Ang mantinding pag-ulan ay nagdudulot din ng matinding pagbaha, lalo na sa mga mababang lugar. Ang pagbaha ay maaring maging breeding ground ng maraming bacteria, katulad na lamang ng Leptospirosis. Alamin dito lahat ng impormasyon tungkol sa leptospirosis sintomas, gamot, at paano maiiwasan.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
Ano ang leptospirosis?
Ang Leptospirosis ay isang uri ng sakit ng dulot ng isang microbacteria na tinatawag na Leptospira, na maaring matagpuan sa mga tubig baha, putik, taniman, o kahit sa swimming pool. Ang Leptospira ay namumuhay sa iba’t ibang klaseng hayop, katulad ng daga, baboy, aso, at baka. Ang mga hayop na ito ay maaring makapagkalat ng Leptospirosis sa pamamagitan ng kanilang ihi o dugo, na maaring pumasok sa katawan ng tao sa pamamagitan ng mata, ilong, bibig, at sa sugat.
Ayon sa report ng Pia.gov.ph no’ng June 28, 2018, umabot na sa 93 ang namatay sa Pilipinas dahil sa Leptospirosis, mula January 1 hanggang June 9, 2018. Kaya pinapaalalahanan ang mga mamamayan na mag-ingat at siugarudhing makaiwas sa sakit na ito.
Leptospirosis: sintomas
PHOTO: Shutterstock
Ayon sa Cdc.gov, ang official website ng Center for Disease Control and Prevention, maging alerto sa mga sintomas na ito: mataas ng lagnat, matinding pananakit ng ulo, panginginig, mananakit ng kalamnan, pagsusuka, maninilaw ng balat at mata, pamumula ng mata, pananakit ng tiyan, pagtatae, at pagkakaroon ng pantal.
Paano maiwasan?
Upang maiwasan o magamot ang Leptospirosis, maaring gawin ang mga ito:
- Kung maari, umiwas sa pagsulong o paglakad sa baha. Kahit walang baha, umiwas sa mga putik o tubig na maaring nakontamina ng Leptospira.
- Kung hindi maiwasan ang pagsulong o paglakad sa baha, magsuot ng pamprotekta sa mga exposed areas ng iyong katawan, lalo na sa mga parte na may sugat. Maaring magsuot ng rubber boots, rain coat, at rain pants. Pagkatapos nito, linisan nang maigi at sabunan ang buong katawan, lalo na ang parte na may sugat. Magpahid ng disinfectant o alcohol sa buong katawan.
- Kung kayo ay malapit sa mga lugar na maraming hayop, o kung kayo ay may farm, madalas dapat na pinapa-check ang mga hayop upang malaman kung sila ay nalalinan ng Leptospira.
- Tumawag ng pest control o humingi ng tulong sa barangay kung sakaling namumugad na ang mga daga sa bahay ninyo o sa mga lugar na malapit sa bahay ninyo.
- Kung kayo ay nakakaranas na ng mga sintomas, agad na magpa-konsulta sa doktor. Ang sintomas ay maaring maramdaman mahigit-kumulang sa apat na araw matapos ang isang tao ay na-infect ng sakit. Huwag hayaang lumala ang sakit bago pumuntang health center, clinic, o hospital.
- Kung prone sa leptospirosis ang lugar ninyo, bago pa man bumaha, kumonsulta na sa doctor at bumili na ng gamot na puwedeng agad-agad inumin kung sakaling kailangang lumusong sa baha. Ang doxycycline ang isa sa mga gamot na pinapainom sa mga taong maaring nakakuha ng Leptospirosis.
BABALA: Huwag uminom ng gamot na ito kung hindi pa kumukonsulta sa doktor, lalo na kung bata ang iinom.
- Panatilihing malinis ang kapaligiran at iwasang mag-imbak ng maraming gamit, basura, at pagkain, dahil maari itong bahayan ng daga.
- Laging maing alerto sa babala ng gobyerno at news kung may parating na bagyo o habagat na maaring magdulot ng pagbaha.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!