X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

11 na mabuting asal at kaugalian ng mga Pilipino na dapat ituro sa mga anak

7 min read

Iba na ang bata ngayon—makabago na daw. Pero hindi pa rin dapat kalimutan ang mabuting asal at kaugaliang Pilipino na kinalakihan din nating mga magulang. Narito ang mga pangaral ng mabuting asal na hindi dapat kaligtaan.

Mababasa sa artikulong ito:

  • 11 na mabuting asal at kaugalian ng mga Pilipino na dapat ituro sa mga anak
  • Kahalagan ng mabuting asal
  • Paano sila tuturuan?

Mabilis matuto ang mga bata, lalo na kung nakikita ang halimbawa mula sa mga matatanda. Kaya nga ang magandang asal o ugali at kaugaliang Pilipino ay dapat na ituro at ipakita, at isabuhay sa araw-araw ng mga magulang. 

Para maging mabuting impluwensiya sa mga bata. Ito kasi ang gagabay sa kanila at magagamit nila sa habambuhay sa pakikitungo at pakikisalamuha sa iba’t ibang tao.

Sa pagtuturo ng mabuting asal at kaugaliang Pilipino sa mga bata, tingnan ang edad ng bata at ang kakayahan nilang gawin ito. Kasama na rin ang kung sino ang makakasama nila para tularan.

kaugalian ng mga pilipino

Larawan mula sa iStock

Katulad na lang kapag pumapasok na sa elementarya ang bata, kung saan nakikita niya ang ginagawa ng mga kaibigan, mabuti at hindi, at iniisip kung dapat bang gayahin o hindi.

Di ba’t nakatutuwang makita na marunong magpakita ng paggalang at respeto ang ating mga anak, di lang sa mga nakatatanda kundi pati sa mga kapwa nila bata, at sa ibang tao, ano man ang estado sa buhay?

Ano nga bang mabuting asal at kaugaliang Pilipino ang dapat ituro sa mga bata, at paano ito ituturo?

11 na mabuting asal at kaugalian ng mga Pilipino na dapat ituro sa mga anak

kaugalian ng mga pilipino

Larawan mula sa iStock

1. Magalang na pananalita

Ang limang ito ay dapat na nasa unang bokabularyo ng mga bata, kahit gaano kabata (kayang kaya itong matutunang kahit pa 2 taong gulang lang. “Please,” “Thank you” o “Salamat,” “Makikiraan po” o “Excuse me,” “Puwede po bang…” o “May I…?”, “Po” at “Opo”. Isa ito sa mga mabuting kaugalian ng mga Pilipino

Ituro at gawing halimbawa ang pagsasabi ng “Makikiraan po” o “Excuse me” kapag dadaan sa gitna ng magkausap, kapag makikiraan at nagmamadali, o kapag gustong makausap ang isang tao na may ginagawa o may kausap na iba.

2. Paghingi ng permiso

Turuan ang bata na magpaalam o humingi ng permiso bago kumuha o gumamit ng isang bagay na hindi kaniya. Mahalagang maintindihan niya kahit hindi sigurado kung kanino ang isang bagay, o kahit wala ang may ari ng bagay na ito, kailangang maghintay para makapagpaalam.

3. Pangangamusta

Kapag may nagtanong ng “Kumusta ka?” turuan ang bata kung paano sumagot ng nararapat at may galang, gayudin ang pagbalik ng tanong sa kausap: “Mabuti po. Kayo po, kumusta po kayo?”

4. Huwang manghimasok

Turuan ang bata na igalang ang “privacy” o pribadong buhay ng isang tao.

Huwag papasok basta sa isang kuwarto ng hindi kumakatok, at huwag makikinig sa usapan ng mga matatanda o ibang tao. Hindi din dapat binubuksan at ginagalaw ang gamit ng iba, kahit pa ang bag ni nanay at tatay, mga kapatid, o bag ng kalaro.

kaugalian ng mga pilipino

Kaugalian ng mga Pilipino

5. Table manners

Turuan sila ng “table manners” o tamang asal sa harap ng hapag kainan. Ito ang isang bagay na sa bahay unang nakikita at natututunan.

Mula sa pag-upo sa harap ng lamesa habang kumakain at hindi patayo-tayo, pagsasabi ng “Paabot po” at hindi iyong umaabot at humaharang sa harap ng katabi, hanggang sa pagliligpit ng kinainan.

Mahalaga ang pagkakaroon ng paggalang sa mga matatanda sa lahat ng pagkakataon.

6. Huwag maging mapanghusga

Hindi mabuti ang pagtingin sa pisikal na katangian lamang ng tao, lalo na ang pamimintas sa kapwa, harapan man o hindi naririnig nito. Kasama rin dito ang paghusga sa tao na base sa relihiyon, race, kasarian, at nasyonalidad.

Kapag madalas na naririnig ng bata ang mga negatibong usapan tungkol sa ibang tao, matatanim sa isip niya na normal at walang masama sa pamimintas sa kapwa.

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

BASAHIN:

Paano maging mabuting bata: Tamang pagpapalaki

6 old parenting Filipino practices and beliefs, are they worth reviving?

4 parenting mistakes kaya lumalaking walang malasakit at pakialam ang bata

7. Pagrespeto sa personal space

Ang paggalang sa kapwa ay naipapakita sa pamamagitan ng pagrespeto sa lugar na ginagalawan ng bawat indibidwal. Magtakip ng bibig kapag umuubo o bumabahing.

Gumamit ng tisyu kapag pupunasan ang ilong, at huwag kalikutin ang ngipin o ilong kapag nasa harap ng ibang tao, lalo kung kumakain.

Hindi rin dapat basta pumapasok sa may kwarto ng may kwarto. Dapat kumatok at humingi ng pahintulot bago pumasok sa kwarto ng isang tao.

8. Pagiging masinop

Naipapakita rin ang mabuting asal sa kakayahang magligpit ng mga bagay na ginamit, o lugar na ginalawan tulad ng playground, o play room, kusina, hapag-kainan, at iba pa.

Kasama na rin ang pagsasauli ng gamit na hiniram, o pagbabalik ng mga bagay kung saan ito kinuha. Sa mga magulang din ito una at palaging nakikita.

Ganoon din halimbawa sa paglalagay ng maruruming damit sa labahan, o kaya naman pagtitiklop ng damit, pagsasabit ng tuwalya kapag tapos na itong gamitin, at pagtatabi ng sapatos sa lalagyanan kapag tapos na rin itong gamitin.

kaugalian ng mga pilipino

9. Paglinis ng kapaligiran

At kung marunong magligpit, dapat ay marunong ding panatlihing malinis ang paligid, labas o loob man ng bahay. Iwasan ang pagkakalat, at pagtatapon ng basura o kalat sa kalye. Ugaliing maghanap ng basurahan at duon lamang itapon ang basura.

Isa mga maaaring ituro sa mga bata ay kapag may kalat sila o kumain sila ng candy at wala silang mapagtapunan ng balat ng candy ay ibulsa muna ito.

Bilang mga bata pa lamang dapat ituro na sa kanila ang kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran.

kaugalian ng mga pilipino

10. Pagkilala sa mga tao sa kanilang paligid

Hindi ba’t mabuting maturuan ang mga bata na alamin ang pangalan ng mga taong palagi nilang nakakasalamuha? Mula sa mga kasambahay, guwardiya sa eskwelahan, mga guro, mga kapitbahay, at iba pa, ituro sa mga bata na lahat ay may pangalan at naipapakita ang respeto sa iba kapag pangalan nila ang gamit.

11. Pagmamahal sa bansa

Respetuhin ang Pambansang Awit at Panatang Makabayan sa pamamagitan ng pagtigil ng anumang ginagawa at pagtayo ng tuwid, kahit pa nasa loob ng sinehan o kapag may programa sa eskwelahan.

Paano sila tuturuan ng mabuting kaugalian ng mga Pilipino?

11 na mabuting asal at kaugalian ng mga Pilipino na dapat ituro sa mga anak

Larawan mula sa iStock

  • Maging modelo sa mga bata. Ang pakikipag-usap ng magalang, may pakiusap tulad ng “Paki” (Pakiabot po ang baso) o “Please” ay dapat na pinapakita nang tahasan para tularan ng bata. Ang ginagawa ng matanda ay ginagaya ng bata, hindi ba? Kaya’t kung magalang makitungo at makipag-usap ang mga magulang, makukuha ito ng mga bata kahit hindi ipilit.
  • Ipaalam sa bata na tama ang ginagawa niya at bigyan siya ng positive reinforcement.
    Di ba’t natutuwa ang mga bata kapag napapansin ang “effort” nila? Lalo na kung mga matatanda at mga magulang nila ang magbibigay ng papuri. Minsan kasi, puro pagkakamali ng bata ang napapansin. Iwasan lang na sobrang papuri at hindi specific ang sinasabi, at hindi rin ito makakabuti sa bata.
  • Habaan ang pasensiya. Hindi kaagad natututunan ang mabuting asal, lalo kung batang bata pa. Paulit-ulit at consistent dapat para maisaisip ito.
  • Kausapin sila palagi—hindi pagalit, hindi “sermon” at hindi naman puro positibo din. Tanungin kung ano ang nararamdaman, pakinggan sila at magkasamang bigyan ng solusyon ang anumang problema o pag-aagam-agam.
  • Kaagad na itama o ituro ang dapat, kapag nakitang may ginagawang hindi kanais-nais o tama ang bata.
    Huwag patagalin dahil hindi niya ito maaalala.Tandaan na minsan ay di napapansin ng bata na mali na pala, o hindi na pala magalang ang pagsasalita. Iwasang pahiyain ang bata. Kung pagsasabihan siya, ilayo sa mata ng ibang tao saka kausapin.

 

Source:

Readers Digest, docsity, indigenouspsych.org

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Anna Santos Villar

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 11 na mabuting asal at kaugalian ng mga Pilipino na dapat ituro sa mga anak
Share:
  • Wondering if you're doing enough? Here are the 11 signs of good parenting

    Wondering if you're doing enough? Here are the 11 signs of good parenting

  • 5 Senyales na mabuti kang magulang

    5 Senyales na mabuti kang magulang

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Wondering if you're doing enough? Here are the 11 signs of good parenting

    Wondering if you're doing enough? Here are the 11 signs of good parenting

  • 5 Senyales na mabuti kang magulang

    5 Senyales na mabuti kang magulang

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.