Mabagal maglakad, ikaw ba ‘to?
Sa kulturang Pilipino, may kalikasan tayong maliksing kumilos at mabilis maglakad bunga ng maraming aspeto ng pang-araw-araw na buhay na ating kinagawian.
Nariyan ang mabilis na palatak ng oras patungong trabaho na sinasabayan natin ng mabilis na paglalakad papuntang opisina. Madalas ding naghahabol ng oras dahil matagal na naipit sa gitna ng lansangan, patungo at pauwi galing trabaho, gawa ng mabagal na usad ng trapiko.
Ngunit paano na nga lang ba kung normal na routine at kilos ng bawat indibidwal ang ating pag-uusapan? Paano natin ia-assess ang mga sarili kaugnay ng isang pag-aaral na nag-uugnay sa bilis o bagal natin maglakad sa kapasidad nating mag-isip?
Mabagal maglakad at mabagal mag-isip, magkaugnay ayon sa pag-aaral
Batay sa pag-aaral ng isang grupo ng mga mananaliksik mula sa Duke University, binibigyang-diin ang walking speed o bilis sa paglakad bilang predictor ng pangkalahatang estado ng kalusugan at haba ng buhay na itatagal ng isang tao.
Lumalabas sa pananaliksik, sa pangunguna ni Line Rasmussen, Ph.D. ng Department of Psychology and Neuroscience ng Duke University, na kaakibat ng mabilis maglakad ang mas mahabang buhay, habang kaakibat naman ng mabagal maglakad ang mababa o mabagal na kapasidad mag-isip gayundin ang iba’t ibang uri ng panganib sa kalusugang maaaring tamuhin ng isang tao pagdating ng panahon.
Sa isinagawang pag-aaral, makikitang nasa average na 16 IQ points ang pagitan ng pinakamabilis at pinakamabagal maglakad na participant na may edad na 45. Tiningnan dito ang natural walking speed ng bawat participant at ang bilis na kaya nilang gawin kapag kinakailangan.
Sa mga naturang mabagal maglakad, mababa rin ang nakuha nilang score sa mga physical exercises, kabilang ang hand-grip strength at visual motor coordination tests, at biological markers o palatandaan ng mahinang kalusugan.
Nilahukan ang nasabing pag-aaral ng 904 kataong nasa edad na 45 mula sa New Zealand, na binubuo ng parehong mga lalaki at babae. Pero mula 3 taong gulang pa lamang ay sumasailalim na ang mga ito ng ib’at ibang klase ng pagsusuring medikal na may kinalaman sa nasabing pag-aaral.
Mahinang kalusugang kaugnay kung mabagal maglakad ang tao
Nakitaan ang mga participant na mabagal maglakad ng mas mabilis na pagtanda o ageing at mahinang baga, ngipin, at immune system kumpara sa mga mabibilis maglakad.
Tinitingnan ang sumusunod na katangian ng mga batang may posibilidad na mabagal maglakad pagdating ng middle-age nila.
- mababang IQ score
- mahinang linguistic ability
- mabilis ma-frustrate
- poor motor skills
- hirap magkontrol ng damdamin
Bukod sa mga serye ng physical examination at MRI na pinasailaliman ng mga participant ng pag-aaral, sa ilalim naman ng biological markers ay kinukuha ang sumusunod na record ng bawat participant:
- body mass index;
- waist-to-hip ratio;
- blood pressure;
- cardiorespiratory fitness;
- total cholesterol level;
- triglycerides level;
- high-density lipoprotein cholesterol level;
- creatinine clearance;
- blood urea level;
- C-reactive protein level;
- white blood cell count; at
- gum and teeth.
Sa aktuwal namang pagsusuring MRI na isinagawa sa mga participant, nakitaan ng sumusunod na katangian ng utak ang mga mababagal maglakad.
- lower total brain volume
- lower mean cortical thickness
- less brain surface area
- higher incidence of white matter na tila maliit na pinsala sa uta
Nakaapekto rin ang ganitong kalagayanng utak ng tao sa kaniyang pisikal na hitsura. Siyempre, mas matanda ang utak, mas matanda rin ang hitsura ng mukha, balat, at bikas ng isang tao kumpara sa may mga mas bata pang kalidad ng utak.
Karagdagang pahayag mula kay Terrie E. Moffitt na senior author ng naturang pag-aaral, “doctors know that slow walkers in their 70s and 80s tend to tdie sooner than fast walkers their same age. But this study covered the period from the preschool years to midlife and found that a slow walk is a problem sign decades before old age.”
Samantala, inilathala ng Journal of the American Medical Association (JAMA) Network Open ang tinukoy na pag-aaral.
Basahin: Mga panganay na anak, mas matalino raw ayon sa isang pag-aaral
Sources: The Telegraph, Medical News Today, JAMA Network Open
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!