Ano ang reaksyon ng isang asawa pagkarinig nito ng balita mula sa sabik na kabiyak? Ayon sa pag-aaral, maaaring mayroon itong malaking epekto sa kasiyahan ng pagsasama ng mag-asawa. Ang payo sa mag-asawa ay ang pagkakaroon ng positibong emosyon upang maging masaya ang pagsasama.
Malaki ang ibinibigay na diin sa mga mag-asawa pagdating sa suportang ibinibigay sa isa’t-isa sa mga panahon ng kalungkutan. Ngunit ang payo sa mag-asawa ng mga pag-aaral ay importante rin, kung hindi higit pa, ang reaksyon sa mga magagandang balita.
Pag-aaral sa kasiyahan sa reaksyon
Ang psychologist na si Raluca Petrican at ang Rotman Research Institute ng Toronto ay nagsagawa ng pag-aaral ng mga brain-imaging. Ang mga lumahok ay 14 na mga babae na may edad na 72 taong gulang. Lahat ng mga lumahok na ito ay nasa mahigit kumulang 40 na taon nang kasal. Inaral ang brain scans ng mga babae habang sila ay nanunuod ng mga inihandang videos.
Ang mga videos ay nasa 10 segundo ang haba kung saan makikita ang asawa ng mga babae o kaya naman ay taong hindi nila kilala. Ang mga video ay sadyang ginawa kung saan makikita ng mga babae ang pagpapakita ng lalaki ng emosyon na hindi tugma sa ipinapakita sa video.
Halimbawa, maaaring ipakita ang asawa na nakangiti sa pagiisip ng masasayang alaala habang ang label ng video ay nagsasabi na ang iniisip ng lalaki ay tungkol sa malungkot na pinagdaanan. Ang ibang videos ay kabaliktaran ang ipinapakita kung saan negatibo emosyon ng lalaki habang ang label ay sa masayang ala-ala.
Ang katumbas ng mga videos na ito sa totoong buhay ay ang sitwasyon kung saan ang lalaki ay masaya sa isang balita na hindi naiintindihan ng asawa niya.
Pagsusuri sa pag-aaral
Ang unang natuklasan sa isinagawang pag-aaral ay sa reaksyon ng mga babae. Ang mga babae ay pare-parehong nagkaroon ng enhanced brain activity habang pinapanood ang kanilang mga asawa kumpara sa reaksyon nila sa panonood ng taong hindi nila kilala. Ngunit ang mga enhanced brain activity na ito ay nangyayari lamang kapag ang kanilang mga asawa ay nagpapakita ng positibong emosyon. Sa ibang mga videos, ang brain activity ng mga babae ay pareho lamang kapag pinapanood ang hindi nila kilala o ang kanilang asawa.
Ito ay tumutugma sa mga dating pagaaral na ang reaksyon sa positibong balita ng mga asawa ay importante sa masayang pagsasama. Ang mga babaeng lumahok ay kasal na nang ilang dekada kaya malamang na ang kanilang mga asawa ay may ginagawang tama. Ayon sa mga brain-imaging data, ito ay dahil sa ang mga babae ay sobrang saya sa pagpapakita ng kasiyahan ng kanilang mga asawa.
Ang isa pang natuklasan sa pagaaral ay ang mga babae na mas masaya sa kanilang mga asawa ay masnakitaan ng brain activation sa mga lugar ng utak na may mirror neurons. Ang mirror neurons ay ang mga neurons sa utak na kailangan sa pakikiramdam. Lumabas ang mga activation na ito habang pinapanood ng mga babae ang kanilang mga asawa kumpara sa panonood sa mga hindi kilala.
Ang mga enhanced mirror-neuron activity na ito ay mas lumabas pa sa mga videos na may positibong emosyon ang mga lalaki kaysa sa mga may negatibong emosyon sila. Muli, pinapayo nito sa mag-asawa na ang kasiyahan sa pagsasama ay sumasabay sa pagiging sensitibo sa positibong emosyon ng mga partners.
Ipinapakita ng mga resulta na pati sa neural levels, ang mga taong nasa masayang pagsasama ay sensitibo sa positibong emosyon ng kanilang mga kabiyak kahit na ito ay salungat sa kanilang nararamdaman. Ito ay tumutugma sa mga nakaraang pagaaral kung saan natuklasan na ang mga hindi kayang makita ang pagkakaiba ang emosyon ng mga kabiyak nila sa sariling emosyon ay nakikita ng kanilang mga asawa bilang nakakasakal.
Source: CNN
Basahin: STUDY: Mas humahaba raw ang buhay kapag masaya ang mag-asawa
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!