Partner Stories
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes

Basahin: Pag-amin ng isang misis: Nang mahiwalay ako sa asawa, naging kabit ako.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Anna Santos Villar

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • #AskAtty: Puwede bang kasuhan kapag iniwanan ka ng nakabuntis sa’yo?
Share:
  • How to Get Rid of a Diaper Rash in 24 Hours: Fast and Safe Remedies for Babies

    How to Get Rid of a Diaper Rash in 24 Hours: Fast and Safe Remedies for Babies

  • How Often to Change Diapers? A Parent’s Guide by Age, Poop Frequency & More

    How Often to Change Diapers? A Parent’s Guide by Age, Poop Frequency & More

  • When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

    When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

  • How to Get Rid of a Diaper Rash in 24 Hours: Fast and Safe Remedies for Babies

    How to Get Rid of a Diaper Rash in 24 Hours: Fast and Safe Remedies for Babies

  • How Often to Change Diapers? A Parent’s Guide by Age, Poop Frequency & More

    How Often to Change Diapers? A Parent’s Guide by Age, Poop Frequency & More

  • When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

    When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko