Lying in clinic vs hospital: Saan ba mas magandang manganak?
Mababasa sa artikulong ito:
- Panganganak sa Lying in clinic vs hospital
- Benepisyo ng panganganak sa lying in clinic at hospital
Lying in clinic vs hospital: Saan maganda manganak?
Saan nga ba mas magandang manganak, maliban kasi sa mga ospital pwede ang panganganak sa isang lying in clinic. Pero ano ba ang benepisyo at kagandahan sa panganganak sa lying in clinic vs hospital at vice versa. Pero ano nga ba ang pagkakaiba ng panganganak sa lying-in clinic at hospital? Lahat ba ng buntis ay maaaring mamili sa kung saan sa dalawa sila maaaring manganak?
Panganganak sa lying-in clinic
Ang panganganak sa mga lying-in clinic ang isa sa paraang nakita ng Department of Health upang mabawasan ang infant at maternal mortality rate sa bansa. Partikular na sa mga lugar na malalayo ang ospital at mahihirapang mabigyan ng medikal na atensyon ang mga babaeng nagdadalang-tao.
Homey environment sa panganganak
Ayon sa pagsasalarawan ng pregnancy website na Whattoexpect, ang mga lying-in centers ay freestanding facilities na nagbibigay ng homey feeling sa mga buntis na nagnanais ng natural childbirth experience. Hindi ito tulad ng mga ospital na puno ng medical equipment at limitadong tao lang ang makikita mo. Sapagkat madalas, isa hanggang apat na buntis lang ang maaaring manganak dito sa loob ng isang araw. Kaya naman mas nagkakaroon ng privacy ang babaeng bagong panganak at kaniyang sanggol. Kung sinuswerte, minsan nga’y isang buntis lang ang nanganganak sa isang lying-in center sa isang araw. Kaya naman solo o tila naka-private room na siya sa isang ospital at mas matututukan pa ang pangangailangan niya.
Depende sa pag-aanakan ay mas maluwag ang visiting hours at rules ng mga lying-in clinic kaysa sa mga ospital.
Normal vaginal delivery lang puwede
Pagdating sa pagbibigay ng primary care sa mga buntis, midwife at hindi OB-GYN ang gumagawa nito sa mga lying-in centers. Siya’y hahalilinan ng isang nurse na tutulong din sa kaniya sa pagpapaanak at pagbibigay ng CPR o neonatal resuscitation, kung kinakailangan ng buntis at bagong silang nitong sanggol. Dahil rito’y hindi nagsasagawa ng cesarean section delivery sa mga lying-in centers. Tanging normal vaginal delivery lang ang maaaring gawin rito na nangangailangan lang ng kakaunting medical intervention. Hindi rin ini-encourage rito ang induced labor, paggamit ng epidurals at paggamit ng vacuum o forceps sa panganganak.
BASAHIN:
Home Birth during COVID-19: Lahat ng dapat mong malaman
Is water birth less painful?
Maternity hospitals in Manila for 2021: Maternity packages and rates
Kailangang i-transfer sa ospital kung may emergency
Sa oras ng hindi inaasahang emergency, hindi kayang tugunan ng mga lying in clinic ang medikal na atensyon na kailangan ng manganganak na ina o ng kaniyang sanggol. Kaya naman kailangan niya pa ring dalhin o ilipat sa ospital na oras na ito ay mangyari.
Tipid at mas mabilis ang recovery time
Dahil sa less medication at medical intervention mas mabilis ang recovery time ng mga babaeng nanganganak sa mga lying-in clinic. Madalas sa loob ng 24 oras ay maaari na siyang umuwi kasama ang kaniyang sanggol.
Kaya naman masasabing mas tipid manganak dito. Lalo na kung ang babaeng manganganak ay aktibong miyembro ng Philhealth at ang panganganakan niyang lying-in clinic ay accredited ng ahensya. Sapagkat ang gastos sa panganganak ay cover na ng ahensya kaya naman ito ay libre na. Maliban nalang kung may mga services siyang kailangan na hindi cover ng kaniyang Philhealth insurance.
Iba pang inio-offer ng lying-in clinics maliban sa pagpapaanak
Maliban sa pagpapaanak, nagbibigay rin ang mga lying in clinic ng well-woman exams, preconception counseling, prenatal care, childbirth education, breastfeeding classes, postpartum care at iba pang dapat malaman ng isang manganganak na buntis.
Ayon nga sa 32 years ng midwife na si Nora Tallman, malaki ang naitutulong ng mga lying-in clinic upang mas mapadali ang panganganak ng isang buntis. Ito’y dahil sa homey environment na mayroon ito na nagbibigay comfort sa babaeng manganganak.
“Creating a place where both the environment and the people are familiar to the laboring woman, I believe, has an impact on their ability to cope in labor.”
Ito ang pahayag ni Tallman na isang certified nurse midwife sa Midwifery Birth Center sa Portland, Oregon.
Ganito rin ang paniniwala ni Jennie Joseph, isang midwife at owner ng isang birth center sa Winter Garden, Florida.
“At a birth center, you have privacy, intimacy, agency and freedom of movement. You won’t be tied to monitoring equipment during labor. And you’re free to eat and drink and have lots of friends and family in the room if you like, all of which may be restricted in a hospital.”
Pero hindi lahat ng buntis ay maaaring manganak sa lying-in center
Pero hindi lahat ng buntis ay maaaring manganak sa mga lying-in centers. Tulad nga ng una ng nabanggit, hindi ito tulad ng ospital na may sapat na medical equipment at personnel. Kaya naman ang mga babaeng tinatanggap lang manganak rito’y ang may low-risk pregnancies o hindi nakakaranas ng kahit anumang komplikasyon sa pagbubuntis. Tulad ng pagkakaroon ng gestational diabetes at high blood pressure. Ganoon rin kapag higit sa isang sanggol ang dinadala, ang baby ay nasa breech position at kapag ang babaeng manganganak ay higit sa 35-anyos na.
Hindi basta-basta tumatanggap ng walk-in na babaeng manganganak na ang mga lying-in clinic. Kung nagbabalak manganak sa isa sa mga lying-in centers sa inyong lugar ay dapat magkaroon ka muna ng record o doon ka nagpeprenatal check-up sa kanila. Dapat mayroon ka na ring ideya sa pinakamagandang lying-in center na maaari mong pag-anakan. Gawin ito sa pamamagitan ng pagtatanong-tanong sa kaalaman o experience ng iyong kamag-anak o kakilala.
Sa ngayon na naka-red alert ang mga ospital dahil sa COVID-19 pandemic, isang magandang opsyon ang panganganak sa mga lying-in centers. Bagamat hindi ito fully equipped tulad ng mga ospital, masisiguro naman ang kaligtasan mo rito sa tulong mga mga licensed at experienced midwifes na magpapaanak sa ‘yo.
Panganganak sa ospital
Ang panganganak sa ospital ay may malaking benepisyo rin. Hindi katulad sa mga lying-in clinic sapat ang kagamitan sa mga ospital kung sakaling magkakaroon ng komplikasyon ang iyong panganganak. Kung sakali ring hindi mo na kaya ang sakit mayroon epidural na pwedeng mong magamit upang mapadali ang iyong panganganak at mabawasan ang sakit.
Mas mataas na halaga ang magagastos sa ospital
Ang panganganak sa ospital ang kinakailangan ng sapat na budget. Mas mahal kasi ang panganganak sa ospital kaysa sa mga lying in clinic. Subalit kung ang iyong pagbubuntis talaga at kumplikado at inabisuhan ka rin ng iyong doktor na maaaring magkaroon ng pagsubok sa iyong panganganak, mas mainam pa rin na manganak sa ospital. Bukod sa kumpletong gamit, kung sakaling magkaroon ng emergency ay agad itong maagapan dahil kumpleto ang kanilang kagamitan at pasilidad.
Source: SunStar, New York Times, What To Expect
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!