Magandang gatas sa baby ang ating goal bilang mga ina kaya patuloy ang aming pagsuporta at pagsusulong ng breastfeeding. Bagaman ito ang numero unong choice ng mga eksperto at mga magulang, may ilang pagkakataon na imposible ito sa iilan. Dito na pumapasok ang infant milk formula bilang panghalili sa breastmilk ng mga ina.
[caption id="attachment_407267" align="aligncenter" width="800"] Photo from iStock[/caption]
Ano ang infant milk formula?
Ang infant milk formula ay isang commercially manufactured na gatas na idinisenyo bilang panghalili sa breastmilk ng mga ina. Kadalasan itong gawa sa skimmed cow's milk.
May sangkap din itong emulsifiers at stabilizers na tumutulong upang maghalo ang oil at tubig sa formula. Ito ay specially formulated para sa mga sanggol na may edad isang taon pababa.
Kadalasan itong nasa powder form ngunit may ilang brand din na nasa liquid form o ready to drink na.
Uri ng infant milk formula
May tatlong pangunahing uri ng formula milk na mabibili sa merkado. Ito ay ang mga sumusunod:
- Cow's milk - Ito ang pinakakaraniwan at pinakamurang uri ng infant formula milk. Ang protina na nagmumula rito ay specially formulated upang maging kawangis ng human breastmilk.
- Soy milk - Ito ang uri ng infant formula milk na plant-based o vegan. Kadalasan itong inirerekomenda ng mga doktor kung allergic ang sanggol sa gatas ng baka.
- Specialized formula milk - Ito ang gatas na nagbibigay ng karagdagang sustento sa bawat partikular na pangangailangan ng mga sanggol. Karaniwan itong ibinibigay sa mga premature babies, mga sanggol na prone magkaroon ng allergies at mga sanggol na lactose-intolerant.
[caption id="attachment_407269" align="aligncenter" width="800"] Photo from iStock[/caption]
Mga gabay sa pagpili ng magandang gatas sa baby
Bawat sanggol ay espesyal at unique kaya magkakaiba ang pangangailangan ng bawat isa. Kaya naman may ilang bagay na dapat muna nating isaalang-alang sa pagpili ng tama at magandang gatas sa baby mo.
Protein content ng gatas
May tatlong uri ng protina na matatagpuan sa mga infant formula milk na nasa merkado. Ito ay ang:
1. Standard protein formula - Ang protein content nito ay full-size mula sa gatas ng baka o mula sa soybeans. Mas malaki ang protina nito kumpara sa protina ng breastmilk ng mga ina.
Mas malaki ang protina, mas maraming digestive work ang kailangan para ito ay ma-absorb ng katawan ni baby. Karamihan sa mga malulusog na sanggol ay kaya itong i-digest kaya walang dapat ikabahala rito.
Ang isang gatas na may standard protein formula content ay may mga ganitong termino na nakasulat sa kahon o lata nito:
- nonfat milk
- milk protein isolate
- whey protein (isang component ng protina mula sa gatas ng baka)
- soy protein isolate (protina mula sa soybeans)
2. Partially hydrolized protein formula - Mas maliit ang protein content ng gatas na ito kumpara sa standard. Ito ang uri ng protein formula na halos kasinglaki ang protein content ng breastmilk ng mga ina.
Kadalasan itong ibinibigay sa mga baby na may problema sa digestion o hindi kaagad natutunawan.
Kapag may terminong "partially hydrolized nonfat milk" o "partially hydrolized formula" na nakasaad sa mga kahon o lata ng gatas, partially hydrolized protein ito.
3. Fully hydrolized protein formula - Ito ang uri ng gatas na may pinakamaliit na protein content. Para ito sa mga sanggol na prone sa allergic reaction sa gatas at severe digestive issues.
Hindi ito basta-bastang ibinibigay sa mga sanggol kaya tanging mga doktor o pediaticians lamang ang nagrerekomenda nito.
Malalalaman ang gatas na isang fully hydrolized protein formula kapag may salitang "hypoallergenic" sa mga lata o kahon ng gatas.
[caption id="attachment_407268" align="aligncenter" width="800"] Photo from iStock[/caption]
Carbohydrates
Ang lactose ay source ng carbohydrates sa breastmilk ng mga ina at sa halos lahat ng uri ng infant formula milk. Mahalagang component ito sa katawan ng mga babies dahil ito ang source ng enerhiya nila. Tinutulungan nito ang brain tissues, muscles at organs na ma-develop ng mabuti.
Subalit may ilang sanggol na lactose intolerant kaya kailangan nila ng ibang alternatibong source ng carbohydrates. Dito na pumapasok ang ilang options ng infant formula milk na hypoallergenic o lactose-free.
Kung ang inyong baby ay may sensitibong panunaw, mabuting sumangguni muna sa pediatrician upang magbigay ng gabay sa pagpili ng nararapat na gatas para sa baby mo.
Added Nutrients and Benefits
Mabuti ring ikonsidera sa pagpili ng magandang gatas sa baby ang mga karagdagang nutrients na kaakibat nito. Mabuting tignan sa label ng gatas ang mga sumusunod na nutrients at benefits:
- Iron - Nakatutulong ito sa muscle growth at bone building.
- DHA/ARA - Ito ay synthesized fatty acids na nakatutulong sa eye and brain development ni baby.
- Probiotics/Prebiotics - Malaki ang naitutulong nito upang maging maayos ang digestion ni baby, lalo na kung sensitibo ang kaniyang panunaw.
- Calcium - Pangunahing sangkap na nakatutulong sa mabilis na paglaki ni baby. Pinatitibay rin nito ang kaniyang mga buto habang siya ay lumalaki.
- Folic Acid - Naglalaman ito ng Folate, isang uri ng vitamin B na nagpapalusog sa red blood cells ni baby. Ang red blood cells ang nagdadala ng nutrients at oxygen sa buong katawan.
Presyo
Hindi mawawala sa mga dapat ikonsidera sa pagpili ng infant formula milk ang presyo nito. Mahalagang naaayon ang presyo ng gatas ni baby sa ating daily budget kaya narito ang ilan sa aming napili na best infant formula milk brands sa bansa.
5 best infant formula milk sa Pilipinas
[product-comparison-table title="5 best infant formula milk"]
Similac TummyCare HW One
Bakit mo ito magugustuhan?
Ito ay may easy-to-digest TummyCare system na nakatutulong sa sensitibong panunaw ni baby. Hypoallergenic at lactose-free din kaya safe para sa mga baby na lactose intolerant.
Wala rin itong palm oil, na nagiging dahilan ng constipation ng mga baby. Scientifically formulated ito upang mas maging efficient ang nutrient absorption ng tummy ni baby.
Safety:
- 0-12 months
- Cow's milk, fully hydrolized protein formula
- Easy-to-digest formula with TummyCare system
- Hypoallergenic at lactose-free
- No palm oil ingredient
- Free of chemicals/GMO
Added nutrition and benefits:
- EyeQ Plus Lutein
- AA and DHA para masuportahan ang eye and brain development
- Vitamins and minerals
- Calcium and other essential nutrients
NAN OptiPro HW One
Bakit mo ito magugustuhan?
Mayroon itong optimized protein, kung saan ang protinang nakukuha ng mga sanggol ay mataas ang kalidad ngunit mababa ang dami nito. May sangkap din itong probiotics na good for the digestion ni baby.
Safety:
- 0-12 months
- Cow's milk, partially hydrolized protein formula
- Vegetable oil ingredient
- With lactose
Added nutrition and benefits:
- Linoleic and a-Linoleic Acid para sa muscle mass
- DHA & ARA para masuportahan ang eye and brain development
- Nucleotides
- Choline, Taurine, Inositol and L-Carnitine para sa overall brain development and nerve-cell activity
- Vitamins and minerals
- Folic acid
- Niacin and Pantothenic acid na essential sa metabolism ng carbohydrates at fats
- Biotin
- Probiotics para sa good digestion
Earth's Best Organic Dairy Infant Formula with Iron
Bakit mo ito magugustuhan?
Ito ang tanging organic milk-based infant formula milk sa ating listahan. Idinisenyo ito na kahawig ng human breast milk. Wala itong artificial growth hormones at corn syrup solids sa ingredients. Mayroon itong prebiotics na mabuti para sa mga good bacteria sa tummy ni baby.
Safety:
- 0-12 months
- Grass-fed cow's milk
- Free of chemicals, non-GMO
- Walang corn syrup solids
- Walang artificial growth hormones
- USDA-Certified organic milk
- Organic nonfat milk
- Idinisenyo na kahawig sa human breast milk
Added nutrition and benefits:
- Iron
- Lutein for good eye sight
- Prebiotic fiber para sa immunity
- Omega-3 DHA at Omega-6 ARA for eye and brain development
- Vitamins and minerals
Enfamil A+ One
Bakit mo ito magugustuhan?
Mayroon itong Omega-3 DHA na nakatutulong sa development ng brain ni baby habang siya ay lumalaki. Ito ay may GOS at polydextrose, 2 uri ng dietary fibers na nakakapagpalambot ng dumi ni baby. Idinisenyo rin ito na kahawig ng human breast milk.
Safety:
- 0-6 months
- Easy-to-digest formula
- Cow's milk, nonfat milk
- Vegetable oil ingredient
- With lactose
Added nutrition and benefits:
- Iron
- Omega-3 DHA and ARA
- Linoleic and a-Linoleic acid
- Nucleotides
- Vitamins and minerals
- Niacin and Pantothenic acid na essential sa metabolism ng carbohydrates at fats
- Biotin
- Folic acid
- Choline, Taurine, Inositol and L-Carnitine para sa overall brain development and nerve-cell activity
Wyeth BONNA Stage 1 Infant Formula
Bakit mo ito magugustuhan?
Ito ang pinakamurang infant formula milk sa ating listahan. Mayroon itong linoleic and a-linoleic acid na tumutulong sa development ng body mass ni baby. May ingredient din itong lutein na nakakatulong sa eye development.
Safety:
- 0-6 months
- Cow's milk, standard protein formula
- Vegetable oil ingredient
- With lactose
Added nutrition and benefits:
- Linoleic and a-Linoleic acid for building body mass
- Nucleotides
- Niacin and Pantothenic acid na essential sa metabolism ng carbohydrates at fats
- Biotin
- Folic acid
- Choline, Taurine, Inositol and L-Carnitine para sa overall brain development and nerve-cell activity
- Vitamins and minerals
Munting paalala para sa mga magulang
Breast milk pa rin ng mga ina ang pinakamainam na gatas para sa ating mga baby. Walang makakatalo sa nutritional value na taglay nito dahil ito ay natural food para sa kanila.
Naglalaman din ito ng mga antibodies na kailangan ng mga baby upang labanan at proteksyonan ang kanilang immune system laban sa mga sakit.
Ang mga infant formula milk ay alternatibo lamang sa human breast milk. Ang aming listahan ay gabay lang sa tamang pagpili ng magandang gatas sa baby. Mainam na sumangguni muna sa pediatricians para sa ilang concerns.
Source: healthline