IVF after menopause, tunog imposible ngunit isang 74-anyos na babae mula sa India ang nagpatunay na puwede itong mangyari. Ito ay matapos siyang magsilang ng kambal sa kabila ng kaniyang edad at pagiging menopause na.
Ito raw ay dahil sa IVF after menopause
Sa kagustuhang magkaanak ni Sitarama Rajarao, 82-anyos ay sinubukan nila ang procedure na IVF after menopause ng kaniyang asawang si Mangayamma Yaramati, 74-anyos.
Hindi nga sila binigo ng nasabing procedure dahil nito lamang September 5, ay matagumpay na nagsilang si Yamarati ng kambal na sanggol na babae.
Para sa mag-asawa na mula sa Andra, Pradesh, India, ang pagkasilang ng kanilang kambal ay isang katuparan sa matagal na nilang pinapangarap. Lalo pa’t hinahamak o hinihiya sila ng mga tao sa kanilang lugar dahil sa hindi pagkakaanak ng matagal ng panahon.
“We tried many times and saw numerous doctors. So this is the happiest time of my life”, pahayag ni Yamarati sa isang report.
Ayon sa doktor at IVF specialist na nagpaaanak kay Yamarati na si Sankkayala Uma Shankar, ang ginang ay nagsilang sa pamamagitan ng caesarian section delivery at nasa maayos na kalagayan pati narin ang kaniyang baby. Naging maayos rin daw ang pagbubuntis nito na naisagawa sa pamamagitan ng in vitro fertilization.
“The pregnancy was smooth. There were no complications. She only had respiratory issues, but that was taken care of”, dagdag na pahayag ni Shankar sa isang report.
Pagkukwento ni Shankar, dahil si Yamarati ay menopause na kinailangang humanap muna ng egg donor na i-finertilized sa sperm ng kaniyang asawa na si Rajarao. Saka ito inilipat sa kaniyang uterus para doon mag-develop at lumaki.
Posibleng mangyari raw ito
Paliwanag naman ng isang professor sa maternal at fetal medicine na si Shannon Clark mula sa University of Texas bagamat ito ay unusual hindi naman ito malabong mangyari.
Dahil kahit daw ang isang babae ay menopause na tanging ang quality at quantity ng mga eggs niya lang ang nagdedeteriorate. Ngunit ang uterus o bahay bata ay hindi magbabago kahit siya pa ay tumanda na. At malaking tulong daw ang procedure na IVF after menopause para maisakatuparan ito.
Disadvantage ng pagbubuntis sa matandang edad
Sa kasalukuyan ay itinuturing si Yamarati na pinakamatandang babae na nagbigay silang sa buong mundo sa edad na 74-anyos.
Samantala noong 2016 ay isang Indian woman din ang nagbuntis sa edad na 70-anyos. Siya ay si Daljinder Kaur. Inalmahan ito ng mga ethicists na sinabing ang pagbubuntis sa matandang edad ay nakapa-irresponsable. Dahil ito sa pag-aalalang sino ang mag-aalaga sa sanggol habang ito ay lumalaki kung sila ay wala na dahil sa katandaan.
Sa kaso nila Yamarati at kaniyang asawa ito rin ang tanong ng mga tao na nakapaligid sa kanila. Lalo pa’t isang araw matapos magsilang si Yamarati ay nakaranas ng stroke ang asawa niyang si Rajarao na kasalukuyan ngayong ginagamot sa ospital.
Nang tanungin nga kung sino ang mag-aalaga sa kanilang mga anak sa oras na may mangyari sa kanila dulot ng kanilang katandaan ay ito ang naging sagot ni Rajarao.
“Nothing is in our hands. Whatever should happen will happen. It is all in the hands of God.”
Health at psychosocial support issues
Noong 2016, para maiwasan na ang mga ganitong insidente ay naglabas ang Ethics Committee of the American Society for Reproductive Medicine ng isang dokumento. Ayon sa dokumento ay kanilang dinidiscourage ang mga doktor sa pagbibigay ng donor oocytes o embryos sa mga babaeng 55-anyos pataas. Ito ay kahit pa sila ay walang iniindang problema sa kanilang kalusugan. Dahil ito umano sa kaligtasan ng ina at sanggol na ipagbubuntis sa matanda ng edad. Dagdag pa ang kinakailangang psychosocial support sa pagpapalaki ng sanggol na hindi na siguradong magagampanan ng isang babae o mag-asawang nasa matanda ng edad.
Advantage ng pagbubuntis ng matanda na
Longer life
Kinontra naman ng isang pag-aaral ang pahayag na ito ng Ethics Committee of the American Society for Reproductive Medicine. Ayon sa pag-aaral na inilathala sa journal na Menopause, ang mga babaeng nabuntis sa edad na 33 pataas ay tumataas pa ang tiyansang mabuhay ng hanggang 95 years old.
Proteksyon laban sa cognitive decline
Habang ayon naman sa isang pag-aaral na ginawa ng mga researchers na mula sa University of Southern California ang pagbubuntis sa matandang edad ay isang proteksyon panlaban sa cognitive decline. Dahil natuklasan ng mga researchers na ang mga kababaihan ay may better brainpower kapag sila ay menopause na.
Mas lumalaki ang savings at income
Para naman kay Raul Santaeulalia-Llopis, isang researcher, ang mga babaeng nagbubuntis o bumubuo ng pamilya kapag sila ay matanda ay tumataas pa ang tiyansang yumaman sa buhay. Dahil mas nabibigyan sila ng mas mahabang time para maka-save habang sila ay wala pang anak. Ito ang natuklasan niya at kaniyang co-researchers sa isang pag-aaral na nailathala sa journal na PLosOne.
More quality time sa magiging anak
Bilang resulta ng kanilang pagsesave habang sila ay wala pang anak ay mas nagiging less stress sila sa oras na sila ay magkaanak na. Mas nagkakaroon rin sila ng oras para maalagaan ang kanilang anak dahil sila ay secured at sigurado na sa future ng mga ito. Ito ay ayon sa isang pag-aaral na inilathala sa Journal of Family Psychology.
Mas nagiging competitive ang anak sa school
Dagdag pa dito ang oportunidad ng mga older mothers na makapag-aral ng mas mahaba kumpara sa mga babaeng maagang nagkaanak. Malaking tulong daw ito sa educational at over-all development ng isang bata. Dahil ayon sa isang pag-aaral na inilathala sa Journal of Population and Development Review, ang mga natutunan ng isang magulang ay na-tratranslate sa kaniyang magiging anak. Kaya kung siya ay mas nakapag-aral ay marami siyang matuturo sa kaniyang anak na makakaapekto sa performance nito sa school.
Bagamat patuloy paring pinagdedebatehan, ay hindi dapat kwestyunin ang pagdating ng isang sanggol sa buhay ng isang tao o mag-asawa. Dahil ito ay isang regalo mula sa Diyos na marapat lang na pasalamatan, mahalin at arugain ng may buong puso at pagmamahal.
Source: Washington Post, BBC News, US News Health
Basahin: Premature vs. early menopause: What all women need to know
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!