Ang kaposi sarcoma herpesvirus (KSHV) ay isang tipo ng herpes virus na nagiging sanhi ng kaposi sarcoma. Karamihan sa may KSVH ay hindi nagkakaroon ng kaposi sarcoma hanggang ang kanilang immune system ay hindi napipigilan.
Tumaas ang bilang ng may kaposi sarcoma nang 20 beses kasabay ang pagkalat ng HIV nuong 1990’s.
Hanggang ngayon, ang tipo ng kanser na ito ay makikita sa mga nasa huling bahagi ng HIV. Makikita rin ito sa mga taong umiinom ng mga gamot na sadyang nagpapahina ng immune system.
Ano ang kaposi sarcoma
Ang kaposi sarcoma ay tipo ng tumor na may kinalaman sa mga ugat ng dugo at nakaka-apekto sa soft tissue ng iba’t ibang bahagi ng katawan. Ito ay uri ng cancer na nagdedevelop sa cells ng mga blood vessels.
Nagsisimula sa endothelial cells na matatagpuan sa mga ugat ng dugo at lymphatic vessels. Lumalaki ang mga ito nang mabilisan upang mabuhay nang mas matagal.
Apat na klase ng KS:
- Classic KS – Kadalasan nakukuha ng mga lalaking may lahing Mediterranean, Eastern European at Middle Eastern.
- Epidemic KS – Pinaka-karaniwang klase ng kaposi sarcoma.
- Endemic KS – Kilala bilang African kaposi sarcoma, karaniwang matatagpuan sa equatorial Africa at maaaring makuha ng mga bata at matanda malaya kahit walang HIV.
- Iatrogenic KS – Kilala bilang immunosuppressive treatment-related kaposi sarcoma, immunosuppressive kaposi sarcoma, o transplant-related kaposi sarcoma.
Ang KS ay ang pinaka-karaniwang malignancy na may kinalaman sa AIDS. Ang pagkakaroon ng sugat mula sa kaposi sarcoma ay ang naging dahilan kung bakit sinuri ang pang-huling bahagi ng HIV.
Kamakailan lamang, may mga reports ng kaposi sarcoma sa mga taong napangangalagaan ang kanilang HIV. Ang mga taong ito ay gumagamit ng antiretroviral na gamot at ang kanilang viral load ay hindi natutuklasan. Dahil dito, pinagiisipan ng mga physician kung dapat bang ituring na bahagi ng stage 3 HIV.
Mga sanhi ng kaposi sarcoma
Nuong 1994, inimbestigahan ng Chang and Moore ang genetic material mula sa mga tumor ng kaposi sarcoma. Dito na-diskubre ang KSVH na kilala rin bilang human herpesvirus 8 (HHV8).
Halos lahat ng sugat mula sa KS ay may viral DNA mula sa HHV8. Ngunit, kahit pa ang paglaki ng kaposi sarcoma ay kinakailangan ng HHV8, kung paano napapalaki ng virus ang tumor ay iniimbestigahan pa.
Maraming paraan kung paano kumakalat ang HHV8. Maaari itong kumalat may pagtatalik man o wala. Maaari rin itong maipasa sa pamamagitan ng organ transplant at breastfeeding.
Dahil sa pagkakaroon ng KSHV sa laway, ang HHV8 ay maaaring maikalat sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan ng pakikipagtalik na ginagamit ang bibig. Ang bilang ng mat HHV8 ay mas mataas sa mga homosexual na lalaki kumpara sa iba pa.
Mga sintomas
Ang mga may KS ay hindi laging nagpapakita ng mga sintomas. Sa karamihan, ang nagiging pahiwatig ay ang mga asymptomatic na sugat.
Kadalasan, ang KS ay nagiging sanhi ng mga marka sa balat na:
- Brown, purple, pink o pulang batik na tinatawag na macules.
- May ugaling magsama bilang plaques at nodules na may kulay blue-violet o itim.
- Pamamaga at palabas o paloob na paglaki ng soft tissue o buto.
Pagsusuri para sa kaposi sarcoma
Ang pagsusuri sa isang sugat para sa KS ay isinasagawa sa pamamagitan ng biopsy. Para sa mga naghihinala ng internal tumors, maaring gawin ang pagsusuri sa pamamagitan ng:
- CT Scan o X-ray sa dibdib o tiyan
- Bronchoscopy
- Gastrointestinal endoscopy
Ang mga eksperto ay kasulukuyang inaaaral ang paggamit ng skin ultrasound upang suriin ang pagkakaroon ng sugat mula sa kaposi sarcoma.
Pag-gamot
Kung ang tumor ay walang dinudulot na pananakit, kadalasan ay hindi nito kinakailangan ng paggamot.
Ang mga kailangan ng paggamot ay maaaring gawin ang paggamot sa iba pang uri ng kanser:
- Local therapy at surgery
- Radiation therapy
- Chemotherapy
- Immunotherapy
Kasalukuyang inaaral ng mga eksperto ang ibang paraan ng localized treatment. Kabilang sa mga ito ang sodium tetradecyl sulphate.
Source: Medical News Today, American Cancer Society
Basahin: Sintomas ng HIV: Maagang senyales ng sakit na ito
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!